Showing posts with label japan series. Show all posts
Showing posts with label japan series. Show all posts

Monday, April 13, 2020

Netflix Series while on ECQ


Hi guys, I'm back! Yes, it's been a while na walang update sa blog na ito pero heto ako, tumitipa ng mga letra upang makapagbuhos naman ng kung anik anik na nasa isipan.

Nais ko na iwento ang personal ganap pero baka nekstaym na lang para madami dami naman ang iwewents.

So for the meantime, chika ko lang ang tungkol sa netflix shenanigan. Actually wala naman akong account kaso meron ang ate ko na nagshare ng account so ayun, pede naman magtake advantage. Sayang ang chance.

In the past almost 1 month, kapag restday, doon ako nanonood ng series para pampalipas oras/araw. So for today, Share ko lang mga napanoods ko.

Note, eto yung mga series na hindi english dubbed. For some reason, turn off sa akin na nagiging english ang series. Like, nawawalan ako ng gana na di marinig yung native language ng mga series. Oks kasi ako na nagbabasa ng sub while watching.

1. Itaewon Class (Korea)


Kwento ito ni koyang bunot hairstyle na kinalaban ang isang richie kiddo sa school. Instead na mag sorry sorry sorry sorry♫♪ aba, tigas ulo (hindi yung ulo sa baba ah). So na expelled sha. Tas saklap ng kapalaran ni koya mo kasi na-tegibels ang kanyang pudrakels. Ang nakapatay? Yung richie kiddo. And pinagtakpan ang kaso. 

Nagalit si koya mo and sinugod mga kapatid nia si richie boy at jinombag nia ito. E richie nga diba, so nabaliktad ang sitwasyon at nakulong si koya mo.

So medyo kinda story to ng revenge and redemption chuvachuchu. Nag promise si koya mo na babangon sha at dudurugin sila ganyan keme while creating his own resto kinda thing na kokompetensya sa fambam ng nang-api sa kanya.

2. Re: Mind (Japan)


Eto naman ay tungkol sa 11 na merlats na biglang nagising out of the blue sa isang misteryosong lugar and more specifically, nasa isang dining table sila. Kaso di sila makaalis dahil naka kadenang ginto ang kanilang mga feet sa ilalim ng mesa.

Then, napansin nila na may missing na upuan, which is specifically dapat sa isa pa nilang kaklase which is nabully nila at out of the blue nawala.

And so it is time for the merlats to remember ang mga kagagahan na pinaggagagawa nila and everytime na uunravel ang kapokpokan at anikanik nila, out of the blue isa-isa silang nawawala.

3. Ossan's Love (Japan)


Eto ay wento ni Haruta na isang 33 years old straight as a ruler na medyo di pinalad na magkaroon ng lablayp. Kinda hari ng sablay-ish ang peg nia sa buhay. 

Then magugulantang ang kanyang mundo ng out of the blue, nalaman niya na ang kanyang 50ish bossing ay inlababa sa kanya at nagtapat sa kanya ng pag-ibig at willing to divorce ang asawa para kay Haruta.

And the same time, isang new katrabaho ni Haruta named Maki (hindi california) na naging roomie niya at nagtapat din na may gusto din kay koya mo.

Insert Moonstar88 song 'nahihilo... nalilito♫♪♫'

4. Girl from Nowhere (Thailand)


This is a story about a girl named Lucky. chost. Nanno ang name ni girl. Isa syang transfer student na hobby magpalipat-lipat ng school.

Pero si ate gurl ay isang kinsa Psychotic-ish/Paranormal-ish. Ang ganap nia sa buhay ay pumasok sa different schools at umeksena sa mga pampam na tao, show the dirty side of humans ganyans.

Every episode, new school unless naging 2 part ganyans.

5. Sotus (Thailand)


Eto naman ay wento sa isang college/University kung saan may system kemerut named SOTUS. Ito ay kina hazing-ish initiation-ish na walang pagpapaddle ng mga pwets. Basta papahirapan kayo ang anik-anik na task.

So newbie or freshie etong si koya na naka white sa picture at una ay against sha kung anong kapekpekan na pagpaparusa na ganap at somehow kontrapelo sha kay koyang may red polo shirt.

However, mukang as time goes by, may naging something between kay koya white at koya red. Lols.

At yan lang muna. Di ako makapanood ng madami since kakain ng data ang panonood and naka prepaid wifi lang ako and its so magastos. Nako, kung nakapag DVD hunting lang sana ako sa quiaps bago nag ECQ, di sana madami na ako napanoods. hahahaha.

O sya, hanggang dito na lang muna. Will update soon.

TC!


Saturday, April 20, 2013

Kaizoku Sentai Gokaiger

Hembak! Kamusta na mga ka-khanto?! Oks naman ba ang inyong weekends? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayans. Ako? Well, kababalik ko lungs sa bakasyones. Saka na ang wento doon. For the meantime, share ko ang aking nipapanoods lately.

Natatandaan nio ba yung peliks na nawento ko last time about sa labanan ng Super Sentai at ng mga Kamen Riders? Well, basa-basa din pag hindi. hahaha. Well, related to doon.

