Hello pilipinas! Kamusta na??? I'm back sa aking bloghouse para naman malagyan naman ng laman ito. For today, hindi ang adventure ko sa Davao or sa Dumaguete ang aking iwewento pero review-reviewhan nanaman ng peliks na aking napanood kahaps. Yeah, fresh pa naman ang peliks kaya umpisahan na natin!
Ang peliks natin today ay ang palabas ni Captain America na may namesung na Captain America: Civil War.
Wait a minute chika minute kapeng mainit! Alam kong may ibang folks na haters ng spoilers kaya kung ghater ka kuya/ate, nako, supi-supi muna at di ka pede dito. alis, kerawt, shooo.
So nagstart ang peliks sa pagpapakita ng bestpren ni Captain America na si Bucky (nope, hindi sya Vampire Slayer). Dito napakita ang shenanigan torture kemeret sa kanya.
Tapos papakita na ang Team Captain America avengers na may hinahabol chenes. Fight scene at habulan galore ganyan. Aksyon at bakbakan ganyan. Then may sumabog..bog..bog..bog..bog...bog. Madami nategi.
Then pinakita si Tony Tony Bo-boney at may speech-speechan galore tapos may isang black granny goose na nang-gui-guilt trip dahil nategi ang junanak niya.
Tapos eto na, ang ganap... Dahil sa mga labanan na naganap at pagproprotekta ng mga avengers sa mga human race, may mga folks na kinokonsidera as a threat ganyan. Gusto nila na i-handle at i-under ng gobyerno/UN ang avengers para ididispatch lang sila depende kung may orders.
So kelangan magdecide, papa-under ba ang Avengers o hindi.
Samantala, sa iang part ng wento, may naganap nanaman na tragedy... may bomba galore. At ang suspect ay si Winter Soldier.
Syemps, BFF ni Captain America si Bucky kaya naman naghahabol ito sa kanyang besthie na parang bromansahang Naruto-Sasugay. Ganyan.
Habulang gahasa nanaman ang ganap, habol-dito-habol-doon tapos bakbakan chener. Then nalaman ni Captain America na may iba pang kalabs na nagkontrol kay Bucky at may sikretong nalamans pa.
At nagkaroon nga ng dibisyon between Tony and Cap. Nagkaroon ng #teamCaptainAmerica at #teamIronMan ganyan. recruit recruit thingy.
So pinakita na ang Team Captain America.
Idol na Idol, idol ko si Cap, TODO na TO!
Bucky, not the Vampire Slayer
Falcon (hindi yung kampo ng Voltes V)
Hawkeye na mahilig kumain sa SG Hawkers
Where's Wanda
Antman...nanananananannanana
Tapos andyan din ang Team IronMan.
Tony-Tony boboney
How much is that doggy in the BlackWidow
WarMachine-man
Vision-Mission
Power Ranger:Black Panther
Spiderman version 3.0
So nagkaroon ng sagupaan between the Red Team at Blue Team. Laban-laban-labanmaskuman! Ipagtanggol ninyo ang katarungan.
Tapos nakatakas si Captain America at si Bucky para habulin yung kalabs na it turns out ay hater ng avengers at gumawa ng way para maglabo-labo ang mga hero.
At sa huli.... the end...
Score for the film? Bibigyan ko ito ng 9.01. Mas gusto ko ng very very light ang film na to compared sa team up na ganap sa Avengers.
Imagine, mas madaming Marvel heroes ang lumabas at naglaban. Maganda yung part na nagsagupaan ang mga heroes, intense.
Pero hindi rin nawala ang humor sa mga salita ng mga heroes at during the action kaya hidi dry ang film.
Ang downside lang, sa first part ng bakbakan, ewan ko, nakakahilo ng light yung magalaw na camera angle during action. Parang pasmado yung cameraman ganyan, parang may earthquake kaya unstable yung shot nakakaYnez veneracion.
Sarap din konyatan yung kalabs na wala naman super powers pero napaglaban-laban niya ang mga bids!
At masasabi ko na Team Captain America ako. Nakakainis kasi na ikaw na nga nagtatanggol sa mga tao tapos kayo pa ang kailangang kontrolin.... the nerve!
At affected ako sa story part na yun. Nakow... kung ako yung hero, hayaan na lang mategi muna ang sangkatauhan, mauna na yung mga kontrapelo at sila lumutas ng problema. mga wisit sila..... hahaha. highblood much???
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks.
btw, wag kalimutan ang end credits portion. makikita mo ang ganap. lols
btw, wag kalimutan ang end credits portion. makikita mo ang ganap. lols