Friday, September 25, 2015

Heneral Luna

Ahoy! Bago matapos ang september, kailangan malagyan naman ng blogpost ang bloghouse na 'to kaya naman sumugod agad me sa sinehan para mag mini-mini-mayni-mu ng peliks.

After shift, sugod mga kapatid me sa Megamall at nawindang ako dahil pila-balde ang sinehan. Like it's thursday pa lungs at di pa naman swelds day pero bakit andaming manonood.

So nacuriosity me at may i silip and kinig what ba ang bukambibig nila. And it is Heneral Luna. Ang tagalog films na medyo umiingay sa social media and spread of mouth.


So kahit juskopong pineapple na mahaba ang pila ay bumili na din ako at nagdecide na manood.

Ayaw mong maniwala? eto kuha ng nyelphone ko ng pila.




Woops-kiri-woops, bago ko iwento ang peliks di ko na sasabihin na may spoilers unless di nio natutunan ang history. hahaha. Chost. Pero kung takot sa spoilers, wag basahin.

Oks na?? so simulan ang kwents.

Magsisimula ang wento around 1898. Wala na ang mga spanish breads pero dumating naman ang mga uhmericans. May pro and against sa helplaloo ng US.

So dito na papasok ang mga familiar names na napag-aralan nio sa school.

Heto eenter ang main bida na si Heneral Luna. ang kapatid ni Juan Luna. Siya ang War leader ng pinas against sa US.


Makikilala ang mga part ng cabinet ni Aguinaldo. Kasama ang prime minister-ish na si mabini at ang mga negosyanteng folks na sila Paterno at Buencamino.





Papasok din sa wento ang mga tauhan naman ni Heneral Luna sa pakikipagdigma. Ang mga sundalong kanyang karamay sa pakikipagdigma.






Makikilala din ang mga pasaway na mga tao na may galit kay Luna at ayaw sumunod sa orders dahil por-Aguinaldo ito.



Pasok din sa kwento ang isang bayani din sa pakikipagdigma na si Gregorio Del Pilar. Isama na din ang isang binata na nag-iinterview kay Luna.



And lastly ang dalawang babae sa buhay ni Heneral Luna. Ang mudraks at ang kaulayaw niya.



Sa ending.... pinapatay si Heneral Luna ng isang inutil na presidenteng si Aguinaldo. Nakakabuwisit yung pag-massacre nila kay Luna. 

Score for this film is 9.87 almost perfect! Ibang level! Woooooooh! Athtig!

-Ang war scenes ay mabangis. Ang barilan ay hindi pucho-puchoish na pagpapaputoks ng baril.
-Magaling ang lengwaheng ginamit. Di super lalim, di rin super bakya.
-May dose ng comedy, hindi ka mamamatay sa boredom.
-May konting pabebe/bed scene chuva.
-Ang mga linya na ginamit ay may hugot at sapak.
-Mabubuwisit ka sa mga kontrabids sa buhay ni Luna.
-Mapapa-punyetakels ka sa ginawa nila kay Heneral Luna upang siya ay mapatay.
-Maganda ang cinematography at location ng mga shots.
-Mahuhusay ang mga actors na gumanap, hindi mga pacutie lang.
-Mapapa-clap-clap ka sa huli.
-At the end of the film, naibabalik nito ang pagkamakabayan mo.
-Merong aral na kapupulutan.
-Ang kalaban nating pinoy ay ang pag-una sa Pamilya at ang kalabang kapwa pinoy.

Napaisip lang ako, kung ang kaganapan noon ay naganap sa panahon natin now, marahil eto ang magaganap.

-Upang magkaisa sa pakikipaglaban sa dayuhan, kailangan nating makalikom ng milyon-milyong tweets with the hashtag #ParaSaBayan.
-Kailangang malaman na traidor etong si Aguinaldo kaya kailangang ipakalat sa social media ang mga meme tungkol sa kanya.
-Baka magkatraffic kapag sumugod ang mga sundalo kasi tigi-tigisa sila ng car or sandamukal na puj at pub ang gagamitin.
-Possible na naka-wheels si Apolinario Mabini.
-Mag-sex-via-skype na lang si Luna at Isabel
-Past time ng mga sundalo ang pag-C.O.C at dota.

Hahahaha. Hanggang dito na lang muna. Maghahanda pa ako ng damit ko sa aking bakasyones na padating this saburdei.

Please do watch Heneral Luna sa Sinehan! Juskopo! Utang na loob, maganda ang pelikula. Hindi na kailangan mag interview ng mga watchers saying 'ang ganda po' or 'number 1, number 1'. Mahusay ang mga gumanap at hindi half-cooked emotions ang madarama. Dekalidad to! It's been years na nanood ako ng sine na puno ang sinehan, taas at baba at pati yung sobrang lapit na sa screen.

Wag muna magpirata... sa ibang peliks na lang kayo mag-pirate dvd.

Take Care folks!

1 comment:

  1. ah basta hindi nako magtatanong kung bakit naka upo lng ang papel ni epi quizon buong movie nyahaha!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???