Tuesday, October 29, 2013

Pelikatatakutan


Wazzap! Hey Hey Hey... Malapit na mag HeypiHeylloween! Sa mga ganitong panahon kung saan papalapit na ang araw ng mga patay at kaluluwa, syemps uso nanaman ang pelikulang katatakutan para lang maaliw-aliwan ang mga folks.

At dahil dyans...... Malamang ay heaven knows nio na ang post ngayowns ay tungkol sa mga possible films na pwede ninyong panoorins ngayong papalapit na ang gabi ng lagimmmmm (hahaha, parang yung radio program lungs noon).

Pili tayo ng mga peliks sa iba-ibang country para masaya orayt??

US:


1. Scream- Eto ay ang peliks na tungkol sa isang kakaibang psycho killer na tatawag sa phone with altered voice at mang-iinis. Matapos nun, umpisa na ang pagpatay chever. Pasok ang peliks na ito kasi nakakasuspense kung sino ang possible killer at saan lalabas at susulpot yung masked killer. fave ko to sa mga linyang 'What's your favorite scary movie?'


2. Wrong Turn- Ooooh.... I love bloody film and gore kaya naman kasama sa listahan ang medyo twisted film na ito. Ang kung saan may maliligaw na folks somewhere sa amerika na magubat. Tapos di nila alam na may mga tila mutated folks called hilly billies na walang ibang alam kundi pumatay. Creepy face ng mga evil folks at grabehan ang maniac laughters.


3. Saw- Ang paborito kong gore film sa hamerica. Opcors, naka-pitong-peliks na tong film na to kaya naman superb at kailangang pasok sa listahan ang film na itits. Ang film about sa isang twisted killer called jigsaw na nangingidnaps ng folks at ilalagay sa isang torture thingy and they are asked to choose, pain or die ganyan. Medyo music sa aking tenga ang katagang 'hello _____, i wanna play a game!'.

Korean:

1. The Cat- Nope, hindi ito related kay catwoman. Ito ay ang film about sa isang girlay na may nakitang isang pussy. Then for unknown reason, yung owner ng kitty ay nategi tapos may mga ibang folks den na nagkakaroon ng pagkatigok na may relate sa pussies.


2. Death Bell- This is about a story kung saan mayroong isang school where suddenly may mysterious killing na nagaganap. Yung eksenang one by one ay merong student na biglang mawalala tapos suddenly nasa isang torture thingy at ang kaniyang kaklase ay kailangan magsolve ng shitness or else madededs ang kanilang klasmeyt.


3. Bloody Reunion- Ang peliks na kilala din sa pamagat na 'To Sir, with Love'. Ito ay korean film about sa pagtitipon-tipon ng mga magkakamag-aral noon sa elementarya dahil mahina na ang kanilang teacher. Pero medyo may hinanakits pala ang mga ito sa guro.... Medyo may twisty thing ang peliks at the very end.

Thai:


1. Coming Soon- About a story ng isang binatlyow na mahilig mag project kasi isa siyang projectionist. Tapos anyare ay nagshow sila ng upcoming film about sa isang lokaret na babae na nangidnaps ng kiddos at nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti. Dito na mananakot ang mangugulats si Shomba, ang mumu sa peliks.


2. Art of the Devil- May isang girlita na na jontis at humihingi ng helps sa lalaking bumutas sa kanya. Binigyan naman siya ng sustento pero di sapat. Ng nangulit siya para dagdagan ang offer, no-no-no ang binirit ni lalaki. Sa galit ni girlay, aba, may sa mangkukulam ang peg at gumamit ng black magic thingy to make revenge!


3. Meat Grinder- Dapat may gore factor sa peliks kaya naman kasama sa listahan ang Meat Grinder. Ang wento ni ateng food vendor na tinuruan ng kakaibang pamamaraan to prepare foodies. Ito ay paggamit ng human para sa kanyang pagluto. Sabi nga ng chef boy logro, YUMYUMYUM!

