Kung sa last post ko ay ipinakita ko ang 3 sa librong aking binili sa Bestseller. Ngayong araw, ibibigay ko na ang hatol sa dalawang librong tapos ko ng basahin. Yep, tama ang basa ng dalawang mata ninyo, dalawa. Bakit? Nangengealam pa kayo??? ahaha. joke lang. Dalawa para di aksaya ng blog post. hahaha.
Wag na tayong magpatumpik-tumpik pa at magpa-delaying tactics.... lets get it on!
Umpisahan natin sa unang libro. Ang Libro ni Stanley Chi na Suplado Tips.
Suplado is the new sexy. Yan ang bumubungad sa librong ito. Nyahahaha, kaya pala may Supladong Officeboy.
Ang book ay may 10 suplado commandments at 100 tips to be suplado. Ito din ay may mga mini comic strips ng mga scenarios ng mga suplado/supladas.
Whats my rating sa book? 8. Hahahah. Witty, funny, humorous, sexy, suplado. Pero bakit hindi tumaas? Ewan ko... Kasi yung book design ay tila hawig sa Bro code. Pero okay naman yung book. ahahah. Saka below 100 lang naman ang price kaya ok naman.
Okay, next book na tayo. Kung nagbabasa kayo ng titulo, makikita nio ang Angels and Jejemons. So now you know na yun ang 2nd book.
Ang Angels and Jejemons ay isang book na isinulat ni Arnel Aquitania na di ko alam kung kaano-ano ni Antonio :p
Whats inside the book? Mga kung-ano ano tungkol sa mga movies, tv shows, sports at kung ano pa. Yan ang inyong makikita at mababasa.
Ang hatol ko? 7. Palakol. Bakit? Catchy ang title ng book kaya ko nga binili. Pero while reading it, ewan ko. May force na parang it knocks me off. May time na nakakatawa tas may time na o well. Medyo tama ung comment ni stanley chi about sa book na sayang tinta at pahina. Wakokokok. Napa-skip read este skip chapter nga ako sa sports chapter. ahahaha.
Pero oks na din at di gaano kamahal ang libro sa presyong 85. Pampalipas oras na lang ung book. ahahah
Ayan, tapos na ang aking review at kayo na bahala kung nais nio din magkaroon ng copy o hindi kasi desisyon nio yan. ahahaha.
Happy Tuesday to all!

