Showing posts with label Captain America. Show all posts
Showing posts with label Captain America. Show all posts

Thursday, April 28, 2016

Captain America: Civil War

Hello pilipinas! Kamusta na??? I'm back sa aking bloghouse para naman malagyan naman ng laman ito. For today, hindi ang adventure ko sa Davao or sa Dumaguete ang aking iwewento pero review-reviewhan nanaman ng peliks na aking napanood kahaps. Yeah, fresh pa naman ang peliks kaya umpisahan na natin!

Ang peliks natin today ay ang palabas ni Captain America na may namesung na Captain America: Civil War.



Wait a minute chika minute kapeng mainit! Alam kong may ibang folks na haters ng spoilers kaya kung ghater ka kuya/ate, nako, supi-supi muna at di ka pede dito. alis, kerawt, shooo.

So nagstart ang peliks sa pagpapakita ng bestpren ni Captain America na si Bucky (nope, hindi sya Vampire Slayer). Dito napakita ang shenanigan torture kemeret sa kanya.

Tapos papakita na ang Team Captain America avengers na may hinahabol chenes. Fight scene at habulan galore ganyan. Aksyon at bakbakan ganyan. Then may sumabog..bog..bog..bog..bog...bog. Madami nategi.

Then pinakita si Tony Tony Bo-boney at may speech-speechan galore tapos may isang black granny goose na nang-gui-guilt trip dahil nategi ang junanak niya.

Tapos eto na, ang ganap... Dahil sa mga labanan na naganap at pagproprotekta ng mga avengers sa mga human race, may mga folks na kinokonsidera as a threat ganyan. Gusto nila na i-handle at i-under ng gobyerno/UN ang avengers para ididispatch lang sila depende kung may orders.

So kelangan magdecide, papa-under ba ang Avengers o hindi.

Samantala, sa iang part ng wento, may naganap nanaman na tragedy... may bomba galore. At ang suspect ay si Winter Soldier.

Syemps, BFF ni Captain America si Bucky kaya naman naghahabol ito sa kanyang besthie na parang bromansahang Naruto-Sasugay. Ganyan.

Habulang gahasa nanaman ang ganap, habol-dito-habol-doon tapos bakbakan chener. Then nalaman ni Captain America na may iba pang kalabs na nagkontrol kay Bucky at may sikretong nalamans pa. 

At nagkaroon nga ng dibisyon between Tony and Cap. Nagkaroon ng #teamCaptainAmerica at #teamIronMan ganyan. recruit recruit thingy.

So pinakita na ang Team Captain America.

 Idol na Idol, idol ko si Cap, TODO na TO!

 Bucky, not the Vampire Slayer

 Falcon (hindi yung kampo ng Voltes V)

Hawkeye  na mahilig kumain sa SG Hawkers

Where's Wanda

Antman...nanananananannanana

Tapos andyan din ang Team IronMan.

Tony-Tony boboney

How much is that doggy in the BlackWidow

WarMachine-man

Vision-Mission

Power Ranger:Black Panther

Spiderman version 3.0

So nagkaroon ng sagupaan between the Red Team at Blue Team. Laban-laban-labanmaskuman! Ipagtanggol ninyo ang katarungan.

Tapos nakatakas si Captain America at si Bucky para habulin yung kalabs na it turns out ay hater ng avengers at gumawa ng way para maglabo-labo ang mga hero.

At sa huli.... the end...

Score for the film? Bibigyan ko ito ng 9.01. Mas gusto ko ng very very light ang film na to compared sa team up na ganap sa Avengers.

Imagine, mas madaming Marvel heroes ang lumabas at naglaban. Maganda yung part na nagsagupaan ang mga heroes, intense.

Pero hindi rin nawala ang humor sa mga salita ng mga heroes at during the action kaya hidi dry ang film.

Ang downside lang, sa first part ng bakbakan, ewan ko, nakakahilo ng light yung magalaw na camera angle during action. Parang pasmado yung cameraman ganyan, parang may earthquake kaya unstable yung shot nakakaYnez veneracion.

