Wednesday, January 25, 2012

Random Wednesday!

Good Afternoon sa inyong mga napapadalaw sa bloghouse ko. :D Hopefully ay okay sa olright ang inyong week. Ako, magsisimula pa lang ang week kasi today is my work-monday.

Wala akong maisip much na karug ng lihim ng mga prinsesa at wala naman akong bagong napanood na peliks or book na nabasa or food na natikman. For today, random-randoman lang ang drama.

1. Titigilan ko na ng slight ang panonood ng peliks na may horror theme. Tatapusin ko na lamang ang remaining 3 peliks and i'm done with the horror thingies! It's time to move sa ibang theme..... Lust este Love. Love stories namans.

2. May slight na prinoproblema ako pero di ko pedeng i-rant dito sa blogosper. ayayayay. Bahala na. Ayokong manghawa ng depression and frustration. lols. :D

3. Medyo may kinakaadikan akong game ngayon sa pesbuk. Naka-get-over na ako sa pesteng Pockie Ninja at ngayon naman ay Marvel Avengers ang nilalaro ko. Penge po S.H.I.E.L.D points sa mga naglalaro. Add nio ako. 

4. May taklo akong librong di ko masimulan basahin. Ewan ko ba. 

5. Adiktus ako sa pagsubaybay sa current impeachment teleserye. Well, technically sa forum ako sumusubaybay. lols. :p

6. Ang bilog-bilog ko na daw. Owmaygawd! Kailangan paliitin ang taba sa tiyan. Anlaki na ng salbabida ko.

7. Alam kong nababagot na kayo, hanggang dito na lamang. Hehehehe.

O cia, TC!

35 comments:

  1. Lust story pala ah, ahahahha

    natawa ako dun ah,

    :))

    ReplyDelete
  2. baka naman "making love" story yan, hehe.

    ReplyDelete
  3. haha lust stories?kaloka. porn yan eh

    ReplyDelete
  4. hahahah nawala stress ko ^^ try last song if you start watching love kuno movies...then the ugly truth

    ReplyDelete
  5. go for LUST story! :D


    -kol me empi-

    ReplyDelete
  6. Ako di ko naiiintindihan yung impeachment at ang #Cjontrial hashtag. Tama ba? Tinatamad ako manood ng Pinoy TV at intindihin ang problema ng pinas eh. Hahaha.

    ReplyDelete
  7. oh dear, kelangan mo na din magdiet. well, mahirap nga naman kasi pag pinabyaan. btw, diet din ako ngayon. =)

    ReplyDelete
  8. "2. May slight na prinoproblema ako pero di ko pedeng i-rant dito sa blogosper. ayayayay. Bahala na. Ayokong manghawa ng depression and frustration." <-LIKE AND LOVE!!!

    ReplyDelete
  9. ayyy looking forward ako jan sa love story na yan.. sana ano.. kalevel ng DEAR JOHN, 500 DAYS OF SUMMER and etc etc etc... hehehehe... mwahness..

    ReplyDelete
  10. iparaffle mo na lang yung tatlong libro, o kaya bigay mo sakin then ikwento ko na lang sayo or gagawa ako ng book review. hahaha lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. walang magkakagusto sa book na may name na :p

      Delete
  11. Grrr! Kelangan ko ding magdiet.. pero ang hirap, Ate Charo. lol..

    Lust stories.. eeek! :p

    ReplyDelete
  12. dyeta mode on! hehehe

    ayoko talaga ng horror movies!

    nakikibalita lang ako sa impeachment :D

    ReplyDelete
  13. Goodluck sa working week mo at sana ay maka get-over kana sa depression mo

    ReplyDelete
  14. basa nang basa ng libro--nuod nang nuod ng peliks,blog nang blog, naglalaro pa ng ninja thingy sa facebook.nagtatrabaho kapaba? tambak naraw assignment mo sabi ni bossing!!!nyahaha.peace

    PS: musta pala yung CLOCKWORK PRINCE.maganda?:)

    ReplyDelete
  15. lust story, impeachment teleserye, horror movies, mag work out na tayo angelo!!! ako rin nagiging bola na :(

    ReplyDelete
  16. ehem iblog na ang depression na yan, malay mo makatulong kami :)

    ReplyDelete
  17. wala nang horror movie review? 'yun pa naman pinaka-inaabangan ko. hehe. gusto ko 'yung pagpipigil mong wag isambulat ang kaemohan sa crib. guilty kasi ako diyan madalas. bat nga naman ako mandadamay pa ng ibang tao sa kaemohan ko. pero naisip ko rin, crib ko naman 'yun kaya kung gusto kong mag-emo, oks lang. pero mas okey pa rin kung mapipigilan mo.

    parang ikaw. kung anuman 'yan, pre, hang on.

    that, too, shall pass. - gandalf

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???