Japanese:

1. The Ring- Hindi ito tungkol sa isang singsing. Walang kinalaman ang sports na basketball dito. Walang nokia 3210 na tumutunog sa peliks. Ito ay ang wento ng famed girl in white with hair na hindi nashampoo, ang story ni Sadako. About sa isang taped video na kailangan mong iforward sa iba kundi tegi ka after 7 days.


2. One Missed Call- Ayan! Pede na pong umenter the dragon ang selepono. Ang pelikula kung saan may wirdong phone call na matatanggaps ang mga folks at ang maririnig nila ay wird sounds. Lingid sa kaalaman nila, ang call na natanggap nila ay somehow sarili nilang sounds sa future habang sila ay namamatay.


3. Battle Royale- Yeah, i know, di naman talaga sya technically horror. Pero gusto kong ipasok to sa listahan dahil madugo at medyo exciting din ang peliks. Eto ay about sa isang school section na isinabak sa isang kill spree thingy at kailangan nilang mag-survive against sa kanilang kaklase. Madugo to kaya pasok sa jar!

Pinoy:


1. Feng Shui- May uwi si nanay...sa bahay.... sa bahay..... Ang wento ni Krissy kung saan nakapulot siya ng isang Bawang Bagua (yung chinese mirror thing). Sinuswerte sa life si krissy pero di niya alam, ang sino mang titingin sa salamin ng bagua ay matetepok na may relate sa chinese zodiac sign ng person.


2. Txt- Uso na ang nyelpon sa panahong ito. May magjowawits sa storya. Natigoks si boylet. Aba, di maka-move-on-move-on-pag-may-time si boylet kaya kahit tigok na ay mega paramdam sa kanyang jowa. At ang masaklups nito, pinapatay niya yung mga folks na kontra at against sa relasyones nito sa girlay niya.


3. The Healing- Healing-healing-healing-healing-healing mo ng matunaw ang taba! Lols. About kay Ate V na ipinagamot si Kim Chiu sa isang Faith Healer. Kaso ang problema, nasobrahan ang faith healer at sa di sinasadyang case ay instead of just healing, nag-resu sya ng patay. Ayun, nagkaroon na ng problema at lahat ng napagaling ay sinisingil ni kamatayan ganyan.

O ayan, meron na kayong options na pedeng panoorin this coming Halloween! Don't forget to patay the ilaw and make luto ng popcorn para masaya at enjoy ang panonoods.

Hanggang dito na lang muna! Take Care


Thursday, October 24, 2013

Private VS Public

Wattpad stories, mukang uso ito lately kasi kadalasan ng mga librong nailathala at ibinebenta sa mga bookstores ay mula sa wattpad. Tulad ng Diary ng Panget, ang librong may review-reviewhan for today ay galing sa wattpad tapos inilipat at pinublish as a book.

Introducing 'Private vs Public'.

Medyo summarized detalye ng book:

Merong isang girlay na nag-aaral sa isang public school. Sumali sa competition ng mga school shenanigans at doon niya ma-mi-meet si conyo richy boy ng private school. Sa una syemps, parang shungang di magkasundo pero sa di kalaunan, laglag-panty-laglag-brief nahulog ang loob ng isa't-isa. 

IKR! Cliche-ish ang wents. Imagine the Poorita Corales si girlay tapos Richie De Horsie naman tong si guy. Tapos enter the richie friends ni boy. Yung moment na oks naman sa tropapips na richie na mainlababo ang kanilang friendship sa dukha and stuff like that. Some kinda plot ni Tangkay at Domengsu, Makino and Domyugi, Jan Di at Jun-Pyo.

Rate ng book for me ay 7. Sorry pero kasi for me gasgas-ish na yung storyboard ng rich-poor thing pero di nabigyan ng kakaibang flavor ang wento. Okay naman sana yung type of storytelling and narration prowess ng author pero parang super bilis, ang momentum biglang pak, nasa taas na tapos pak, nasa baba agad.

Though may kinda-twisty thing na gagawin sa ending at para sa new book kasi by huling pages, it turns out na mukang richie rich din pala tong si girlay pero di pa alam ng family ni boylet kaya no-no-no-no-way ang sinisigaw ng mapangmatang fam ni boy.

