Showing posts with label facebook applications. Show all posts
Showing posts with label facebook applications. Show all posts

Friday, January 27, 2012

Facebook App: Marvel: Avengers Alliance

I'm back! Ahahahah. May naka-miss pa ba sa akin? lols. Emo? eheheh. Busy lang naman ako lately kaya tamad-tamaran ang peg. Joke. Ang totoo nian, busy me sa laro kaya ganun.

Eto na, eto ang post tungkol sa aking kinahihibangang game ngayon sa pesbook.


Eto ang game na hango sa Marvel syemps, kaya nga Marvel: Avengers Alliance ang title diba? heheh, edi sana naging DC: Chorva alliance kung sa DC yan. naman!

Okay, sa mga nagtataka or curious para sa game, ito ay parang Mafia enhanced kasi may animation plus may mga types yung mga characters. Parang Final Fantasy din kasi parang bubuo ka ng lineup ng warriors mo.

So pano simulan? Pipili ka muna kung isa kang boy or girl agent like the picture below.


After nian, ibibigay sa iyo ang una mong pakner, ang avenger na may kabayo... IRON MAN!


And then, magsisimula na ang time mo sa paglalaro sa pakikipag laban sa iba-ibang maps na related sa mga avengers heroes.


Meron din itong PVP mode. Strategy kung sino characters mo at kung strong against characters ng kalabs.


At syemps, may pagsesend ng gifts sa friendships nio. Sa mga ka-pesbuk ko na maglalaro nito, energy or SHIELD points po, pede na.


Okay, yan langs muna. TC mga folks. Friday pala ngayon so malamang sa alamang happy-happy kayo, tas sweldo day pa! Enjoy your weekend!

Wednesday, June 8, 2011

Facebook App: Pockie Ninja


Wazzaps madlang people! Kamusta naman ang inyong araw? Ahahaha. Para sa araw na ito, let me share ang isang laro na aking natuklasan sa pesbuk lately. Eto ang Pockie Ninja. O, wag masyadong green ang utak. Parang pocket ninja lang pero pina cute ang term kaya Pockie. ahahah.

Ang Pockie Ninja ay isang facebook application kung saan ang mga tauhan ay mula sa pinagsanib pwersa ng Naruto at ng bleach na gawa ni Kubo Tite (wag green, yan talaga apelyido nia). Siguro nga kaya Pockie ang tawag dahil swak sa likha ni Tite. ahahaha.

Para may ideya kayo pano laruin, hanapin lang ang Pockie ninja at i click yun. Makikita ang imahe sa pinaka-umpisa ng post na ito at i-click ang Start. mapupunta ka sa next phase. Selecting Server. Mamili ka lang sa madaming options katulad ng larawan sa ibaba.


Matapos makapamili ng server, mag-antay ng ilang sandali at magloload na ang character selection phase. Pede kang mamili kung naruto characters tulad nila kiba, shikamaru, shizune, anko, kurenai, choji, azuma at tenten. Pede din bleach pero di ko sila gano kilala.


Matapos mamili ng character, bigyan ng pangalan at mamili kung saang country sila, fire nation, hidden cloud, hidden mist, lightning or earth village. Tandaan, isang character lang sa isang server at pag napili na, permanents na iyon. Unless gagawa ka sa ibang server.


Una mong kakalabanin si gaara pero matatalo ka kaya ang bagsak mo ay sa country na iyong pinili. Meron ditong beginners guide na tuturuan ka ng step by step procedure.

Isa sa ituturo ang paglaban sa arena. Dito papipiliin ka ng iyong makakalaban para magtrain at magkaroon ng initial na laban. Ang screenshots sa baba ay sample ng makikita sa tutorial.










Tapos kapag natuto ka na sa basic na makikita sa laban, tuturuan ka na ng pano ang maglagay ng weapons and armors para sa character mo pati ang paglalagay ng skills.

I-recommend tong game na to lalo na sa mga bored sa buhay katulad ko. ahahaha. Pamatay oras din to. Parang larong mybrute pero anime version. ahehehehe.

Hanggang dito na lang muna at nagpapalevel pa ako. TC!