Showing posts with label despicable me 2. Show all posts
Showing posts with label despicable me 2. Show all posts

Friday, July 12, 2013

Despicable Me 2

Hello folks! Kamusta na kayo folks? Restday na ninyow! Enjoy the day ng pagpapahinga, chillaxing, lakwatsa, bonding and stuff like that.

Namention ko na na napanood ko na kahaps ang Despicable Me 2 sa sinehan kaya expect nio na ang review-reviewhan shenanigans......







allergic sa spoiler? Nakowpow..... baka hindi ka pedeng magbasa nitong post na to.....





pero kung mapilit ka.... why nuts..... Go na at magbasa na ng review.




Magsisimula ang wents sa eksenang merong giant magnetic thingy na lumipad somewhere icy at kinuha ang isang buong laboratory ganyan.

Tapos forward ng onti, pinakita na ang pamilya ng ex-grumpy villain named Gru na kumupkop sa taklong girly kiddos. At nagbirthday ang isang junakis ni Gru....

Forward ng konti pa. Dinukot si Gru ng isang secret girly agent at dinala sa isang hidden organization na kontra villains.

Dito inihayag na kakailanganin ang serbisyo ni Gru since dati syang evil villain at possibleng malaman niya kung sino ang sumalakay sa lab na pinakita sa unang eksena dahil may nawawalang chemical x (parang powerpuff?) na pedeng ggamitin sa kasamaan.

While naging imbestigador si Gru, di niya alams na ang kanyang mga lovable, funny, cute, cuddly at amazing minions ay isa-isang nadudukowts. Oh nohhhh.....

At ginamit ang chemical x na nakuha sa mga nadukot na minions at ang mga yellow banana and apple lovers ay naging purplish at naging trollish looks with imba prowess.

So, maligtas kaya ni gru ang kanyang mga minions? Malaman kaya niya sino ang kalabs? Magkakaroon ba sya ng lablayp? Aba.... panoorin mo yung peliks para malaman mo... Alangan naman na iwento ko....



-=-=-=-=-=-=-
score????? Tinatanong mo ang score???? 9.43210.

Hahahahah. Oks at nasiyahan ako sa film. At madami-dami ang airtime ng mga yellow minions kaya solb naman ako sa kaganapans. Napatawa naman ako sa film so no reklamo on that field. Kaya hindi pumalo sa 9.5 ang score ay dahil nacreepan ako sa dami ng purple minions sa pabandang dulo. Maygawd..... naging VIOLEnTe ang mga lovable creatures.... hahahah. Pero nakabawi ang score dahil sa production number ng minions sa bandang dulo with the song 'I Swear' at 'YMCA'.

Kung di mo pa napapanood, watch na! Pero kung nagtitipid ka, meron na din yan sa suking piratahans.... Pero mas cute sa big screen tapos malamig kasi erkendishend.....

O cia, hanggang dito na lungs! Tekker!

Tuesday, June 25, 2013

Minion Days!

♫♪♫♪ba-ba-ba-ba-ba-nana (2x)
banana-ah-ah (ba-ba-ba-ba-ba-nana)
potato-na-ah-ah (ba-ba-ba-ba-ba-nana)
banana-ah-ah (ba-ba-ba-ba-ba-nana)
togari noh pocato-li kani malo mani kano
chi ka-baba, ba-ba-nana♫♪♫♪

Good Morning folks! Howayu? Ampayntenkyu? Sana ay okay kayo.... dahil pag okay kayo, okay na din me. hehehehe.

Last friday, while checking chwirrer and blogs, napag-alamanan ko na may new happy meal in town! So ako  naman ay nacurious kaya nung may time, nangusisa ako sa mcdo at tumingin kung available na nga ang sinasabi nila. And poof! Meron nga! 

Ang toy ng Happy Meal ay hango sa mga characters sa upcoming movie na Despicable me 2. At ang focus ng toys ay ang mga cuddly yellow minions.

Matagal-tagal na din me na di nag-Hahappy Meal kasi yung mga recent toys nila medyo mababa ang  score for me. Parang walang gaanong quality at kinda small compared sa mga toys noon like the 101 Dalmatians, Around the world snoopy and more.

Nung nakita ko at binusisi, pwede na at lagpas ng 5 points ang score niya at medyo cutie ang designs kaya naman i decided na sumabak at bumili na din.

Bakit Minion days kamo ang title? E kasi for days, while nasa labas ng house or nasa work, aba, mcdo lang ang kinainan ko. Masuka-suka me at ma-umay sa fastfood para lang mag-happy meal. nyahahaha.

Sumatotal na siyam ang desenyo ng Happy Meal ang available pero i decided na kunin lang yung 8 designs at iwan yung isa kasi for me, di ako totally satisfied sa kakayanan nung last toy saka i don't know.... di kasi cutie yung evil minion eh.

Heto ang mga larawans ng mga nakuha ko.


1. Tim Giggling- Kailangan mong i-shake-shake yung toy na nagproproduce ng mala-giggling sound


2. Tim Giggle Grabber- Same sa nauna, pero this time, pag pinindut-pindot yung sa likuran, bumubukas-sara yung kamay.


3. Tom Googly Eyes Grabber- Same effect ng grabber kung saan bumubukas sara ang kamay tapos ang eyes nito ay nagmomove from left to right ganyan.


4. Jerry Breakdancing- Windup toy na umiikot/ nag-iispin na sorta-kinda parang nagbrebreakdance daw.


5. Dave Gadget Grabber- Well, yung gadget niya lang yung gumagalaw na parang pincher something...


6. Stuart Babbler Grabber (left)- Same grabber thing na bumubukas sara ang kamay pero nagproproduce ng miniotic sound/laugh.

7. Stuart Light Up Grabber (right)- same grabber thingy pero ang difference sa nauna naman ay instead of laughing sound, umiilaw to.


8. Evil Minion Chomper- parang imitation ng trolls kung saan may hair sya tapos nabubukas sara yung mouth na chuma-chomp-kinda-thing. (reminds me yung pugitang kontrabida sa little mermaid)

Alin-Alin-Alin ang naiba?

Kung curious kayo kung ano yung pang-syam? Eto link ng isa sa blog na sinisilip ko kung may new Happy Meal Toys.


At.... sa ibang bansa, specifically sa AU, iba ang set nila..... Heto ang larawan na napulot ko sa website ng Australian Happy meal.


Kung yung sa Australian designs ang inilabas, malamang kinuha ko yung Evil Minions kasi maganda yung babbler thing. Saka hindi lahat magkakapareho ng purpose na puro grabber thingy, may variety.

Score sa toy???? Wow... may ratings? May review-reviewhan? Oo, meron. Bibigyan ko ng 8. Pwede na din pero not the best. hahahaha.

At dahil 5 days din akong nag-mcdo...... iwas muna ako sa fastfood na ito. Maygawd. Nagrotation ang pagkain ko from burgermcdo to spaghetti to chicken nuggets to fried chicken to hamdesal. Lols. Umay much.

O cia, hanggang dito na lang muna. Kung sino mang may mabait na puso na manlilibre ng final evil minion, hahahaha, tumatanggap po me ng regalo. lols.

Take Care folks!