Monday, September 2, 2013

Septemberandom


Hey! September na! At gasgas na gasgas na gasgas na much ang Wake me up when september ends hoolabaloo. So ibahin natin ang tagline for september.... Sweet September Shindig na lungs para maiba.

For today, alam na..... Random mode nanaman. Medyo naiipon kasi ang mga anik-anik na kaganapan sa akin.....

1. After ng Cebu Trip ko, di ko alam, medyo nadadagdagan ng slight ang eating habit ko. OhwNo...

2. Sa work related thingy, after ng trip to Cebu, nagkaroon kami ng Team Building swimming.

3. Unfortunately, nakalimutan ko magdala ng damit panligo and stuff. Ayun, di ako nakaswimmings. huhuhuh.

4. Tapos may surots pa dun sa place, pantal-much ang naganap sa katawan ko. saket.

5. Nag-shift bid na din pala kami... At ang natirang schedule sa akin ay 7am to 4pm na Sat-sun ang restday.

6. Nasira pala yung ref ko dito sa bahay. Ayun, last week, napaluto ako ng di oras dahil masisira ang foodies na nasa ref.

7. No comment sa Napoles thingy... andami ng opinyons about her. hahaha.

8. Andami kong pending movie review-reviewhan like Conjuring, Mortal Instruments at ibang asian peliks.

9. after 9 months, nakadalaw na din ako sa bahay na tinitirhan ng mga magulangs ko. 

10. Lilipat na me ng bahay most probably by October. Magiging doble sakay na ako papasok ng opis.

11. Can't wait for september dahil simula na ulit ng mga TV shows like Survivor at Amazing Race.

12. Etong computer ko sa bahay, parang naghihingalo na. Minsan namamatay na sya ng kusa. huhuh.

13. 5 years na pala ako sa work ko..... at di ko pa alam ano plano ko.

14. 4 years na pala me sa blogworld last Aug. 25 ata or 26. At di ko din alam kung magpapatuloy pa.

15. Naging busy pala me last few days sa pagsali sa Jacket design contest sa opis.

16. Pwede na sumali sa Saranggola Blog Awards 2013.

17. Gusto ko yung new covers ng Harry Potter series. Parang ansarap bilhin.

18. Masaya ba ang magka-jowawits? ano ang pakiramdam? lols.

19. hala, nalalapits na ang october.....

20. At tinatamad na muli ako.... hahahah

Hanggang dito na lang muna! Take Care

8 comments:

  1. Random na random nga. Parang gusto ko ring gumawa ng checklist. :P Relate ako sa number 13. Hayz..

    ReplyDelete
  2. Belated Happy Blogsary Khants! :) Wag ka na tamarin, isa ang log mo sa faves ko e.

    Masaya naman magka jowawits :) Inggit ako sa sched mo, ang ganda ng off! :)

    Hope you'll have more great Sweet September Shindigs to come! :)

    ReplyDelete
  3. After ng mahabang list, tinamad ka ulit? hehehe
    Belated 5th Blog Anniv!!!

    ReplyDelete
  4. happy blog anniv!

    ganda ng nakuha mong shift!

    sasali ako sa SBA junior hahaha

    msarap magkajowa pero kasabay ng sarap ay sakit lol

    ReplyDelete
  5. Happy Blog Anniv!
    ano itsura ng surot? hihi ^_^

    ReplyDelete
  6. Happy Blog Anniversary!

    Ang random, bow! XD

    Nagiisip pa ako kung sasali ako sa SBA, nauubusan na ako ng ideas lol may tatapusin rin pala akong series sa blog ko >_<

    ReplyDelete
  7. Yown! Time na para magplan kung ano na ba ang gagawin natin sa mga susunod na taon!!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???