Predictable much ang ganap kaya napapa-skim-read ako. hahaha. 
Pwede na!
O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Monday, October 21, 2013

Unang Putok ni Wickedmouth

Kahaps, nagkaroon ako ng chance na maglakwatsa sa araw ng aking restday at magpunta somewhere to meet ang isang blogger na nabigyan ng chance na makapagpublish ng book. Ito ay walang iba kundi si Glentot ng Wickemouth.

Di lang yowns, kasama sa libro ni Glentot ay ang ang illustrations na gawa naman ng isang talentadong teacher na si Sir Mots ng Teacher's Pwet.

Sa may Trinoms, doon ako nabigyan ng chance na ma-meet personally ang author ng librong aking binili at ngayon ay bibigyan ng review-reviewhan sa aking bloghouse.

Matapos ang isang upuan ng pagbabasa ng book, heto na ang aking husga/review ng libro.

Charan!!! Tingnans ang larawa sa ibaba, hong-astig ng cover pic ng book. 

Front Cover pa lungs, kick-ass na!

Hokay, ano ang content ng libro? Curious kayo? Ows? Talaga? Sige na nga.... Sabihin ko na nga na ang laman ng libro ay naglalaman ng mga tunay na wents ng kabiguan, kahihiyans,kamalasans, katangahans at kamunduhans. Sabi nga sa back cover, may lesson din somewhere.... Basta!

Hets ang back design ng book

Score???? Walang pag-aalinlangang 10! WICKEDLY PERFECT ang score ng libro para sa akin! Yep! Perpeksyon at bonggang 10!

Iba talaga ang prowess ng pagsasalitype ni Glentot ng kanyang mga heksperiences sa life and stuff like that. Iba ang spunk at angas factor ng kanyang wento dahil sa mga 30+ na wento, di mo mafefeel na same-old-same-old type of choice of words ang gamit niya. 

Yung eksenang masama ang pakiramdam ko dahil sa sudden attack ng asthma ay nawala sa kakatawa sa wento (espesipikally sa part where Khikhi [ang tila soulmate siguro ni glentot nyahaha] is involved). Hahaha much while reading.

Walang snooze factor while reading the book at aside pa doon, aliw factor din ang mga iginuhit ni Sir Mots! Bangis at Wow factor ang kahusayan nia.

Yung halagang 200 petot sa pagbili ng book ay sapat na sapat na at sulit na sulit while reading it! Di mo to macocompare sa ilan sa librong na-feature ko na! At magandang klase din ang paper na ginamit (oo, minsan nakaka-factor ang paper lols)

Technically, wala pa sa mga leading bookstores ang libro nagyon pa lungs ay sinasabi ko na na kailangan at a-must ang makakuha ng inyong kopya.

Based sa blog ni Glentot, ang libro ay magiging avail sa ilang bookstores sa darating na 11.12.13 (oha! May ganung factor sa release date!) hahaha. At di lang yown.... may book signing na magaganap with the Sir Glentot at Sir Mots sa Nov. 16. 

Muli..... kailangan ninyong makakuha ng copy ng book na itow! Get-get-aw! lols

Hanggang dito na lang muna, Take Care folks!


Saturday, October 19, 2013

Thor's Mjolnir USB sa Jollibee

Warap! Kakapost ko lang kanina pero dahil sa biglaang pangyayari, meron nanamang post for today. Hahahah. Medyo bumabalik sigla sa pagsasalitype me.... lols. 

Malapit na ang peliks ng isa sa mga Marvel Heroes... Clue..... Meron siyang martilyo...... na-gets mo na? Tama ka, Thor! Yep, palapit na ang kanyang peliks!

At dahil dyan, isa sa fastfood sa pinas ay may partnership ata sa peliks kaya naman merong ganap sa fastfood. Eto ay ang Palakol ni Diva Mjolnir USB ng Jollibee.


So, pano ba makakuha ng limited edition na 1 Gb na USB?


Ganito.... Buysung ka lang ng Cheesy Bacon Mushroom Burger ng Jabi worth (129-solo; 165 pag value meal) tapos magdarugdags ka lungs ng 95 petot at meron ka na nung martilyo ni Thor.


