Thursday, February 20, 2014

Palawantastik Day3

(way long overdue na ang post na to, ngayon ko lang tatapusin dahil ngayon ko lang nadala yung pics kasi hambagal ng sun broadband sa bahay, di makapag-upload pics, nyetakels).

Bago ako magwento ng random sa next post ko sa mga kaganapans, tapusin ko na lungs ang aking Palawantastik adventure para hindi na abutin ng 1 month bago ko tuluyang nashare.

Hatinggabi ng Day2 ay dumating na ang magjowang kasama namin na nag-El Nido. So hindi na kami lima sa aming pasyalans, pito-pits na kami.

Like the unang araws namin sa Puerto P, bago simulan ang lakads, ay nag-almuchow muna kami na kasama sa aming accom... wala na itong pic kasi same-same lang namans.

Around 8, sinundot este sinundo kami ng kinontrata naming traysikol para mag beach sighting na wala naman talaga sa usual itenerary ng mga palawan tours. Eto yung walalanggustolangnaminmamasyal moment.

Ang pinuntahans namin ay ang Emerald Playa na katabi lungs ng Microtel na medyo costly daw na hotel sa palawans.







So tamang lakad-lakad sa dalampasigan moments, langhap ng fresh sea air ganyan, pa-tan at sunbathing at pikcha-pikcha at konting foods.

Mga noontime, kailangan na naming bumalik sa hotel kasi by 1pm, umpisa na ng aming city tour. So kailangan change outfit na. Lols. Kaya from the Ombre Captain America ay naging Wolverine Minion ang aking suot hehehe.


Unang stop ay ang simbahans sa Puerto P atsaka yung parang naging detension at kulungan daw ng mga folks noon. Dito din daw ginanaps yung Palawan Massacre thingy. Saree, di ako nakikinig kay guide eh.





Nektap, ay ang place kung saan merong mga handicraft thingy named Binuatan.




Then after that Mitra Ranch. Currently sira daw yung zipline kaya naman tamang tingin lungs at pic-pics.






Then Bakers Hill, ewan ko, parang sobrang time compressed kaya di naman nalibot much. Bumili lang ang mga folks dito ng mga hopia, crinkles and other malalafangs. Dito din ako nagpagawa ng shirt with my name sa likurans.



After nito, crocodile farm. Natry na namin sa Kinabutch yung crocosisig pero ang triny pa namin ay ang crocotapa.



Nagpapapicture din kami sa Palawan Bearcat. Mas trip ko to kesa magpapic with crocs na tila modified butiki.


Last stop ay ang souvenir/tiangge kung saan dito ko napag-alamanan na Over-overpriced ang mga perlas sa Honda Bay dahil dito, makakakita ka ng murang pearls na simular sa binebents sa Honda... ohwell..

Then Balik na kami dahil tapos na ang tour. 

Sa gabi, for dinner, nagpunta naman kami sa Badjao. Isang traysikol away lang naman sya.







Kinagabihans, napagpasyahans ng mga kasama ko na since sa gabi pa ang flights nila (Iba-iba kasi ang flight ng pag-uwi due to complications and so during bookings) sila ay magtatabon cave adventure. Since kelangan kong magtipids, di ako sumama kaya kinabukasan, solo mode na ako pauwi.

At dito na nagtatapos ang Adventure.

Summary ng Day 3 ay so-so din. Medyo time constricted much yung tour at parang ho-A di tulad nung tour ko last time na though may time limit,parang di mo ramdam ang pressure sa oras. At dito ngayon ko naalala, na last time na nagtour kami, may freebies na bigay yung tour agency na nakuha namin like the small rain maker at coin purse. lols, wala lungs, napa-compare lungs.

O cia, hanggang dito na lungs muna. Take Care!
 

Tuesday, February 18, 2014

Anong Nakakamiss sa Nakaraan


Sabi sa isang kanta, 'Ang nakalipas di na maaaring balikan'. Pero may reply naman ang isang kanta na 'Sana'y maaaring ibalik ang kahapon'. Ewan ko ba. Minsan, ansarap magmuni-muni at ngumanga while thinking ng mga bagay-bagay na naganap sa nakaraan. 

1. Yung di pa kilala ng tastebuds ko noon ang Mcdonalds or Burger King. Uso pa noon ang Tropical Hut na kung saan may mga promo-promo thingy na kapag naka P150 petot ka ay magpapaikot ka ng roleta at pede kang magkamit ng toys and freebies.

