Showing posts with label horror. Show all posts
Showing posts with label horror. Show all posts

Tuesday, October 29, 2013

Pelikatatakutan


Wazzap! Hey Hey Hey... Malapit na mag HeypiHeylloween! Sa mga ganitong panahon kung saan papalapit na ang araw ng mga patay at kaluluwa, syemps uso nanaman ang pelikulang katatakutan para lang maaliw-aliwan ang mga folks.

At dahil dyans...... Malamang ay heaven knows nio na ang post ngayowns ay tungkol sa mga possible films na pwede ninyong panoorins ngayong papalapit na ang gabi ng lagimmmmm (hahaha, parang yung radio program lungs noon).

Pili tayo ng mga peliks sa iba-ibang country para masaya orayt??

US:


1. Scream- Eto ay ang peliks na tungkol sa isang kakaibang psycho killer na tatawag sa phone with altered voice at mang-iinis. Matapos nun, umpisa na ang pagpatay chever. Pasok ang peliks na ito kasi nakakasuspense kung sino ang possible killer at saan lalabas at susulpot yung masked killer. fave ko to sa mga linyang 'What's your favorite scary movie?'


2. Wrong Turn- Ooooh.... I love bloody film and gore kaya naman kasama sa listahan ang medyo twisted film na ito. Ang kung saan may maliligaw na folks somewhere sa amerika na magubat. Tapos di nila alam na may mga tila mutated folks called hilly billies na walang ibang alam kundi pumatay. Creepy face ng mga evil folks at grabehan ang maniac laughters.


3. Saw- Ang paborito kong gore film sa hamerica. Opcors, naka-pitong-peliks na tong film na to kaya naman superb at kailangang pasok sa listahan ang film na itits. Ang film about sa isang twisted killer called jigsaw na nangingidnaps ng folks at ilalagay sa isang torture thingy and they are asked to choose, pain or die ganyan. Medyo music sa aking tenga ang katagang 'hello _____, i wanna play a game!'.

Korean:

1. The Cat- Nope, hindi ito related kay catwoman. Ito ay ang film about sa isang girlay na may nakitang isang pussy. Then for unknown reason, yung owner ng kitty ay nategi tapos may mga ibang folks den na nagkakaroon ng pagkatigok na may relate sa pussies.


2. Death Bell- This is about a story kung saan mayroong isang school where suddenly may mysterious killing na nagaganap. Yung eksenang one by one ay merong student na biglang mawalala tapos suddenly nasa isang torture thingy at ang kaniyang kaklase ay kailangan magsolve ng shitness or else madededs ang kanilang klasmeyt.


3. Bloody Reunion- Ang peliks na kilala din sa pamagat na 'To Sir, with Love'. Ito ay korean film about sa pagtitipon-tipon ng mga magkakamag-aral noon sa elementarya dahil mahina na ang kanilang teacher. Pero medyo may hinanakits pala ang mga ito sa guro.... Medyo may twisty thing ang peliks at the very end.

Thai:


1. Coming Soon- About a story ng isang binatlyow na mahilig mag project kasi isa siyang projectionist. Tapos anyare ay nagshow sila ng upcoming film about sa isang lokaret na babae na nangidnaps ng kiddos at nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti. Dito na mananakot ang mangugulats si Shomba, ang mumu sa peliks.


2. Art of the Devil- May isang girlita na na jontis at humihingi ng helps sa lalaking bumutas sa kanya. Binigyan naman siya ng sustento pero di sapat. Ng nangulit siya para dagdagan ang offer, no-no-no ang binirit ni lalaki. Sa galit ni girlay, aba, may sa mangkukulam ang peg at gumamit ng black magic thingy to make revenge!


3. Meat Grinder- Dapat may gore factor sa peliks kaya naman kasama sa listahan ang Meat Grinder. Ang wento ni ateng food vendor na tinuruan ng kakaibang pamamaraan to prepare foodies. Ito ay paggamit ng human para sa kanyang pagluto. Sabi nga ng chef boy logro, YUMYUMYUM!