Sarap din konyatan yung kalabs na wala naman super powers pero napaglaban-laban niya ang mga bids! 

At masasabi ko na Team Captain America ako. Nakakainis kasi na ikaw na nga nagtatanggol sa mga tao tapos kayo pa ang kailangang kontrolin.... the nerve!

At affected ako sa story part na yun. Nakow... kung ako yung hero, hayaan na lang mategi muna ang sangkatauhan, mauna na yung mga kontrapelo at sila lumutas ng problema. mga wisit sila..... hahaha. highblood much???

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks.

btw, wag kalimutan ang end credits portion. makikita mo ang ganap. lols



Wednesday, March 26, 2014

Captain America: Winter Soldier

Yow! Sup?! Namiss ko ang magbigay ng review-reviewhan kaya since may bagong labas na peliks, di na ako magpapatumpik-tumpik pa at kailangan may review ang film. Sorry dun sa nipanood kong horror film around 2 weeks ago kasi it's so forgetful kaya no space for my bloghouse.... baka nektaym. lols.

Anong peliks ba ang nitutukoy kong bibigyan ko ng review-reviewhan? Ito ay ang film ng isa sa mga Avengers. Ang palabas ng lalaking may powerful shield... Ito ay ang Captain America: Winter Soldier.





Stop! In the name of love! Before you break my heart! hahaha.

I know whachathinking.... I heaven knows naman na may mga folks na ayaw nakakabasa ng spoiler/synopsis/summary ng peliks kaya naman bibigyan ko kayo ng choice magdecide. Skip read or magpatuloy sa pagbabasa....













Wooooot....





Nakapagdecide na?


So magbabasa ka?



Are yah sure-manure?

Okies! Let's go! 



Nagsimula ang peliks syemps papakita ang maskeladong bidang si Capt. A... Kailangan hottractive sa audience ganyans.... Pakita ng maskels and stuff. 


Tapos pipick-upin sya na parang colboy ng isang red haired chick na si Black Widow. Magboboomboomboom daw sila... Joke! May mission daw...


Ang mission nila ay sumakay sa Super Ferry at magligtas ng mga nahostage na folks. Sakses naman ang mission-vision ni Captain america at ng mga agents. Tapos nalaman ni Cap na may dinowload na anik-anik sa USB si Black Widow.... Ooffer sana ni Cap ang kanyang Portable drive kaso di niya dala.

Then ang mahiwagang USB ay pinakuha pala ni Nick (hindi Carter na isang boyband member) Fury. At dahil dyans.... Nanganib ang buhay much ni God este ni Nick Fury dahil inambush sya ng mga reporters kapulisans something.


Napuruhan much si Fury pero bago sya madeads, nagpunta sya sa condo ni Captain America na walang Foods. tsk tsk... dala kasi dapat foods... lols. May binigay si Fury kay Cap... Guess what???? Mali, hindi ang sharinggan na nasa mata ni Nick! Eto yung USB! Kasama nun ang babala ni Nick na wag mag Trust Condom. Frenzy daw gamitin. Char! Wag daw basta magtiti....tiwala. lols

At dahil sa USB thingy at ang gossip na chinika nitong, nalagay sa alanganins si Cap. Nope, di sya sumali sa mga 3rd sex. lols. Hinabol sya ng mga taga S.H.I.E.L.D. sa pamumuno ng nakakaburaot na matandang hukluban na nasa ibaba.



At dahil dyans, nagsanib-pwerta si Black Widow at Captain America para alamin ang truth or kochingkwens. Kailangan nilang malaman kung what ang lamans ng USB... Is it Porn? Is it tv series? Or torrent copy ng pelikulang Captain america Winter Soldier? Dehins nila knows.

Sa dami ng achuchuchu pang naganaps, nalaman nila ang dapat malaman. Natuklasan ang dapats matuklasan. So Go go go na daw. This means WAAAAAAR!