2. Yung mga 8pm pa lang e halos wala na masyadong tao sa labas ng bahay. Pinagbabawalan kang lumabas dahil medyo oras na din ng pagtulog. Yung mga eksenang kumpleto mo ang 8 hours na tulog (or more).

3. After lunch, pede mong gamitin ang buong maghapon sa pagtambay sa kalye, paglalaro ng kung anik-anik sa labas. Kesehodang magkakuto sa ulo, wapakels basta ma-enjoy mo ang tanghali at hapon.

4. Kapag umuulan, okay lang na magtampisaw at mabasa ng ulan at kahit magbabad ka hanggang todo buhos ang tubig mula sa kalangitan. Yung gagawa ka naman ng bangkang papel kapag tumila na ang ulan at may naipon na tubig sa estero.

5. Madami pang puno noon na maaakyat. May puno ng mangga o kaya naman alatiris kung saan mamimitas ka ng mga hinog na bunga na kulay pula. Pag adventurous ka naman, sige, maglambitin at gawing baras ang branches o sanga ng puno.

6. Hindi ka mo iniisip na nakakataba ang mga matatamis na bagay kaya kahit mag chocolates ka everyday ay okay lang. Mabungi man or sumakit ang ipin, basta makalasap ng sarap sa tsokolate ay sapat na.

7.Kapag nagkasakit ka, isang excuse letter lang sa magulang, keri na.

8. Yung excited ka kapag darating ang birthday mo dahil may chance na may magreregalo sa iyo. Yung mga moments na may handang ispaketi sa bahay.

9. Keri lang ang humilata sa sahig at manood ng TV maghapon/magdamag na walang iniintinding FB game or kaya naman tweets and stuff. Plain coach potato mode este floor potato.

10. Noon, katawan lang ang nasusugatan. Yung nadapa, gasgas sa tuhod at konting galos. Pero ngayon, pati emotion nasusugatan. May injury emotionally, spiritually isama mo na din mentally ganyans.

I want to take a break.... from work... from online thingy... and stuff... yung tipong parang yung pamumuhay noon, simple, payak, walang gaanong complicated stuff na pag-iisipan pa. relak-relak lungs....

Amsareeeeeee..... emo-emohan lang ang peg.

Take Care folks!

Monday, February 17, 2014

Kamustang Puso Mo?


Hey! Lunes na! Hooray for today! Dapat no matter ang kaganapan, happiness and everything! Hehehe. Para sa araw na ito, tayo este ako pala ay mag rarandom post nanaman dahil sa mga kaganapan lately.

1. Wuy! Opis random mode! Pasok sa wentong trabaho ang mga balitang mga kakilalang nagreresignan. Alam ko na normal lang ang resignation ng mga folks pero minsan nakakasad na parang napag-iiwanan ko ganyan.

2. May kausap akong kakilala kanina sa opis at nagkaroon ng konting kwentuhan sa latest showbiz(office) happening. Ako na ang wala sa balita. Para akong nakatira sa ilalim ng bato dahil andaming news na bago sa akin pero mukang napaglipasan na ng panahon sa opis. 

3. Medyo may liwanag na ang byahe ko pa-Batanes. Di na lang ako mag-iingay much para di mausog.

4. Dahil doon, i-papark ko muna ang balak kong mag-solo Pagudpod trip dahil na din sa may inggiterong pudrax na justong sumama.... Pano magiging solo kung may kasama? lols.

5. Dumating last week ang balentayms. So what? chos.

6. Since restday ko noong araw na iyon, di ako nagkaroon ng chance na jumoin sa pakulo sa opis na balentayms game na pedeng manalo ng teddy bears... Sayang, after 4 consecutive years, di ako nasali.

7. Araw ng mga puso, tumambay ako sa malls. At di ko naman na feel ang sadness at bitterness ng being alone... parang wala lungs. Walang eksenang i-envy yung mga magjojowawits na HHWW ang peg.

8. Nag-dinner na lang kami with my mudrax and pudrax and relatives sa something fishy. Doon ay nagpaka-bondats na lang me sa inihaw na mackarel, tuna at pusit. Hehehe. Sinulit ang buffet?

9. Nashock ako ng bilan kami ng mudrax ng M&Ms na chocolates... lols... tas binilan niya sarili niya ng Ferrero... Kakaloks!

