Showing posts with label Suplado Tips. Show all posts
Showing posts with label Suplado Tips. Show all posts

Monday, February 27, 2012

Suplado Tips 2

Good morning sa inyooo! Kamusta ang mga readers ng blog na to? Hopefully ay okay sa alright naman kayo. hehehehe. Lunes na now at tiyaks, ang major sa mga napapadalaw sa bloghouse na ito ay may pasok na. Sana ay maging maganda ang start ng inyong week.

Start of the week at restday ko. wohooo. iwas monday sickness. Hehehehe. Kaso by next month, march, iba na ang takbo ng iskeydyul kows. Magiging thurs-Fri na ang pahinga ko. Pero pede na din kasi may sunday shift ako. Less stress ng slight.

Anyway highways, ang purpose ng blog for today ay tungkol sa isang book na nabasa ko mga few hours ago. waheheheh. Oo, fresh na fresh pa lang. Eto ay ang karugs o ang book 2 na libro na isinulat ni sir Stanley Chi. Eto ay ang 'Suplado Tips 2'.


Suplado is back (hindi po si carlo ng supladongofficeboy, hiatus pa ata sya). Ang aking tinutukoy ay ang librong Suplado Tips ay may karug na!

Syempre, its still about being suplado. Coz suplado is like the new black, the new swag and the craze. lols. Well, suplado is the new sexy.

Nagbabalik ang libro with tips on how to be supladude or supladets. Much better than the first book na tila hawig sa desenyo ng The Bro code.

This time, may mga testimonials/letters from other peops on their experience on being suplado. Oks din yung mga comic strips na isiningits sa mga tips at pati ang mga anik anik na nasasaad sa libro.

Rating..... 8 pa din. Medyo so-so pero pwede na for a book na wala pang 100 petot. Okay sya pampalipas oras. Atsaka okay yung part about how to be suplado online at suplado sa opis. Di ko lang ma-apply yung tips on how to be suplado when it comes to basketball chevelins kasi wa ako hilig sa isport na basketball. lols.

O sya, hanggang dito na lang muna. TC peops and good vibes lagi!

Tuesday, June 28, 2011

Supladong Angels and Jejemons!

Kung sa last post ko ay ipinakita ko ang 3 sa librong aking binili sa Bestseller. Ngayong araw, ibibigay ko na ang hatol sa dalawang librong tapos ko ng basahin. Yep, tama ang basa ng dalawang mata ninyo, dalawa. Bakit? Nangengealam pa kayo??? ahaha. joke lang. Dalawa para di aksaya ng blog post. hahaha.

Wag na tayong magpatumpik-tumpik pa at magpa-delaying tactics.... lets get it on!

Umpisahan natin sa unang libro. Ang Libro ni Stanley Chi na Suplado Tips.


Suplado is the new sexy. Yan ang bumubungad sa librong ito. Nyahahaha, kaya pala may Supladong Officeboy

Ang book ay may 10 suplado commandments at 100 tips to be suplado. Ito din ay may mga mini comic strips ng mga scenarios ng mga suplado/supladas.

Whats my rating sa book? 8. Hahahah. Witty, funny, humorous, sexy, suplado. Pero bakit hindi tumaas? Ewan ko... Kasi yung book design ay tila hawig sa Bro code. Pero okay naman yung book. ahahah. Saka below 100 lang naman ang price kaya ok naman.

Okay, next book na tayo. Kung nagbabasa kayo ng titulo, makikita nio ang Angels and Jejemons. So now you know na yun ang 2nd book.


Ang Angels and Jejemons ay isang book na isinulat ni Arnel Aquitania na di ko alam kung kaano-ano ni Antonio :p

Whats inside the book? Mga kung-ano ano tungkol sa mga movies, tv shows, sports at kung ano pa. Yan ang inyong makikita at mababasa.

Ang hatol ko? 7. Palakol. Bakit? Catchy ang title ng book kaya ko nga binili. Pero while reading it, ewan ko. May force na parang it knocks me off. May time na nakakatawa tas may time na o well. Medyo tama ung comment ni stanley chi about sa book na sayang tinta at pahina. Wakokokok. Napa-skip read este skip chapter nga ako sa sports chapter. ahahaha.

Pero oks na din at di gaano kamahal ang libro sa presyong 85. Pampalipas oras na lang ung book. ahahah

Ayan, tapos na ang aking review at kayo na bahala kung nais nio din magkaroon ng copy o hindi kasi desisyon nio yan. ahahaha.

Happy Tuesday to all!