Nakahanaps si Cap at Black Wid ng isa pang ally sa katauhan ng isang nakakilala ni Captain america sa umpisa ng peliks. And it turns out, may skills pala itong black guy aside from Fury. Siya pala si Falcon.... Nope hindi po siya yung nanalo sa PBB teens na taga mindoro. hahaha.


At syemps, para heksayting, dapat may planong destruction at mass pagpaslang sa mga earthlings na kailangan pigilans ng bida kapamilya. Pero may isang taong magiging hadlungs sa balak ni Captain america to save the day. 


Ang isa sa tumutumbas sa powers ni captain America ay ang Winter Soldier pero mapag-aalamanan na ito pala ay ang BFF ni Cap na su Bucky... Nope hindi sya yung vampire slayer. Hahahaha.

At dyan na natapos ang wents. Di ko na binuo much ha. Btw, lumabas dinsa peliks si Robin ng How I Met Your Mother. lols.

-=-=-=-=-=-=-=-

Score: Winter 9.4! Hahahah. Peborites ko kaya si Captain America kasi meron akong taklong shirt na may relate sa kanya. Pero kidding aside, hokey at pasado sa akin ang peliks kahit medyo predictable ang magiging kalaban since flumaflashback portion si Bucky kay Cap.

Oks sa olrayt din ang fight scenes. Gusto ko yung part na hinuhunt si Nick Fury... 

Kung may time, panoorin ninyo sa sinehans. Kahit medyo damaging ng slight since biglang 222 petot ang tix sa SM mall. Sulits namans!

At... wag kalilimutan ang slight teaser sa dulo kung saan may ipapakitang 2 characters sa papalapit na Marvel film....

O sya, hanggang dits na lungs muna! take Care!






Friday, July 29, 2011

The First Avenger: Captain America

Khanto: Tao?
Gelo: oo
Khanto: Artista?
Gelo: hindi!
Khanto: Politician?
Gelo: hindi!
Khanto: Tao...... Tao talaga?
Gelo: oo!!
Khanto: hmmmm... hero?
Gelo: OO! OO!
Khanto: Jose Rizal? Andres Bonifacio? Apolinario Mabini?
Gelo: *nag-walk-out at di na tinapos ang pinoy henyo... suplado! :p

Syempre walang konek masyado ang panimula ko. hahahah. Wala lang ako maisip na intro kaya ganyan na lang sa penoy henyo. Shempre, huwebs nanaman ay este biyerns na pala at alam kong bright ang mga readers ng kwatro khanto kaya may kutobs me na knows nio na ang post na ito based from the title. Well, kung hindi mo knows, aw! punta ka sa sulok and face the wall! joke!

Memorize na memorize nio na siguro ang dapat kung sabihin kung kayo ay may balaks manood ng movie dis weekends. Di ko na sasabihin... its so redundant every movie review-reviewhan ko e. so shall we???

So tinamaan me ng tops at nagdecide ako na manood ng sine mag-isa. what's new! hahaha. so anyway, malamig ang sinehan kasi nakamaong short lang me at tshirt tapos wala pa ata sa 100 ang viewers ng movie at anlakas ng erkon. demit!


So the movie started from the present time den nagplashbak. It's way back the war era kung saan ang mga citizens na lalaki na may magagandang pangangatawans ay pinipili upang maging g.i.joe este sundalo. Tapos may isa lame at payat na kiddo na gustong maging soujaboy! Yung lamepayatot na kid ay syemps rejected at kenatbi-wanabi. Buti na lang at may isang propesor na nagka-interes sa kanya (not in a gay way! lols). Nabigyan ng chance ang payatutching na mag-train sa military ek-ek.