Pede yung usb lalo na sa mga studyanteng nag-aaral to make save homeworks, projects and stuff or even slight porn ganyan. lols.

Ano pang hinihintay ninyow? Kung trip nio, buy na sa suking pulang bubuyogs.

Take Care folks!

note: swakto much ang Jollibee bedsheet ko as background... hahahah

Men are from QC, Women are from Alabang

Kailangan may momentum kaya naman kailangan magbalik-sigla sa pagbloblog kaya heto ako at meron nanamang new post sa aking bloghouse.

Book review nanaman tayo. Ang librong ibibida for today ay ang gawa ni Stanley Chi (yep, yung gumawa ng suplado tips). Ang namesung ng book ngayon ay 'Men Are from QC, Women Are from Alabang'.


If nabasa na ninyo ang dalawang Suplado Tips ni Stanley Chi, well, sorta-kinda like that din ang libro ngayon. It contains things and anik-anik about understanding the opposite sex (as mentioned sa cover ng book).

It contains mga parang liners na pwede mong pang-istatus sa FB or sa chwirrer. Mayroong mga tila quotable quotes at comics thingy and stuff.

Infairview, it's funny naman at mas entertaining compared sa libro ni Papa Dan na ni-review ko kahaps. At dahil dyan, meron itong score na 8.5. Bakit ganun ang score? Kasi aside sa nabanggit kong mas okay sya sa libro ni Papa Dan, e mas quality paper na ang ginamit ngayon kesa sa Suplado Tips book paper na parang scratch paper type-ish na klase ng papel. hahahah.

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

Friday, October 18, 2013

Papa Dan's- Single But Never Alone

Medyo kailangan alisin ang katamaran sa katawan kaya dapat simulan na ang pagbabago at magbalik loob sa pagwewento ng anik-anik sa bloghouse na ito.

For today, tayo ay magkakaroon ng book review-reviewhan....

Naaalala nio ba yung mga book na napost ko na dati dito? Like yung Morning Rush, saka yung sa Tamabalan at yung kay Papa jack? Well, this time, another Radio DJ ang merong book na inerelease sa public... Eto ay ang book ni Papa Dan ng Baranggay LS...

 Ignore the Jollibee bed sheet background ng pic

Well, ano ba ang laman ng libro? Di ko masyarowng madescribe much..... Parang anik-anik ng tinatawag na pangmalakasan....sorry, di ko ganong gets.... 

It's kinda like listahan ng mga anik-anik na kakailangan mong malaman in the field of love and dating and stuff. It includes the introductions, japorms, the place to date and stuff like that.

Technically, catchy yung title ng book. Pero the content... di ko alam... Siguro dahil either di ako nakikinig sa kanyang show sa radio kaya aloof or di ko masakyan ang wavelength ng kanyang pag-iisip.

Also feeling ko masyadong tadtad much ng illustration ang book... Yung eksenang i don't know, overkill lang ng images.....

Sorry Papa Dan pero ang score ng book for me ay 7. Di ako na-entertain much. Konting tawa lang ata nagawa ko. mga haha lang at hindi hahahahahahahahahahahah. ganyan.

Doncha worry, malay mo papa dan, may ibang magrereview ng book mo na magbibigay ng mataas na score. hehe.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Thursday, October 17, 2013

ABMYBLGPPLAKO

Dear Blog,

Hey, howaryu? Aryupayntenkyu? Kamustasa naman sa iyo? Parang andaming bagong blogpost sa iyo lately. Sa sobrang dami, di ko na kayang basahin at mapapa-skip read ata ako. Lagi kang may update lately... charot lang.

Blog, patawad! Pagkat ako'y tinatamad....tinatamad nanaman...

Alam ko napapabayaan na kita. Yung mga moments na dati ay halos araw-araw kitang binubuksan at halos araw-araw ay meron kang laman. Ngayon, nagbago na ata ang lahat. Di ko na ata kaya na mag-ipon ng lakas na madalas kang lagyan ng mga anik-anik at kung ano-ano.

