Showing posts with label Tanduay Ice. Show all posts
Showing posts with label Tanduay Ice. Show all posts

Thursday, December 27, 2012

Tanduay Ice- Yellow and Pink

It's Christmas time again mga folks! At if you can still remember, gantong month last year ay may binida akong inumin sa inyo... Eto ay ang Tanduay Ice- Red and Blue. Well..... For this year, may bagong flavor para sa manginginoms.... at yan ang inyong malalamans.

Sa 7-11 ko lang unang nabalitaan na may new flavor na kulay yellow kaya naman di na ako naghesitate at ako ay nagtangka at nagplan na tumikim ng bagong kulay ng Tanduay Ice.

Pero nashock ako dahil while shopping (shopping talaga? Joke, nag-grocery lang ng juice at detergent panglaba), nakatagpo ako ng another new twist sa Tanduay Ice....Eto ay ang Tanduay Light or tinawag kong Tanduay Pink.

So everybody..... meet Tanduay Ice-Yellow and Pink!


Yellow Paradise:


Yellow Four! Parang ganyan lang yung tumakbo sa utak ko habang binubuksan ang bote ng bagong flavor ng Tanduay Ice. Infairview, sakto lang sa lamig ang aking nakuha. sniff sniff... Amoy mango-orange juice drink. Unang lagok... hmmm. lasang juice pero di ko matukoy kung mango or ibang prutas. lagok pa... konti lang nalalasahan ko pero masarap namans. makailang lagok pa... ayun, tumba na yung bote. hehehe

Pink Pomelo:


Pinkmask! Pink utong sana ang isisigaw kaso wholesome dapats kaya naman Pinkmask na langs. Bwahahaha. Light.... Hindi kaya pinatabang na Tanduay Red lang ito? Pero syempre ang nilagay nila ay pomelo so malamang sa alamang ay iba ang taste.. bago lasapin ng dila... amoy-amoy muna. Amoy melon! Joke lang. bwahahaha. Syempre amoy light pomelo. Ang lasa naman niya, pasado. di matapang.



Overall ratings ng new flavors.... ummmm.... ahhhhh... 8.7. Okay naman yung new taste. Parang walang ganong tama kaya okay sa mga party, pang mahaba-habang celebration.

Currently, katulad ng kaganapan last year, di agad-agad mahahanap ang Tanduay Ice Yellow at tanduay Ice Light or Tanduay Ice Pink sa grocery tulad ng Robinsons Galleria at SM. Mas madaling matagpuan sa 7-11.

Maganda ito sa mga party and celebration specially sa new year at mas masaya kung bibili din kayo nung regular white, ng blue at ng red colored Tanduay Ice para colorful ang pagdiriwang. Pede din tong pang epal na mag rangers party kayo. Bwahahaha.

O cia, hanggang dito na lang muna, Take Care folks, drink moderately!

Sunday, December 25, 2011

Tanduay Ice- Red and Blue

Good Day to all! Maligayang Pasko! Alam ko grineet ko na kayo, pero masama bang umulit ng greetings? Bawal na ba ang unligreet? hehehe.

I know kaka-post ko pa lang mga hours ago pero may new post nanamans me. Well, ganun talaga pag di pa makatulog at nangangati ang mga daliri sa pagtytype ng nasa isipan. 

For today, ang bida ay ang pamatid uhaw na aking sinubukan kani-kanina lang for christmas, eto ay walang iba kundi ang Tanduay Ice's Red Mirage at Blue Illusion.


Red and Blue. Parang sa watawat ng pinas. Parang fire and ice. Wala lang. hahaha. Eto ang bagong kulay at plebor ng medyo nakikilalang nomnom this year.... Tanduay Ice.

Noong lumabas sa pesbook ang balita na may new twist ang Tanduay Ice ay ninais ko masubukan ang lasa na ito. At finally, ngayong araw ng pasko, nasayaran na ang lalamunanan ko ng drinks na ito.

Blue Illusion:


Eto ang una kong pinili. Inilabas mula sa ref. at binuksan. Inamoy-amoy (oo, baka matapang ang amoy). Ayun, amoy bebolgam. Lumagok ng konti. Lasang babolgam nga na hindi. Lumagok pa... tapos lumagok. Ay ubos na. Ayun. Okay naman ang lasa. Medyo malalasahan mo ng slight ang bubblegummy like flavah and aroma pero parang medyo matapang ang alcohol content.

Red Mirage:


Nabitin sa blue. Lumapit sa ref at kinuha sa loob ang malamig na red colored Tanduay ice. Binuksan. Inamoy amoy din na akala mo sumisinghot ng katol. Hmmmm. Syemps hindi amoy babolgam kasi ibang kulay na. Amoy tutti prutti or much layk raspberry/chrry-like aroma. Uminom, mga tatlong lagok. Dumighay. Di ko nalasahan. Nag-sip at sinubukang patagalin sa dila ang lasa. Ayun. Frutty like ng slight. Pero mas ayos ang timpla nito. Hindi mo masyadong dama ang alcohol. 


Overall rating sa drinks na to......... 9. Hehehe. Masarap sya. Masarap sa mata ang dalawang kulay. Pero since nahirapan me sa paghahanap kung saan makakabili nito, babawasan ko ng points. 8.5! hehehe.

Currently di matatagpuan sa grocery ng Robinson's Galleria at ng SM supermarket ang dalawang variant ng Tanduay Ice Red and Blue. Sa 7-11 ko sya nabili. At take note, may 7-11 stores na either puro Red or puro blue lang ang tinda. Naka-taklong 7-11 stores ako bago ako nakabili ng parehong Red and Blue.

Recommended ang nomnom na to sa mga partey kung sawa na kayo sa kulay ice tea na Red Horse o kaya naman sa matapang na amoy ng mga hard drinks. :p

Kung sa presyo naman, P25 po per bote. Not bad na din as alternative... Kesa naman bumili ng mamahaling colored vodka's. :D

O cia, hanggang dito na lang muna. TC ulit! Drink Moderately!

Krismas!


Hello! Eto ay isang scheduled post dahil ayokong gumawa ng post ng araw ng pasko. Walang basagan ng trip. Trip ko to eh. lols.

Currently ako lang mag-isa ang magcecelebrate ng pasko dito sa bahay kasi nasa probinsya family ko. Pasaway lang ako at pampam na ayaw ma-pagod kaya piniling huwag umuwi ng Pangasinan. 

Right after shift kanina ay dumiretso ako sa mall upang bumili ng imamarathon na dvd ngayong restday ko. Bumili din meng libro. atsaka pang noche buena. hehehe. inasembol ko na din yung regalo ko sa sarili na laruan. :D


Walang hamon, walang ispaketi, walang embutids pero meron akong mga anik-anik foodies para sa noche buena. Knick Knacks, Hello Panda, Wafer, bread, tuna at sopdrinks.


Putragis, anhirap humanap ng may kolay na Tanduay Ice! Wala sa Robinsons at SM supermarket. Sa 7-11 sya matatagpuan! Hahahaha, pero mukang sulit naman at matatanggal ang uhaw!


Di ko alam kung bagong released to pero wala sa Bestsellers at powerbooks at National Bookstore. Nabili ko ito sa Booksale. Eto ang babasahin ko dis pasko.


Finally, nabuo ko na yung laruang pamaskong regalo sa sarili. Hehehehe. Nahirapan me mag-assemble kasi anliliit ng parts. :p

Para sa lahat, Maligayang Pasko sa inyo! Merry Christmas! Enjoy the holidays! :D TC!