Showing posts with label Hong Kong movie. Show all posts
Showing posts with label Hong Kong movie. Show all posts

Saturday, September 14, 2013

Saving General Yang

Hey, wazzaps! Medyo di na me nalalayo sa normal empleyado ng pinas na pumapasok from mondays to fridays at pahinga ng saturday at sunday. At di lang yun, nakikibaka me sa paghahanap ng masasakyan papasok kasi para akong nasa amazing race na nakikipagkarera makasakays lungs.

Eniwayz, walang kinalaman sa work life ko ang post na ito. Peliks mode kasi nanaman me at kapag may pelikula, merong review-reviewhans. So let's get it on shall we?


Pamagat: Saving General Yang (nope, di sya related kay Saving Private Ryan)

Lapit mga kaibigan, at makinig kayo (listen up yo!). Ako'y may dala-dalang balita, galing sa bayan kow (listen closely yo!)... char.

Ang wento ay magsisimula sa lugar ng mga chinese type filks na mayaman sa mga kwentong digmaan at bakbakan ganyan.

Mayroong mag-asawa, ang mudrax at pudrax Yang (yan po ang apelyido nila). Ang padre de pamilyang si General Yang ay isang general opkors. Tapos may napipintong warla from their kingdom at dayuhans.

 Si Pudrax Yang

Mudrax Yang

Naatasan si General Yang to make dipinsa at kalabanin ang pwersa ng kalabans. So he make sugod-sugod laban maskuman at make away-away na sa pwersa ng kasamaan ganyan.

Pero ang kalaban ni General yang ay junanaks ng nakalabang soldier noon ng heneral. May balak si kalabs na make revenge to pudrax general.


Gumawa ng way ai kalabs na parang macorner at matrapped si General para di makauwi ng buhay. Parang napalibutan ng kalaban ang place na pinagtatambayan ng mga sundalo ni General.

Noong nabalitaan ng family ni General ang kaganapan, nagdesisyons ang 7 kiddos ni General (wow, andami niyang nabuong anak sa kembyular niya sa asawa) na iligtas ang ama, kaya sugod-sugod laban maskuman din ang ginawa nila......(without stating Sugod mga Kapatid!!!!)



 1st 
Yang Yan Ping

 2nd
Yang Erlang

 3rd
Yang Sanlang

 4th
Yang Silang

 5th
Yang Wulang

 6th
Yang Yanzhao

  7th
Yang Yansi

Lingid sa kanilang kaalaman, it's a trap ang ginawa ng kalabs kasi ang balak niyang klaseng revenge ay para kay Mudrax Yang. Nais niyang ipadanas ang lungkot at brokenhearted na nadama ng nanay ni kalaban noong napatay ang kanyang father dearie.

And somehow one by one, bumagsak at natigoks ang mga magkakapatid until isa lang ang nakauwing buhay sa mudrax yang. at nagtatapos na ang wento.

extra:
Si 3rd son pala ay si Vic Chou or Wachelei ng Meteor garden (anhirap i-spell ng name lols). At si 6th son naman ay si Wu Chun or yung bidang guy sa taiwan version na Hana Kimi.

-=-=-=-=-=-

Score, 8.9 for me! Hahahah. Kahit action-action ang category ng movie, well, nagustuhan ko naman siya at na-appreciate ko naman ang peliks.

Mga good factors ay ang combat scenes sa battlefield with the dugo-dugo splatter and alike. Tapos maganda din yung locations na pinag-ganapan ng battles lalo na yung battle ng archers (3rd son vs archer ng kalabans). Okay din yung effect na tila may kanya-kanyang weapon specialty ang pitong magkakapatids. Tapos nakakasad din yung moment na isa-isang namamatay yung magkakapatids.

Ang di ko lang nagustuhan ay yung part sa una ng pelikula about the parang challenge na naganap tapos medyo i feel awkward dun sa labanan na masyadong obvious ang effects na nawalang ng realistic touch.

Kung feel ninyo yung mga fighting scenes and film with flavors of chinese culture and history ganyan, then pasok sa listahan ng good film ang peliks na itow.
-=-=-=-=-=-

O cia,hanggang dito na lang muna! take Care! Happy Weekend!


Tuesday, May 7, 2013

Due West: Our Sex Journey

Wazzaps ka-Khantz?! Musta ang buhay buhay? I hope na oks naman kayong lahats. Sensya na at slightly busy me since nasa zombie ship na me... you know.... night shift and all the shenanigans.