Japanese:

1. The Ring- Hindi ito tungkol sa isang singsing. Walang kinalaman ang sports na basketball dito. Walang nokia 3210 na tumutunog sa peliks. Ito ay ang wento ng famed girl in white with hair na hindi nashampoo, ang story ni Sadako. About sa isang taped video na kailangan mong iforward sa iba kundi tegi ka after 7 days.


2. One Missed Call- Ayan! Pede na pong umenter the dragon ang selepono. Ang pelikula kung saan may wirdong phone call na matatanggaps ang mga folks at ang maririnig nila ay wird sounds. Lingid sa kaalaman nila, ang call na natanggap nila ay somehow sarili nilang sounds sa future habang sila ay namamatay.


3. Battle Royale- Yeah, i know, di naman talaga sya technically horror. Pero gusto kong ipasok to sa listahan dahil madugo at medyo exciting din ang peliks. Eto ay about sa isang school section na isinabak sa isang kill spree thingy at kailangan nilang mag-survive against sa kanilang kaklase. Madugo to kaya pasok sa jar!

Pinoy:


1. Feng Shui- May uwi si nanay...sa bahay.... sa bahay..... Ang wento ni Krissy kung saan nakapulot siya ng isang Bawang Bagua (yung chinese mirror thing). Sinuswerte sa life si krissy pero di niya alam, ang sino mang titingin sa salamin ng bagua ay matetepok na may relate sa chinese zodiac sign ng person.


2. Txt- Uso na ang nyelpon sa panahong ito. May magjowawits sa storya. Natigoks si boylet. Aba, di maka-move-on-move-on-pag-may-time si boylet kaya kahit tigok na ay mega paramdam sa kanyang jowa. At ang masaklups nito, pinapatay niya yung mga folks na kontra at against sa relasyones nito sa girlay niya.


3. The Healing- Healing-healing-healing-healing-healing mo ng matunaw ang taba! Lols. About kay Ate V na ipinagamot si Kim Chiu sa isang Faith Healer. Kaso ang problema, nasobrahan ang faith healer at sa di sinasadyang case ay instead of just healing, nag-resu sya ng patay. Ayun, nagkaroon na ng problema at lahat ng napagaling ay sinisingil ni kamatayan ganyan.

O ayan, meron na kayong options na pedeng panoorin this coming Halloween! Don't forget to patay the ilaw and make luto ng popcorn para masaya at enjoy ang panonoods.

Hanggang dito na lang muna! Take Care


Tuesday, December 13, 2011

Death Bell

Hello Philippines and hello world! lols. Kamusta naman ang unang araw ng pasok ninyo? Okay sa alright ba? Well, ako ang monday ko ay inollot ko na lang para manood ng korean series. Yung matagal kong hinahanap sa St. Francis square na korean series na may matino at hindi barok na sub ay napasakamay ko na.

Pero walang kinalaman ang korean series na iyon sa post na to. Wala lang. May masabi lang as intro-introhan. For today, movie post nanaman. Oo. Movies ulit. E sa iyon na lang ginawa ko sa aking araw ng pahinga kasi nakakatamad lumayas at wala namang event. 

Ang peliks ngayon ay Horror/Suspense/Mystery. Oo, mix ang genre. Isa nanamang OO na sagot.... Horror nanaman. Yun ang trip kong films. Saka na ang love stories kasi gusto kong makalimots muna... May pinag-iisipan lang at kailangan ko ng escape route. lols.


Synopsis:

Sa isang iskwelahan, katatapos lang ng midterm exams ng mga estudyante at nagkaroon na ng student rankings. Ang mga nasa top lists ay nabigyan ng pribilehiyo sa isang joint session ng sister school nila. Sa Araw ng session, nakatanggap ng threat ang mga students at faculty na kailangan nilang sumagot sa isang kakaibang exam dahil kung hindi nila masasagutan, isa-isang matitigoks ang mga estudyante.

Ang peliks ay tatakbo sa isa-isang pagkamatay ng mga students na nasa top 10. Magkakaroon ng puzzles and mental challenges to solve the mystery. At sa pagtakbo ng kwento, malalaman na may relate ang pangyayari sa isang X-students ng campus na namatay. Sino ang pumapatay? May multo nga ba? Humanap ng sariling copy at manood. lols.