Katam or Sabaw, alinman sa dalawa ay di ko talaga alam ang rason kung bakit nagkaganto. Marahil meron pang isang factor kung bakit napapabayaan na kita. Ito ay ang stress factor.

Alam mo ba sa work, medyo na-stress na ako. Oo.... STRESS.... naka-caps para intense. Intensity much ang stress na nadadanasan ko sa work. Yung dating ambon ng calls at mga maximum na 5 to 10 calls, aba, parang gremlins na naulanan at dumami.... pumapalo na ang calls ng around 15 to 20...

Alam ko na alam mo na kaya ko naman. Oo, nakaya ko nga ng limang taon na tumatanggap ng tawag ng mga kanutong may problema sa pc nila. Pero ewan ko... ngayong buwan ata ang nakaka-toxic na panahon. Pagoda na talaga much. Yung minsan parang lunok ko lang ang pahinga.

At heto pa, may upcoming halloween thingy na magaganap sa opis. Kailangan maggawa ng costume ng wobots. Na-assign sa team ay si C3P0 ng Stawas(oo, ganyan ang slang pronounsyeysyen). paano kami gagawa kung queueing. Tapos may matatanggap na email telling us na kami ay APATHETIC... IKR! I should no longer care... Fuck that bitchy froglet na dapat itapon sa daraanan ng MRT. 

Tapos hindi lang yon, alam mo ba na nakakapressure na much ng bongga. Yung alam mong parang kalevel ko na ang mga punong kahoy ng Narra, kamagong at balete ganyan.... Yung pakiramdam mo na you're damn old... I know right, kakalerks na new faces na halos lahat ng nasa paligid.....

Alam mo ba ung moment na nag-pipile na ang mga nakakalerks na kaganapan... Yung napupuno na ako na di ko alam pano tanggalin ang negativity na dumadagsa.

Tapos sasabayan pa ng nakakaburaot na morning shift. Yung times na oras ang gugugulin para makasakay ka ng jeep at sasabayan pa ng moments na hindi lang basta-basta late ang mangyayari sa iyo.... Half-day pa which never na nangyari sa akin noon.

Nagbirthday nga pala ako blog nitong nakaraang araw. Nakabawi naman at nakagaang naman ng kalooban ko yung eksenang madaming nag-greet sa fb. Lam ko naman na yung iba ay napagreet lang kasi nabulabog na laging nasa timeline yung mga birthday greeting dahil nagrereply ako sa greetings. Pero masaya padin me na atleast madaming nakaalala sa akins.

Wag kang mag-alala blog, di pa naman kita lubusang napabayaan. Babawi ako nektaym. may records naman ako ng ilan sa mga films na napanood ko at natatandaan ko pa naman ang possible book reviews ko. Just give me a reason time to cope up and gather my strength....

Hanggang dito na lang muna blog...

Take Care!

Lost, Hurt, Tired and Lonely...
-Khanto

Friday, October 11, 2013

Wish Ko Lang AirAsia Zest


Dear Ate Charo,

Itago ninyo na lang po ako sa pangalang 'Khanto'. Isa po ako sa isa sa mga tao na nahihilig na po sa paglalakwatsa at pagbyahe sa kung saang lupalop ng pinas. Sumulat po ako para humiling na sana ay mapagbigyan po ako sa mga destinasyon na aking minimithi.

Ay, teka lang po, muka po atang mali ang aking sinusulatan. Erase, erase, erase na lang po. 'K Thanks bye!'.

Dear Ate Vicky Morales,

Ako po si 'Khanto' na nagkamaling sumulat sa kabilang istasyon upang humiling na sa ay mapagbigyan akong makapagbyahe sa mga lugar na aking gustong balikan. Heto po sa ibaba ang tatlo sa mga nais kong mapuntahang muli.

Unahin ninyo na po ang Cebu. Maygas Ate Vicky, ansaya pong magpunta dito. Nais ko pong mapasyalan muli ang Oslob at makasabay sa paglangoy ang mga malalaking isda na mga 'whale sharks'. Mababait sila at di nangangain ng tao kaya naman nakakamangha na makita sila ng personal at makapagpa-photoshoot kasama sila. Heto po kalakip ang family picture naming mga Butanding.


