Hindi pa tapos yung Kwento sa Nagsasa kasi may last part pa yun kaso baka naman kasi tamadin na kayo kung sunods-sunods kaya filler muna for this day. ahahah.
Tuwing pumupunta ako sa mga event ng mga cosplay sa megamall, lagi kong napapansin yung cafe na may mga maids in costume bilang serbidora kaya naman na-curious ako kung anong experience sa ganung cafe. So ang nigawa ko ay nag-google ako at nagcheck kung pano ma-eexperience yun. Then, napadpad ako sa page ng MeiDolls Cafe.
After malaman ang info, nalaman ko na medyo malapit lang sa amin ang location kaya naman nag-aya ako ng friendships na makakapunta dun. Matagal na naming balak magpunta sa cafe na iyon pero kahapon lang nag-push at kahapon ko lang nadanas ang Cosplay Cafe.
After shift, kasama ang isang kaibigan ay nagfly na kami sa bandangg Cainta upang masaksihan at ma-try ang MeiDolls Cafe. Isang sakay lang mula sa opis ay andun na kami.
Pagpasok na pagpasok namin ay grineet na kami ng Maid-sama at tinanung kung ilan kami. Kahit obviuos na dalawa lang kami, syempre sinagot padin namin ang katanungan at namili ng pwesto.
Indian seat mode
Japanese lanterns
After nun, todo accomodate si maid-girl at inexplain ang mga bagay bagay sa cafe katulad ng menu nila and other things like the ramen challenge and the janken challenge. ahihi.
Matapos noon, inexplain na kung tapos na kami mamili ay press lang namin ung parang bell something. Iniwan nia din ang isang penguin toy that means na pagpriness or squeeze, ay to followup ng order.
menu
Penguin and the bell
Kapag ihahain na yung food sa lamesa ay sasamahan daw ito ng special ingredient nung maid with matching acting "Power Up! Moe Moe Kyun" something like that kasi di ko nagets yung after ng power up :p
And then chibog time, ang larawan ng mga ni-order namin kahaps sa Meidoll Cafe.
Fried Bread Rolls
Fried Sushi
Gyoudon
Lasagna Roll
BananaMango Smoothie
BlackForest Frappe
After eating, biglang nagperform ng dance number ang apat na maids at sumayaw. Buti at may gigicam at nakuha ko naman ang vid. Kso di maupload dahil ambagal ng sun broadband sa bahay. Try ko kung madadagdag ko bukas using opis net. :p
Sa pesbuk ko na-upload:
http://www.facebook.com/settings/?tab=privacy&ref=mb#!/video/video.php?v=1698406754042&comments
Syempre bago umalis, nagpicture picture ng konti at nagpapicture sa mga Maids :D
Okay, last part na.... judgement ng place at ratings........
Ang score na ibibigay ko sa MeiDolls Cafe nung nagpunta ako ay 7.5. Sa ibaba ang reasons.
-Accomodating yung mga maids.
-Okay naman ang food, so-so and fair, masarap na swak lang
-Nagustuhan ko yung black forest frappe
-May magandang girl- yung boss nila :p
-medyo costly kaya bawas points
-bawas points din kasi parang nag-change sila ng ayos ng place kaya medyo di organized at di magandang tingnan ung cafe. parang may dungis.
If asked kung babalik ako.... yes... Pero renovate sana ung place at new menu. :D
Hanggang dito na lang muna, restday ko today at maglalakwatsa ako sa mall. ahihihih. Wacky Wednesday to all. TC!