Bibigyan ko ng 9 ang pelikulang ito. Oo, isa nanaman OO. hahaha. Mataas ang score kasi during the eksenas nakakagulantangs ang mga parts at curious me kung sino ang killer. Akala ko estudyante- wrong. Akala ko yung teacher- enk-mali. Akala ko mumu-mas lalong mali. I never expect the outcome. Hahaha.

Nakatulong din sa mataas na score ng pelikula ay ang mga grabecious na gore at torture sa pagpatay sa mga estudyante. katulad ng mga eksena na malulunod sa aquarium type si first student. Si 2nd student naman ay namatay sa paso ng kandila sa muka. May estudyanteng nilagay sa spin dryer. Hahahaha. Panalo. 

O hanggang dito na lang muna. May tinatapos pa akong basahin na libro na mukang magkakaroon ng mataas na score sa akin. Eeheheh. TC.

Thursday, November 17, 2011

Art of the Devil 3

Haler! Kamusta na? Lately ay walang peliks..... Horror kasi ang mga trip ko lately e alam ko naman malaki ang chance ng mga viewers este readers na di magbabasa kasi horror. Unless trip nio pa din.... basa na.....

Ang peliks for today ay para sa matitibay ang sikmura. Para sa walang takot. Para sa brave. Di pwede ang matatakutin at mahina ang stomach.


Ito ay ang peliks kung saan may isang family na thailander ang nag-tangkang gumamit ng dark magic ritual para ang kaluluwa ng kanilang mahal sa buhay ay mabuhay muli sa wankata ng iba. For this scenario, ang dead mother ay ibabalik sa wankata ng kinalanding jowaers ng asawa.

Saksespul ang transper ng kaluluwa pero wooooops may something, dahil ang wankata ng nilipatang body ay may powers ng 3 eyed demon. That's right, may third eye.

E kaso yung original soul nung babaeng lilipatan ng katawan ay nagka-powers... it's time to pay back at doon na magsisimula ang malagim na ritual ng pagbayad utang sa pamilyang ginamitan sya ng itim na magic.

Anlalim lang ng wento pero masaya ang peliks na to. Umaapaw ang dugo. Grabe sa makatindig balahibong torture. Incredible ang pagdurusa at balik ng paghihiganti. Swak na swak ang titulo na Art of the Devil 3.

Sa taklong peliks ng Art of the Devil, eto ang okay panoorin kasi malinaw yung kopya. Mukang recent. Ahahaha. 

Klap-klap ako dun sa mga eksenang yung katawan nung isang shaman guy ay inuuod ng bongga kasi di makayanan ang powers ng black magic. imba din yung torture sa mata nung matandang lalaki (lagyan ba naman ng pardible! at patakan ng kandila!!!). Oks din yung eksenang binubunutan ng kuko sa paa yung malandyutay na tatay. ahahahahaha

Sayangs di na pinakita much yung torture dun sa lalaki kung saan tinosta sya ng blow torch mula ulo hanggang paa (seen on Art of the Devil 2)..

All in all oks ang peliks na to. Parang Saw!! Incredible ang twist. wahahahahaha. Walang iskor kasi indi to review-reviewhan.... kwento-kwentuhan lang kasi baka sabihin nio kinarir ko na pag-iskor ng peliks, ahahaha

O sya, hanggang dito na lang muna..... Saka na ang pagpapatuloy ng kalandian ng mga prinsesa. TC!

Sunday, October 23, 2011

Sick Nurses

Sick ka na ba sa mga romcom films? Sick ka na ba sa mga drama peliks? Well, well well, this time hindi kilig-kiligan peliks at hindi tongkol sa pag-ebeg na wagas ang film. Mag-seductive horror naman us!

Nga pala, balik tayo sa bansang Thailand. May nag-comment kasi na may pangalang Michael Palma (hahaha) na nagtatanung kung nanawa na daw ba me sa Thai films. So heto ang kasagutan. Hindi pa! :D

Kahaps, may overnight nanaman kami para magbond with HS pips at syemps pag may ganto, di nawawala ang time para manood ng horror peliks. And without further ado, heto na ang 'Sick Nurses'.


Ang pelikula ay tungkol sa mga doktor. joke. Syempre may connect ito sa Nurses. Ito ay ang wento ng isang Nurse na may jowa at fiance na dok. Pero-pero-pero si girl ay pinatay ng mga co-nurse and so-called friends.