Maliban sa Oslob, okay din pong puntahan yung Sky Adventure sa Crowne Regency at maglakad sa isang mataas na gusali o kaya po ay mag-zipline. 


Pangalawa po sa aking hihilingin ay ang makapunta sa Puerto Prinsesa. Alam niyo po ba na enjoy mamasyal sa main city ng Puerto Prinsesa? Masarap po ang mga tinapay sa Baker's Hill at masarap din po tumambay sa Mitra Ranch.


Isa pa sa mapupuntahan at maipagmamalaking lugar sa Puerto Prinsesa ay ang kanilang Underground River. ate Vicks, astig po ang place na ito.


Ang huli po sa aking hiling ay ang makapasyal muli sa Tagbilaran. Alam ko po medyo di po masyadong nakaka-recall ang name na Tagbilaran so para mas madali ay i-associate po natin sa pangalang Bohol. Isa po sa ayos mapasyalan ay ang 'Hinagdanan Cave' kung saan pong pwede kang magpa-picture na kakabog kay Ate Nora, may himala!


Pero ate vicks, syempre wag na tayong magpaligoy-ligoy pa, di na po ako magpapatumpik-tumpik pa-kara-karaka, syempre ang dapat pasyalan sa Bohol ay ang Chocolate Hills at makita ang Tarsiers at kumain sa Loboc Riverwatch buffet. 


Nagmamakaawa po ako ate vicky na inyong tuparin ang aking hiling... Lalo na po at ngayong darating na Oktubre 15 ay aking kaarawan at gawin na ninyong birthday gift ang pagbyahe sa kahit isa sa tatlong lugar. Pero kung bongga kayo, why not lahat po. hehehehe.

Wag po kayong mag-alala Ate Vicky, di ninyo na kailangang hanapin si Darna para mailipad ako sa mga lugar na nais kong puntahan. Alam po ba ninyo na may partnership na ang AirAsia at Zest at ito ay naging AirAsia Zest. at dahil dyan, AirAsia Zest may now take you to destination at affordable price! But wait, there's more ate Vicks, dapat mo din malaman na AirAsia Zest flies from Manila. Tama ang nababasa mo ate vicks, di na kailangan pumunta ng Clark kasi meron ng flight from Manila!

Heto pa, ang AirAsia Zest ay may mga flights papunta sa mga lugar tulad ng Cebu, Davao, Kalibo (Boracay), Puerto Prinsesa, Tagbilaran, Cagayan De Oro. But wait, there's more pa! May lipad ang AirAsia Zest palabas ng pinas tulad ng Kuala Lumpur, Kota Kinabalu, Shanghai, Incheon. Bonggang-bonggang-bogambilya diba?! Kaya nga po AirAsia Zest, The Right Way to Fly!

Hanggang dito na lang muna Ate Vicky, salamuch sa pagbasa at Wish ko Lang na matupad ang aking hiling. Take Care po. 

Nagmamahal,
Khanto
-=-=-=-=-=-
Heto ang aking blogpost para sumali sa Blogger Contest ng AirAsia Zest. Samahan nio ako mga friendship na sana manalo mey. hahahaha.

Tuesday, October 8, 2013

Ang Anik-anik sa pagbyahe

Hello! Hello! Hello! At isa pang Hello! Kamusta naman kayo? I hope you're all doin' good. Hopefully ay nasa mabuti kayong kalagayan and happy and everything.

Kakamiss magsulat at magdadaldal via written words kaya naman heto ako at nagbabalik sa pagsasalitype para magsaad at magsalaysay ng aning-aning na kaganapan.


Kaninang umaga, late ako for work dahil pahirapan ang makasakay sa jeep ni erap. Grabacious ang dami ng passenger seat. Buti sana kung may pila-balde for pagsakay ng jeep, kaso walang systema.... It's a race! Yep! Karera sa pagsakay ng jeep.

