Sunday, December 25, 2011

Krismas!


Hello! Eto ay isang scheduled post dahil ayokong gumawa ng post ng araw ng pasko. Walang basagan ng trip. Trip ko to eh. lols.

Currently ako lang mag-isa ang magcecelebrate ng pasko dito sa bahay kasi nasa probinsya family ko. Pasaway lang ako at pampam na ayaw ma-pagod kaya piniling huwag umuwi ng Pangasinan. 

Right after shift kanina ay dumiretso ako sa mall upang bumili ng imamarathon na dvd ngayong restday ko. Bumili din meng libro. atsaka pang noche buena. hehehe. inasembol ko na din yung regalo ko sa sarili na laruan. :D


Walang hamon, walang ispaketi, walang embutids pero meron akong mga anik-anik foodies para sa noche buena. Knick Knacks, Hello Panda, Wafer, bread, tuna at sopdrinks.


Putragis, anhirap humanap ng may kolay na Tanduay Ice! Wala sa Robinsons at SM supermarket. Sa 7-11 sya matatagpuan! Hahahaha, pero mukang sulit naman at matatanggal ang uhaw!


Di ko alam kung bagong released to pero wala sa Bestsellers at powerbooks at National Bookstore. Nabili ko ito sa Booksale. Eto ang babasahin ko dis pasko.


Finally, nabuo ko na yung laruang pamaskong regalo sa sarili. Hehehehe. Nahirapan me mag-assemble kasi anliliit ng parts. :p

Para sa lahat, Maligayang Pasko sa inyo! Merry Christmas! Enjoy the holidays! :D TC!

8 comments:

  1. huwaw!!!! likeness ko yung onepiece gang!!! kyot!!! hahah merry christmas kuya gelo. :P hahahah home alone ang drama? :D

    ReplyDelete
  2. shet! nainggit ako dun sa laruang regalo mo sa sarili mo. penge ako ng isa. haha! 'yang de-kulay na tanduay ice na 'yan, hanggang ngayon eh hindi ko pa natitikman. ano ba lasa? merikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms, pre! \m/

    ReplyDelete
  3. Khanto taga-Pangasinan pala kayo now ko lang nalaman. San kayo sa Pangasinan? Kababayan pala kita in Pangalatok Kabaleyan ta ka. Merry Christmas! Ako pinili magstay sa office this christmas kasi wala tao sa apartment ko ako lang mag-isa. Ingat ka din at damihan mo pa ang T-Ice mo sarap un blue kesa red. Happy New Year!

    ReplyDelete
  4. wow one piece!!! ^_^ Merry Christmas angelo ^_^

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???