Heniway, for today, mag-peliks review-reviewhan muna tayo. Ang featured film today ay napanood ko 2 weeks ago pero now lungs ako nagka-time iwento. hahaaha. Itong peliks ay mula pa sa HongKong. May pamagats na............. KangKong.....joke lungs.....Due West: Our Sex Journey.... basa-basa din ng title pag may time ha..... :p


Well, ang wents ay iikots sa isang guy na parang patpatin na nerdi-nerdihan typish. Si guy ay raised sa isang family na medyo old schoolish thingy so while growing at nagbibinate este nagbibinata, wala siyang matakbuhan to know things about shembot, kembyular and stuff like that.

Natuto sa mga makamundong anik-anik si boy sa tulong ng kanyang kaklase na parang kinonsider niya na parang sex master. Nipapahiram siya ng porn mags ganyans. Sa help ng mags, nakakapag SS (sariling sikaps) si guy.

Nitulungan pa siya ng friend nia na maka-score sa kanyang crush para makaranas ng unang tikim. Pero amportunetly, ibang putahe ang natikman ni koya... maygas.... yung tibolish na kaklase ang nayari nia. Tsk tsk... sablay.

Sa kahihiyans, nagpasya siyang sa abroads mag-arals at dun niya naranasan ang sexperiences with different dishes. Nakabingwits sya ng magkakaibang tahong dish. At dito niya nameet ang kanyang girlpren.

Hokay na sana ang kanyang sexlife with his gelpren.... Nakakashembot naman sya at nakaka-boomtarat-tarat sya. Pero medyo may mga bagay na di magawa ni boy kay girl like intimate kembular to the nth power.

So anyare...... nagbreak ang lolo at lola nio. At si guy ay nagpunta sa isang malayong place para humanap ng karinderyang bukas sa mga parokyanong kayang magbayads.

Dito may mamemeet na prosti girl si boy at tila nagkaroon sila ng spark na hindi nakuha sa poste ng Meralco. Dito din natikman ni boy ang kakaibang boomboomboom massage ganyans.

Maiinlababo kaya sa prosti girl si boy? Paano na ang kanyang x? Alamins.... dahil dito na natatapos ang synopsis-kuno.

Score? For me.... nasa 8.9 ang peliks! Hahahaha. Comedy sya so yung funny scenes sa movie, talagang napatawa me ng sunod-sunod nung unang parts. Imperview sa film, hindi sya pornograpish kind kahit meron scenes ng bembang here, bembang there. Kahit may mga eksenang merong (.)(.)(.)(.)( . )( . )(  .  )(  .  ), hindi sya super halay. Though i admit medyo nakakadala din ang sexsena.

Well, kung curious kayo, heto ang napulot kong pics na naganap sa film. Nilagay ko sa collage para medyo artistic at hindi nakakasira ng wholesome image ng aking blog. hahahaha


O cia, hanggang dito na lang muna. May pasok pa me. Hahahaha.

Take Care folks! Terrific Tuesday sa lahats!

Tuesday, December 27, 2011

Summer Love

Malapit na magbagong taon. Malapit na ang pagpapaputok sa labas man o sa loob. bwahahaha. At kapag sasapit ang ganitong okasyon, dapat naaayon din sa event ang post. Kaya para sa almost year-ender post, dapat ang peliks ay explosive. Dapat Summer Love. 

Malamig ang hangin kaya medyo mag-painit sa pelikulang itago na sa pangalang Summer Love.

Eto ay isang peliks tungkol sa taklong loser guys na sawi sa pag-ibig. Ang taklo ay nauto na mag-sign up sa isang vacay tour kung saan meron daw mga babae na bathrobe lang ang suot. Amportunetly, na scam sila.

But, as a good event naman, napadpad sila sa area kung saan may ginagawang mala-reality model search na puro mga magaganda at nagseseksihang babes ang makikita. Jumajakpot.

Dito magkakaroon ang chance ang taklong koloks na mahanap ang tunay na pag-ibig nila. lols.

Iskor: 8.5. Medyo typical pero pwede na dahil ang gaganda nung mga babes. ehehehe. Atsaka may mga eksenang nakapagpatawa sa akin habang solo lang me sa bahay kahaps. 

Okay, yan lang naman. O cia, TC mga pipols! Enjoy the holidays!