May pamahiin sa thailand na ang namatay daw ay nabubuhay/more like nagpaparamdam muli after 7 days para sa kanilang minamahal. Apparently yun ang nangyari. Si dedo girl ay nagbabalik para maghiganti sa mga nurses.

Dito ay isa-isang hinuhunt ang mga sexy at bootilicious nurses (actually hindi isa-isa kasi sabay-sabay pala silang pinaghihigantihan). At nag-start na ang madugo at slight kader-der na eksena ng pagpapahirap sa mga sexy Nurse.

Bakit nga ba Sick Nurses? Kasi yung mga nurse may mga sayad like yung 2 girls, magkapatid pero naghahalikan. :p Tapos yung isa seksi na nga pero uber obses na maging sexy at payat. Yung isa naman feeling model much at yung last ay obses sa pagchecheck na buntis padin.




Rating: Sa isang thai website ng mga peliks, nasa 2 out of 5 lang daw ito pero para sa akin bibigyan ko sya ng 9. Hahahaha.

Well, dahil laging lumilitaw yung multong nurse na parang Ate-atehan, medyo di nakakatakot. Pero gusto ko yung torture phase at madugong eksena. ahahaha.

Pero ang nagpabilib sa akin ay yung twist nung story! I never expected yung shocking flow ng wento. Yeah sure revengeful bitch ghost nurse could be common at pati ang madugong pagpaslang ay comon din pero yung event na silahista at paminta pala si doktor ay talagang wat da pak.

Hindi lang yun! Kaya pala naghiganti din si nurse sa kapwa nia ay hindi lang dahil sa tumulong sila sa pagpatay sa kanya pero dahil din naging kalandian ni baklang doktor ang mga girlay. watda... chikboy ka dok! pede sa chik pede sa boy!

But wait! There's more! may mas nakakaloko pang kaganapan sa wento dahil meron pa. Ang final revelation sa kwento ni revengeful Nurse na talaga naman napa-OMG lang me dahil creative for me yung spin. grabe. Totally Sick hahahahah.Di ko sasabihin kasi yung ang nakaka-watdapudge moments.

O sia, hanggang dito na lang muna! TC!

Thursday, October 6, 2011

Early Halloween Asian Movies

Hello mga peops! Oktubre na at umpisa na dapat ng mga katatakutan cheverlins kaya naman dapat as early as now ay meron na kayong idea of some horror/thriller/suspense/gore asian movies na pede ninyong i-try kung nais  ninyong manood ng takut-takutan films.

Today, may 3 films akong ishesher sa inyo. Don't worry, hindi lang sa iisang country ang 3 films... TKJ: Thai, Korean and Japanese film.

Reverse Order tayo kaya magsimula tayo sa Japanese film.

1. Voice (Japanese film)


Hindi ito yung crackers with wafer na may choco fillings. Hindi din ito yung reality singing show nila Christina, Blake, Adam and Cee-Lo. Eto ay ang isang peliks na may creepy poster. Kung titignan sa poster sa itaas, nakakatakot yung may kamay na lumalabas sa bibig nung girl. mapapa-eeeeewness ka. Pero doncha worry mga friendships.... di gaanong nakakatakots ang film na to. Kung may takot level at ang pekpek este perfect score ay 5, may 2 points lang ito.

Ang movie ay about sa isang girlaloo na haponesa na bigla nalang nagdissappear at naging soul. Tanging ang bisprin nya lang ang nakakadinig sa kanya. Noong una, di pa sya deads pero nadeads din (wierd no?). Basta may isang ghost kasi na mapaghiganti. Basta. 

Noong pinanood ko to, hindi ko tinapos kasi totally na bored me. Pede tong peliks kung gusto mo lang magtyaga ng mild horror.

2. Cello (Korean film)


Sounds like my original name pero hindi. Kung mahilig kayo sa music ay siguro may ideya kayo na ang cello ay isang musical instrument na mas malaki ng di hamak sa isang violin. hahaha.

Ang cello ay tungkol sa isang babaeng hinahaunt ng isang ghost. Not casper the friendly ghost pero yung multo ng kaibigan niya. 

