Kahapon, since ako ay nagjajanap ng magkakasyang board short para sa nalalapit na swim swim mode sa haler baler at sa Nagsasa Cove ng Zambales, ako ay naglibot-libot sa tambayang Megamall at doon ako nakakita ng isang kabubukas lang na food resto. Eto ay ang resto/food establishment kung saan binibida nila ang kanila charmander este char cooked food. Meaning niihaw sa ulings.
So alam ko naman na nagbabasa muna kayo ng title kaya knows nio na ang possible namesung ng food house. Pero bago ko sabihin ang name, kanta muna kayo. "Come on Barbie! let's go party! Ah Ah ooh oooh!" nyahahah. Let's go to Bar-B-King.
Ang Bar-B-King ay matatagpuan sa Mega B ng Megamall. Kung saang palapag, eto yung sa basement ata. Yung katabi ng connecting tunnel ng Megamall. Kung mas gusto nio pa ng mas distinct location, malapit na ito sa Worlds of Fun. Basta, gamitin na lang ang mata kundi magiging pinya kayo. :p
Syempre it's time to make order. Since bago, medyo konti pa lang ang kumakain or baka naman kasi hindi pa hapunan kaya di pa jampack sa mall. After ordering, wait muna for the order. Nga pala, may free ice tea sila since kabubukas lang nila.
Since mga hapon ako nagpunta sa mall kaya naman ang binili ko ay for merienda. Umorder ako ng Pansit Canto't Bar-B-Chops. O ha, Carns kung carbs sa combi ng kanin at noodles. Gutom much lang at after six diet namans e.
Busog sarap naman ang meal na naorder ko. Di matigas ang pork chop. Madaling nguyain yung taba. Sa pansit, oks lang kaso di ko feel ang madaming atay strips as sahog kaya di ko gano na feel. All in all, okay naman kumain dito kasi malinis, kita mo ang mga nagpreprepare ng food sa kanilang Keychain este kitchen.
So sa mga madadaan ng Megamall, baka gusto nio din i-try. ehehehe.
PS:
Friday na! Bukas hanggang sa Martes, ako ay di makakapag online. Baka scheduled post lang mabasa nio kaya sorry kung di ako makakapag comment kaagad. ehehehe.
TC everyone. Smile naman jan and everything! Fantastic Friday to all! :D







