Showing posts with label bahang habagat. Show all posts
Showing posts with label bahang habagat. Show all posts

Wednesday, August 8, 2012

Bahang Habagat!

Hellow! Buhay pa naman me kahit binaha nanaman ang bahay namin. Kahit na lumubog nanaman ang bahay (hanggang ulo sa loob ng bahay, hanggang dibdib sa labas), sa awa ng diyos ay nakaligtas naman kami. Medyo may nailigtas na ilang kagamitan.

Hopefully tumigil na ang walang tigil na ulan at bumaba na ang baha para makapaglinis na ng bahay.

Kung nagtataka kayo pano ako nakapagpost? Nasa opis ako. Oo, lumusong ako sa baha at nasa ulo ko ang nakaplastic na bag na may konting damit. Pinili ko ang pumasok kaysa sa sitwasyong di ako makakain at makatulog dala ng ulan at kundisyon na walang CR.

Kwento ko sa inyo ang detalye kapag nasa-wisyo na ako. Ingat sa lahat at ipagdasal natin na tumigil na talaga ang baha.