Mystery film to kaya medyo twisted ang pagkakahabi ng wento. mapapa-nganga ka minsan kasi parang malabs. Sa fear level.... Siguro bibigyan ko to ng 2.5. Medyo mas okay to kesa sa una in terms of level ng story pero fail to give me creeps. 

3. Unborn Child (Thai film)


Last fim ay ang peliks ng mga taga-thailand. Unborn Child ay kwento tungkol syemps sa unborn child. Alangan namang born child ang titulo kung di pa nasisilang na bata ang pocus ng wento.

Abortion, uso to sa wento. Ito ay ang pagpapalaglag ng mga makakating tao na nasobrahan sa pagboomboompow at di sinasadyang nagkita si eggy at spermy. Poof! Ang peliks ay tungkol sa paghihiganti ng mga inilaglag na mga baby. 

Scary factor ay 4. Mas trip ko to kasi nakagulat at nakakakaba yung pagpaparamdam ng baby. Hektwali, di ko natapos yung film kasi sa kasamaang palad, yung dvd na nabili ko ay may topaks. Abay akalain ninyong bitin. Kung kelan talagang hype na me sa mangyayari ay wala ng karugs. demn. hahahaha

May naka-linya pa akong mga iskeri pilms pero sa susunod na. Papanoorin ko pa lang. Next time na din ang wento ng last day ko sa sg at abangan din next time ang mga hot hot hot sexy toys pati ang mga entries sa mga contest. Jampak ako ng iwewento. lols

O cia, hanggang dito na lang muna! TC!

Friday, September 16, 2011

The House and Body 19

สวัสดีครับ (sawatdi krap)! Oki na ako. Nakalagok na ng alak at naitulog na lang ang dinibdib na kabiguan. So for today, back to movie preview at review-reviewhan sa bloghouse ko. At kung napansin ninyo sa panimulang pagbati ko, dapat knows na ninyo kung saang bansa ang peliks. Thailand!

Back to back horror movies ang aking ibibids dito sa aking zone. Pasensya na, sa susunod na lang ang mga kilig movies. masaya kasi manood ng horror to kill depression.... Pang-shock ng puso at pampabilis ng daloy ng blood.

Unahin na natin ang The House.

Ito ay ang kwento tungkol sa kwento ng isang reporter na nag-iimbestiga sa murder case sa thai. Ito ay ang pagpatay ng doktor sa kanilang karelasyones. Sa kanyang pananaliksik dito ay malalaman niya ang 3 cases ng murder na naganap sa iisang bahay. Sa subrang pangengealam niya ng kaso, ayun, nagpunta siya sa bahay at doon na magsisimula ang pagpaparamdam ng mga natigoks na mga gerlay.


Rating for this movie, around 7. Maganda yung pagkaka-weave ng story kaso nga lang dehins much ako natakots. Walang masyadong dugo-dugo na tumatalsik anywhere at walang mga gulpi de gulat scenes.

 

Next movie naman ay ang Body 19.


Isang binata ang nananaginip tungkol sa isang babaeng pinatay at hiniwa-hiwa o na-chop-chop. Sa panaginip, nagpaparamdam ang girl at sinasabing hanapin siya. Sa paghahanap niya ng kasagutan sa chopchop lady, madaming misteryo at gulat ang mangyayari.

Anhirap iexplain ng 2nd movie kasi twisted ang story. Though sa umpisa ay parang walang dating at walang latoy, pagdating sa mga bandang gitna at sa dulo, aba'y grabe ang shocking factor at ang turn of events at pati ang shocking truth.

For the second movie, nasa 8.7 ang iskor ko. Hehehehe. Pag niround off, pede ng 9 to, nagustuhan ko kasi yung revelation.


O cia, hanggang dito na lang muna, back to work na me mamayang gabi. TC!

Saturday, September 10, 2011

Death Happens and Doll Master

I'm back! Ambilis ko lang maka-get-over sa mga bagay-bagay. Pasensya na! ahahaha. Talagang tinatamaan lang me ng kung-ano-ano kaya naman sari-saring emosyon ang nadarama ko. :D

Kahaps, may overnite sessions nanaman kami with HS friends. At syempre kapag may overnite thinggy kami ay di nawawala ang movie mode. So last night, actually kaninang madaling araw, meron kaming 2 movies na pinanood.parehong horror.