Alam mo yung moment na may dadaan na isang jeepney na pwedeng magsakay ng 22 na katao pero ang mga abangers sa pagbyahe ay nasa 100 folks?! Ganun! Takbuhan talaga ang mga creatures at unahan sa pagsakay. Walang limitation, babae, lalaki, bakla, tomboy, matanda, bata, buntis, aba, kumakarera para makasakay ng jeep.

Ang matindi dun, yung jeep, may laman pa minsan na mga taong pababa pa lang ay di na makababa kasi kuyog talaga na parang bubuyog ang mga tao sa pagsakay.

Sa mga ganitong eksena kailangan mo talagang mag 'whammy: push your luck' para makasakay. Alpha-kapal-muks ka dapat at wala ka dapat 'care bear' sa iba kung ayaw mong maiwan sa byahe at kung super takot kang ma-late.

Minsan nga naisip ko, pano kaya kung pwedeng magdala ng weapons and ammos ang mga tao, siguro, kill spree mode ang mga folks para lang makasakay. Yung baka dumanak ng dugo sa pagsakay lang.

Pero-pero-peroppi.... Di lang dun sa amazing race na nagaganap ang minsang nakakainit ng ulo sa pagsakay ng jeep ni erap.... minsan kabwisit ng bongga ang mga jeepney drivers.

Alam naman nila na rush hour ang 6am-8am, pero doon sa time pa na iyon nila piniling magbreakfast! Maygas! Buti sana kung may break schedule sila para tuloy-tuloy ang mga jeep na nagsasakay baba... e hindi eh... Aba, nag team breakfast ang mga shutangineng mga driver..

Sorry sa pagmura pero minsan talaga ay nakakabadtrip at nakakayamot ang ginagawa nila..... Rush hour na mga koya, kaninang mga 5am ay di ba sila nag-almusal? Umalis ng bahay na gutom-talelong? Watdafudge! Tapos ang masaklap, sa 10 na jeep na dadaan, 8 sa kanila ang di magsasakay dahil kakain!

So yan ang dahilan ang kadalasang eksena at problema ko sa pagbyahe! kaasar-cesar much! Kailangang makipagsiksikan ka na sa dami ng passenger with all the scent and bodily odor, kailangan mo pang mag-abang ng jeep na gustong magsakay.

Minsan parang ansarap maghagis ng spikes at pako sa kalsada para ma-flatan ang mga kupaloids na driver na ayaw magsakay pero syemps, di pede, nope, ayokong makasuhan ng anik-anik.

Eh kung richie lang me, nagtaxi na sana ako ng wagas o kaya gumamit ng sports car...yung red... pero syemps di naman ako mapalad na creature kaya tiis sa ganitong moments.

Haynaker...gusto ko na mawala sa morning shift at miss ko na yung sasakay ako ng jeep na mga 10-15 mins lang ang byahe at kadalasan ay mga 5 -6 lang ang laman o pasahero.

Isang buwan pa akong magtitiis.... Ka-ynez veneracion! lols

O cia, pasensya na sa medyo ranty post.

Take Care folks!

Thursday, October 3, 2013

Tambalan: Nicole Hyala at Chris Tsuper


I'm back! Well! Meron pa akong ibubuga. Buhay pa ang will of writting. Burning passion is still intact! Kaya heto ako, tuloy padin sa pagsasalitype.

For today ibibida ko lang ang isang librong aking natagpuan sa aking peborit bookstore sa peborit mall.... Ito ay compilation ng anik-anik topic/usapan ng best tandem ng DJ sa radio... ito ay ang libro ng tambalang balahura at balasubas... Ito ang librong 'Tambalan: Nicole Hyala at Chris Tsuper'.

Di na ako nakakapakinig ng radyo so di ko na alam ang mga stuff at anik-anik ng magpakner pero base sa aking nabasa, still right on. Hokay naman tong book. 

For me, score of 9 for the book. Hindi lang puro talkish, meron ding caricatur-ish illustrations na nakakaaliw at hindi nakaka-bore.

Sayangs nga lungs at walang book signing... gusto ko pa naman makita ng personal ang tambalan. hahahahaha.

O sya, hanggang dito na lang muna. TC!