10. For some wierd reason..... Aba, nakolekta ko lahat ng baso ng Happy Meal. Hahahah. Taragish. Sasali kasi ako dun sa promo na baka manalo ng trip to Legoland sa Malaysia.... Medyo awkwardish lungs kasi yung ibang contest joiners at pics na entries ay puro bagets at chikiting patrollers. hahahah.

11. Walang 11, hanggang dito na lungs muna. Nyahahah. Gusto ko lang magwento kahit wala mga tatlo lang ang nakakabasa ng mga post ko.... You know.... just to make pagaan ng loob at kesa ikwento ko sa pagong or sa bato. Lols.

take Care folks!

Friday, February 14, 2014

Ankulay ng Balentayms?!

Heto na! Heto na! heto na!!! Waaaaaa!

Heto na ang araw ng mga puks... joke.... puso. Ang araw ng mga magkakasintahan na magboboboomboompow at payanig sa pasig payanig sa sta. mesa. Ang araw na sweet-sweetan ang mga tao na akala mo lumantak ng pulot at asukal na kulang na lang ay papakin sila ng langgam ganyan.


For today, ang post ay tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng mga kulay ng damit na susuotin sa araw ng balentayms.... 


1. Green- Ang kulay ng plema ay kumakatawan sa taong nakikipag-date (wala akong care kung blind, group or speed dating). Sila ay nasa proseso ng collect and collect and then select.


2. Red- Ang kulay ng dugo! Nope, hindi ito ang kulay ng mga magjojowawits na kumakabog ang dibdibs. Ang pula ay para sa mga single at searching. Yung mga souls na available at bakante pa ang puso.


3. Blue- Ang asul ay kulay naman sa mga broken-hearted. Eto ang sinusuot ng mga folks na ang theme song ay pusong bato o kaya naman mega emote sa song na bluer than blue.


4. Yellow- Hindi ito ang kulay ng mga noytards and fan ng tie-a-yellow-ribbon-down-the-old-oak-tree movement. Ang color na ito ay para sa mga may ka-mutual-understanding pero wala pang label or in denial. Yung kayo na pero hindi kayo. lols.


5. Pink- Sayaw kikay! Sayaw kikay! Ang kulay na ito ay sa mga taong may tinatago..... May tinatagong LANDI!


6. Orange- Ang pongkang color ay para sa mahilig sa adventure! Yung mga wild and wicked ganyans!


7. Violet- Ang para sa mga madlang folks na kung makapag-selos ay wagas! Para sa mga pips na kung makabakod ay akala mo andaming abangers na pack of wolves sa mga sheep ganyan; the masters of Bakod-making.


8. Black- Para sa mga tao na maligayang-maligaya! Charot! Natural ang black ay para sa mga emo-emohan na kung makapag lagay ng eyeliner ay sobra-sobra. Sila ang may mottong saksak-puso-tulo-ang-dugo!


9. Brown- Here's for those folks na stick to one! One Dozen! Collector? Chickboy? Haba ng hair lungs?!


10. Gray- You wear gray hindi dahil taglibog like Fifty Shades of Gray! Nope, eto ay para sa mga nilalang na napunta sa FRIENDZONE.


11. White- Ang gamit ng mga folks na nahanap na ang kanilang pakner in life. Sila na ang laging na-da-DAWN ZULUETA! Sila na ang sumisigaw ng 'I'm the King of the world' (titanic style).


12. Maroon- BITTER! No explanation! Wala! Wala!


13. Checkered- Here's the thing for those na ang estado ay constipated este complicated. Maaaring dahil sila ay pakbet-kabet or baka naman inililihims kasi I am Pogay or That's My Tomboy ganyan.


14. Camouflage- Para sa mga taong hunyango or pretenders. Sila yung mga may HD... not the High Def but Hidden Desires.


15. Floral- For those na Single at Happy! Yep! Totoo! Seryoso! Happy Sila!


16. Stripes- Huli ay ang stripes na para sa naman sa nananawa na. Yung mga ayaw ng umaray...aray...nakuuuuuu.... Sila yung mga gustong kumawala and be free.

Ang listahan sa taas ay mga technically suggestion lang pero ang totoo, kahit anong kulay pa suotin natin, nasa personal feelings and level naman yan eh... lols.

O hanggang dito na lang muna! Scheduled post to na pinaskil eksakto 12:01am ng Feb. 14. Hahahah.

Take Care folks! Happy Balentayms!