Ang dvd na pinanood pala namin ay nabili ko sa suking tindahan. hehehe. At syempre, katulad ng mga recent movies na pinapanood ko... asian movies. :D

1. Death Happens 6:66


Ang peliks tungkol sa isang babaeng photographer na nakasaksi ng pagpatay ng hitman sa isang lalaki. Apparently nakita sya at nabaril. Poof. parang-panaginip lang. Kasabay nun ay ang pagkamatay ng kanyang ama pero di rin namatay.

Dito malalaman na ang ama ng girl ay may kakayanan na magpredict at mag-compute ng kamatayan ng tao. May theory din siya kung paano mapapahaba ang life ng isang tao kapalit ang buhay ng iba.

Rating: 4 or 5 out of 10. Maganda ang story at ang twist pero di much nakaka-shock, di nakakatakot at wala masyadong dugo. ahahaha :p

2. The Doll Master


Eto ay kwento ng isang lalaki na mahal ang kanyang jowa at ginawan pa ng doll image. Sa sobrang pagmamahal niya sa doll niya, nagkaroon ito ng soul. Then one day, natagpuang patay ang kanyang jowa. Ang lalaki ay pinagbintangan ng mga pulis na suspect at pinatay ang lalaki. Naiwan ang doll na nagluluksa sa hukay ng amo at doon ito  naghintay ng naghintay.

makalipas ang ilang dekada, sa isang mansyones ng mga dolls, may grupo ng tao na naimbitahan upang maging modelo ng mga dolls (hindi po sex dolls). Dito ay isa-isa silang papatayin dahil sila ay parte ng nakaraang trahedya.

Rating: 7 or 8. Creepy yung manika. Medyo nakaka-shock at mapapa-watda ka dun sa pagkilos ng mga dolls. Ehehehe. Maganda din yung doll na pumapatay :D 

Hanggang dito na lang muna. Back to work nanaman me mamaya. TC!

Thursday, September 8, 2011

Bangkok Ghost Story

Hello. Qick update lang to about sa movie na kapapanood ko lang sa peliks.

Di ko matandaan kung saang blog ko nabasa na prinomote tong movie na to. Eto ay isang pelikula na ang bida ay si Mario Maurer (again?!).


Eto ay horror movie tungkol sa isang mala paupahang compund na haunted ng isang ghost. Dito ay makikilala ang lalaking may kakayanan makakita ng multo. Dito din sa movie makikilala ang batang babae na reincarnation ng isang babaeng ginahasa at napatay.

Ano ang rating? bagsak. 4 out of 10. May nakaka-gulat factor pero ewan, may halong comedy na di naman patok. Tapos tapos... papahabain ang paghihirap mong tyagain ang peliks. Not worth the money kung sa sinehan panonoorin. Mapapasigaw ka ng NEXT MOVIE please!

Ewan ko ba. For me fail ang movie na to. At di ko nirerecom unless die-hard fanatic kayo ni mario maurer na kahit anong peliks ay panonoorin. ahahahah

TC muna!

Saturday, September 3, 2011

Meat Grinder

Hello! Alam kong kapopost ko pa lang halos nung 'I gave my first love to you' pero di mapakali ang aking daliri na iwento ang isang movie na aking pinanood after nung love story.

Anyway highway, etong movie na ito ay hindi romcom. Hindi rin ito kilig kiki movie. Hindi rin porn (hala, baka mawalan ng readers). Eto ay tungkol sa isang horror at bloody movie (uber bloody).

Ang movie for today ay isang Thai movie na syempre gawa sa Myanmar. Natural sa Thailand to ginawa, heler. 


So ano ba ang ikinaganda ng movie na ito at binibida ko sa aking blog? Ahahahah. The story syemps. As some of you know (naks, may ganun?), mahilig me sa mga madudugong eksena at ang movie na ito ay pasok na pasok sa interest ko.

Ang peliks ay tungkol sa isang babae na nagmana ng kakaibang recipe mula sa kanyang mommy. Ang secret na natutunan niya ay kung pano pasasarapin ang noodle shop na family business nila. So ano naman ang sikrito ng pamilya? Ang karne na gamit sa foody ay karne ng taong pinatay nito!!! Weeee! Nyamnyam. 