Naka-skinny jeans kaya sya? lols

Syempre di ko na dedetalye much at skip ng timeframe. Naging chosen labrat (hirap kasi spel guinea pig e) ang lampayatot at tinurukan ng viagra at steroids kaya lumaki ang...man-boobs..este... katawan. Di na sya lamepayatots, isa na syang supladudes. joke. Naging maskulados tapos kumanta ng jumbo hotdog. joke ulit. ayun. nag-change nga ang pisikal na anyo ni thin soldier. Hunk na sya at pisikali fit. Nagka-abs sya at naging DTNL(di tunay na lalaki- kasi ang tunay na lalaki, walang abs :) hehehe )

Di na sya Lame-payatot (salamat sa viagra este steroids)

Dehins naman pedey na iikot lang ang almost 2 hours na peliks kung walang kalabs diba? Sheperds merong bad cheetah sa movie. Ang kalabs ay isang manong na parang tinampal-tampal ang muks kaya sobrang namula. Hetong villain ay nagkaroon ng chance na mapasakamay ang isang mysterious "thingy" at sa help ng alalays na scientist ay gumawa ng mga weaps pang digma to rule the world ata.

Namumula sa galit :p

Syempre may bakbakan sa movie. alangan namang pinakita ang buhay ng bida at ang kontrabids. Hindi naman biography ng dalawa ang ginawa ng direktor. At ang eksena ay di ko na idedetalye kasi kayo dapat ang magiging.........SAKSI!!!

Dumako na tayo sa iskor. score ko..... show ko..............8!!!! Tayo'y mag otso-otso! otso-otso! otso-otso, mag otso-otso pa.(kung kinanta mo yan, ahahahaha!). Maganda naman yung pagkakasalaysay kung pano nakuha nung payatot ang incredible muskuladong wankata nia. Oks din yung eksenang nalihis ng landas ang hero(whooooops, nakakatawang eksena para sa akin yun *spoiler). Oks din naman ang action. Pero kaya hindi naging 9 kasi yung graphics at special effects ay medyo di fluid. Ewan ko, pero sa napanood kong ibang movies na may effects, yung sa capt. america ay parang super obvious at di gaanong napagmix ang real scenes sa japeks. Saka walang naglalagablab na eksena like yung leading lady ni Capt. A, wala man lang pakita ng skin. Ahahaha.

tapos, tapos, yung ending.... hanging..... bitins.... kasi ikokonek sa movie neksyir.

Kung tatanungin kung dapat panoorin sa sinehan? OO! Syempre. Kung lagi kang aasa sa pirata at downloads, hala ka, baka wala ng gagawa ng peliks para sa ating manonood. 

By the way highway, antagal ng credits sa last part para lang makita ang konting pasilip ng upcoming movie sa 2012 na the Avengers. makatulog ka sa pag-aantay peromedyo sulit namans.

O cia, hanggang dito na lang muna. Happy Friday sa inyo! Tiyak madami masaya kasi weekends na nila at suweldo na!!! hooray!

Friday, June 10, 2011

Coming Soon

Kung last month, ay ang lakwatsa day para sa akin, mukang this june at july naman ay ang movie month. ahahaahah.

Natapos ko na panoorin ang Kung Fu Panda 2 at ang X-Men at ngayon ay nag-aabang na lang ng araw para dumating ang apat sa mga inaantay na pelikula. 

Heto ang apats na movies na papadating at tatama sa pinas. Lols. Parang bagyo lang. :D

1. Green Lantern- Ang wento tungkol sa hero na nakakuha ng mahiwagang sex ring. Kinabog niya ang ring ni frodo dahil makapangyarihan ang kanyang ring (hindi wedding ring).


2. Transformers 3- Heto ang ikatlong karugs ng kwento ng mga malalanding sasakyan na autobots at decepticons. Ang kwento ng mga mahilig magtransform.


3. Harry Potter 7- Heto na ang finale ng kwento ni Harry Potter. Dito na ang bakbakan using spells like insindio, engorgio, felacio at iba pa. 


4. Captain America- Last sa list ang movie about sa lampayatot na naging hero. Heto ang kwento ng unang Avenger (hindi ng part ng starstruck).

Gusto ko lang ma-excite kaya naman nagpost ako ng ganto. lols. Can't wait!