Friday, September 7, 2012

So Random Day

Araw nanaman ng anik-anik kaya naman araw nanaman ng random post. So ekspek nio na kung ano-ano lang ang isasalitype ko. Wahehehehe.


1. Ermergerd, mukang magkakaroon ng changes sa work. Yung eksenang panibagong item ang susupport na di ko pa gaway. Hays. Bakit ba hindi ako makasabay agad-agad sa pagbabago?

2. Di ko alam kung na-share ko na last random pero naghahanaps na kami ng malilipatan. Kasi strike 2 na ang baha. Ayaw naming umabot ng strike 3.

3. Ang sikmura/ tyan ko ay super scumbag.  Yung tipong kapag may lakad ako or may gala, doon sya nagpapapampam at nage-LBM ang peg. Kaasar sesar yung feeling na paalis ka na or nasa way tapos parang najejebs ang feel.

4. Di na ako makapag-antay na mag saburday, pano new release ng Fairy Tail na manga atsaka yun yung time na makukuha ko na yung pinareserve ko na One Piece na laruan.

5. Bakit apektado ako sa issue ng #sinotto? hahaha. nakakainis kasi. lols

6. Affected din ako dun sa napapanood ko sa gabi na Angels Temptation. Napa-kupal kasi yung ugali nung tatay ng bida. Ansama-sama-sama ng ugali!!! Pakingshets!

7. Nameet ko pala ang semi-anonymous blogger na si Tabianmuch. hehehehe. At sa tulong niya, mababasa ko na ang book 2 ng Klitorika series.

8. Nag-DVD hopping ako kanina sa Quiaps. kapal ng pes ko bumili ng dvd pero di pa naseset-up hanggang ngayon yung dvd player. lols.

9. Sa bus kaninang pauwi, may sang grupo ng bekimons ang sumakay. Ang iingay pero nakakatawa yung banat nila. Nag-abot ng bente sa kundoktor sabay sabing 'Cornetto' daw. Muka daw sorbetero si koya. lols

10. Bukas, back to work na ako. hahahays. O well, dats layp.

O cia, hanggang dits na lang muna. Tekker!

28 comments:

  1. at di ko nameet si tabian! tulog na tulog ako lol.

    ReplyDelete
  2. #3 ingat dito pards! mahirap matae sa daan!

    #4 excited much din sa fairytail!

    ReplyDelete
  3. bakit andun si charmander? hehe

    ReplyDelete
  4. #3 says... may sumpa ka ni Pooh.. hehehe...

    at ang cute ni Charmandy.. hahahaha.. isa yan sa pinakauna kong naging favorite ^_^ ngayon mas feel ko na si Blissey at Audino LOL

    ReplyDelete
  5. cute ni charmander! char char!


    affected din ako sa #sinotto, kairita much!

    baon ka lagi ng diatabs pag may gala para laging may ready na pangontra! :)

    ReplyDelete
  6. haha inis din ako sa tatay ni cedric hahaa
    nku hirap pa nmn mggala ng my lbm

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaasar kasi ugali! tangene talaga yung tatay ni cedric!

      Delete
  7. wala atang pokeball si Khanto para pang huli kay Charmander :D

    ReplyDelete
  8. Hahaha, naguluhan din ako sa presence ni charmander! Ang lakas mang-ansha ng mga bekimon, buti hindi nabadtrip si koyang kundoktor, haha..

    ReplyDelete
  9. Naku.. maghanap ng lugar na hindi bahain. Saka lalo lang nagiinit ang ulo ko pag naririnig ko iyang issue kay Sotto. Ambobo lang niya. Asar.

    ReplyDelete
  10. hataw sa lang sa mga pagbabago.yong na eebs an feeling sa tuwing may paalis na nararamdaman ko rin yan actually pag may bigla akong gagawin at excited ako. Pero sa tingin ko ok lang naman yon basta may CR. ang mahirap pag wala.

    ReplyDelete
  11. sana niyakap mo si tabs para sakin. hehe

    ReplyDelete
  12. Natawa ako sa cornetto. nakakatawa talaga sila, natural na nakakatawa.

    ReplyDelete
  13. Number 7. Gusto ko ding makameet ng anonymous blogger.

    ReplyDelete
  14. lakas mag okray ng mga beki ahahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???