Hindi lang yun mga pips! Ang karne ng tao na ginagamit bilang sahog sa mga foodie ay marinated with herbs and spices. Yung isang guy na biktima pinutulan ng paa tas sa paa isinilid ang tela na may herbs and spices!!! Amazing.

Suitable to sa mga fans ng mga madudugong movies like Saw, final destination at etc. This movie will give you chills. hahahaha.

Paalala lamang, wag manood kung mahina ang sikmura at di kayang manood ng gantong peliks dahil totally wicked ang peliks. Imagine yung malaking kawa na may soup biglang may lumutang na ulo ng tao na pinatay nung girl. :p Yung pinsan ko nga na kasabay ko kumain ng white adobo ay di na nakakain sa umpisa pa lang ng movie kasi na-grossan sa lalaking naputol ang paa. :D

Magulo nga lang ang takbo ng eksena pero maiintindihan ninyo pag nasa dulo na kasi ganun ka-complicated ang flow ng story katulad ng pano ko idetalye ang story sa blog na to. Magulo. :p

O sya, hanggang dito na lang muna. TC! Happy Weekend nga pala sa mga weekend ang restday. Start of the week ko nanaman. 

Tuesday, February 8, 2011

Tragic Theater


Last Friday, habang ako ay nagpapaka-emo at depress-depressan ang drama kasabay ng pag-aantay sa screening time ng pelikulang Bulong (review here), ako ay tumambay sa aking favorite place sa Robinsons Galleria; ang Bestsellers. Dito nagbasa ako ng aking horoscope for 2011 para sa mga Libra at para sa mga Tigers. Pero hindi ko binili ang librong yon bagkos, ang librong Tragic Theater ang aking napili at yun ang aking binili.

After 2 days, kagabi ko lang nagawang buksan ang libro at sakto naman dahil na-assign akong magbantay ng phone para sa mga aussies kaya walang call for 3 hours at nagkaroon ako ng ample time para masimulan ang book at madirediretso before matapos ang shift. So for today, ang aking ibibida ay ang tungkol sa book.

Ang librong ito ay tungkol sa sinehan, ang sinehan na puno ng misteryo at kababalaghan. Hindi naman tungkol sa sinehang may mga pokpokish at colboyish na gumagawa ng kakaibang ungol at nagpapakita ng kung anong ipapakita nila. Heto ay tungkol sa sinehang ipinatayo sa rehimen ni Marcos subalit minadali at nagkaroon ng aksidente. Apparently, hindi niligtas ang mga survivor at bagkos, tinabunan sila ng semento para matapos ang Theater. And thus the start ng creepy at mga elementong hindi normal. 

Ang wento ay iikot sa isang babaeng kasama sa isang project para ipaayos yung theater kaso nga lang, kelangang madispatsa ang mga kaluluwang di matahimik. So nakiusap siya sa friendship nia na pari para gumawa ng channeling para makatawid ang mga elements sa kabilang daigdig. Pero amportunately, aba, masyadong maangas at ma-pride ang mga mumu. Then suddenly, pak.... may exorcism na nangyari. then the rest is about the pagpapalayas sa sumanib sa babae. :D

Ang aking masasabi after mabasa ang libro..... Pwede na. Oks lang. Good. Kung irarate ko ito, mga 7 or 8 out of 10. Bakit naging ganun? Kasi medyo dragging ng konti sa umpisa. Kung di mo tyatyagain ang first fe pages, baka di ka makatagal sa huli. Also, medyo napapaskip-read ako sa gitna dahil sa mga redundant statements dahil sa pagsummon sa mga kaluluwa at pagpapataboy ng ghost. Kailangan bang inuulit lagi? Kailangan bang inuulit lagi? Kailangan bang inuulit lagi? 3x ang mga words at statements. 3x ang mga words at statements. 3x ang mga words at statements. ahahah. ganyan ang mababasa mo sa book.

Di ko alam kung true to life ang nasa kwento pero kahit paano, nakakatindig balahibo sya while reading. Siguro mas nakakakilabot to kung solo itong babasahin, sa gabi at madilim. 

So, hangang dito na lang muna mga pips. TC.