Wednesday, April 1, 2015

That April Fools Day Random Post

Ahoy! Di ako nakapag random post last march kaya naman magbubuhos ako ng slight ng mga something na sumasagi sa aking isipan.

1. Magsusummer Outing ang office namin this April. And ang location ay sa White Rock Resort sa Zambales ulit.

2. Yes, ulit.... This is the 3rd time na doon ang location. Di naman consecutive na doon ang place kaya wala akong reklamation. Magiging 7th summer outing ko na pala sa kumpanya.


3. Atsaka, memorable yung Summer Outing na naganap sa White Rock for me. Masaya ako sa mga time na iyon kasama ng mga friends... Remembering it makes me kinda sad... hahaha, wala na sa opisina ang ilan sa mga kakilala/friends.

4. Lumipat na kami ng floor sa building ng opisina namin. Nagpaalam na kami sa 11th floor at sa 9th floor na kami ngayons nag-stay. Nakakapanibago lungs.


5. Last month pala, March, natuloy din ang team building ng team namin... like after 10 years... este, May 2014 kasi yung last time na nag-team building kami... like almost 1 year ang inintay bago nasundan. Samantalang yung ibang team, naka 2-3 team building na.


6. Slightly naging magastos ako last month. naka taklong set ako ng One Piece toys na binili online. Slightly damaging sa gastos.




7.  May new game akong nilalaro lately sa phone, eto ay ang SD Ninja Heroes na Naruto related.


8. May new book akong nabili, Pogi Points by Stanley Chi.... so-so lungs ang rating... 7.5


9. Nag season finale na ang The Walking Dead at simula ng nag mid-season break sila last november, di ko pa pala napapanoods ang remaining episodes. Same din sa Once Upon a Time.

10. Wa ako pakels sa issue ng bashers sa kili-kili ni Ina Raymundo.

11. Kebs din ako sa isyu dun sa artistang pinababa ng eroplano.

12. No comment about sa Tekken character na si Josie Rizal.

13. Gusto ko yung Gangnam Style chicken noon ng KFC kesa sa Krispy Fire.

14. Di ako excited sa laban ni Pacquiao at Mayweather. Di naman kasi ako fan ng boxing. Deadmadela.

15.. Ramdam na ang summer, juskopong pineapple, ang init sa kakalsadahans. Ang kwarto ay nagiging sauna kung di ka mag-a-aircon.

16. Medyo wala akong ipons lately. Saka medyo may mga pinautang to friends na di ko pa nasisingil at mahirap singilins. lols

17. ..................................................................................................................................... (too private to mention pero kunwari nakasulats)

18. May times na may namimiss kang mga folks pero parang di ka naman nila na-mimiss.

19. May mga moments na parang gusto kong balikan ang nakaraans.... hays.

20. Neks byahe namin ay sa Kalinga... Mukang mapapa-hike nanaman me.

21. Nag-iisip kung magpapa-tattoo sa Kalinga via the traditional mambabatok.

22. Solo ko ang bahay for 3 days ata or 4. Nasa Bicol ang pudraks, nasa Pangasinan ang mudraks at ang sisteraka ay nasa jowabels. Hahahah. Movie marathon nananamn itwu.

23. Nais ko na pakulay ulit ng buhok at sana tumama na ang kulay na mangyayare, palpak kasi last time.

24. May bagyong paparating daw this weekend named Chedeng... Mapapalamig kaya niya ang mainit na panahons?

25. Wala na, wala na pala akong isasalitype. Hanggang dito na lungs muna! Take Care!

5 comments:

  1. namiz ko ang pagbisita sa mga random eme mo.... kebs lang din daw si ate melissa mendez sa demanda! hehehe... pakita mo ung kulay ng hair mo after ha... hehe

    ReplyDelete
  2. Ang kili2x at ang eroplano. Bow.

    Uy never ko pa na-try 'yung Gangnam Style ng KFC! :((

    www.traveliztera.com

    ReplyDelete
  3. WAG NILA PAKELAMANAN ANG KILIKILI NG CRUSH KONG SI INA!

    Sabi nga nila pag solo ang bahay....ahihihi



    http://www.manikmakina.com

    ReplyDelete
  4. Grabe naman ung number 17! Hahaha kala mo may nabasa.

    Ano ba ang isyu sa kili kili ni Ina?

    At baka may suki card na ang company sa White Rock kaya dun ulit :)

    Enjoy lungs ang araw araw Khants! Inggit ako sa mga travels mo! :)

    ReplyDelete
  5. Ahahahahha, ok pala ang random posts no? nakakatwa lang! ang cool ng eroplano, wala nga namang paki! lerls

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???