Ang currently minamarathon ko ay etong Gokaiger. Ito ang 35th Sentai show na mula sa Japan. Oo, 35th! Ibig sabihin ganun na katagal running ang sentai show sa japs.


Ganto kasi yown.... may ganap pala na war last time at nagsama-sama ang past 34 sentais. Tapos anyare, nawala ang powers nila. Tapos kumalat somewhere sa kalawakan.

Then eenter the dragon tong 5 folks from a different planeta na nakolekta ang ilan sa mga sentai powers at nagpunta sila sa earth para hanapin yung great treasure kasi sila ay pirata (hindi yung suking tindero sa quiapo ha).

At dito na may ganap ang 5 heroes sa earth kung saan kumakalaban sa masasama. Magtratransform. Mapapatay ang kalaban. Palalakihin ang monster. tatawagin ang robot at papatayin ulit ang kalabs.

Pero what's different sa Gokaiger? Hindi nakakasawa yung labanan portion kasi dito ay nagpapapalit-palit sila from different Sentai versions. So di gaanong nakaka-umay at medyo naiinform ka ng mga dating shows na hindi mo naabutan or di mo alams. :D

O cia, hanggang dito na lang muna. Busy pa sa pagmarathon! TC folks!

Wednesday, January 18, 2012

Jiu


Akala ko peliks ang naisalang ko sa aking dvd pero ako ay nagkamali. Isang Japanese Series pala itong aking nabili. 

Ang tampoks ay ang palabas na may namesung na 'Jiu'. Ang genre nito ay medyo mystery action thingie.

Ito ay tungkol sa dalawang police na girlay. Isang Tomoyish girl na hanep sa action skills at isang girly-girl na police na may hinhin factor at baitness. Both girls ay may magkaibang field ng work, yung isa ay sa isang special unit at yung isa ay sa investigation field. 

(Black or White) 

Bakit 'Jiu' ang name ng palabas? e kasi ang kalaban ng dalawang police ay isang blondie guy na may pangalang Jiu. Isang mystery guy na nasasangkot sa isang kidnapping at killings ng mga gang sa japan.

Amportunetly, nabitin me, kasi episodes 1-5 lang napanood ko! Kaasar Cesar, andun na yung excitement sa pagsubaybay sa panyayare pero demn! Stupid dvd. hahahahah.

Mukang bago lang tong serye na to kasi nakakashock na ang OST ng serye ay 'Edge of Glory', diba bago-bago lang yun?

Current rating ko sa serye ay nasa 9 na. Mataas kasi maganda yung sexy girl tapos ang sexy tapos hahaha. Nainlababo ako. ehehehe.

Nakows, Kailangang bumalik ako sa St. Francis Square para mahanap ang karug! Shet na malagkets, di ako makaka-move on kung di ko ito mapapatapos. 

O cia, hanggang dito na lang muna. TC

Wednesday, November 2, 2011

Hana Kimi! Hana Kimi!

Kamusta na kayo? Hello! Kamusta ang naging long weekend nio? Ahahah. Bitter slight padin sa mga nakapaglong-weekend. wahahaha. Anyway, wala po tayong movie review or book review. For today, wewento ko lang ang isang Japanese series.

Hana Kimi, isang manga series sa bansang hapon at dahil sa kasikatan ay ginawang series. Dahil din sa popularity nito nagkaroon din ng taiwanese version at meron ding remake after ilang years.


So ano naman ang kinalamans ng post na ito? Well, kasi napanood ko na pareho yung sa Japan at kahit yung sa Taiwan version at nais ko lang bigay comparison. :D

Teka, sa mga curious kung ano ang wento ng Hana Kimi, sasabihin ko na. Eto ay wento ng isang girl na may crush sa isang boy na isang high jumper (hindi po yung sinusuot na damit). Mula sa amerika ay nagbyahe sa country ni boy si girl at nagpanggap na lalaki sa isang all-boys school. Ang balak niya ay mapabalik muli sa pagtalon ang kanyang crush. 

Dito na magsisimula ang wento kung paano maitatago ni girl ang kanyang keps pagkababae. Dito din mag-eevolve ang love triangle at mga side story sa school. :D

Taklong version na napanood ko. hahaha. Parang yung sa hanayori dango lang. :p Aniways, nais ko lang i-share ang pinagkaibahan ng taklo.

Taiwan Version-



Eto ang una kong napanood way back 2008 pa. Ang bidang babae ay hindi cutie. ahhaha. uu, ako na medyo mapanghusga pero ewan ko... Mukang tiboli yung girl at walang cuteness akong nakikita.  Medyo imba ang labteam nung girl at boy. 

In terms of the story, funny sya at medyo kiligers din. Medyo focus ang story sa love story between the 3. 

Japan Version 2007:



Napanood ko ito last month pero ipinalabas to sa telebisyon kasabay ng Hana Kimi Taiwan version way back circa 2008. Mas cute di hamak yung babae na nagpanggap na lalaki. Balanse ang cuteness ng taklong kasama sa love triangle.

Much funny ang series na to kasi kakaiba mga facial expressions ng mga actors lalo na ang mga supporting pips tulad ng mga kaklase. Dito may focus din ang 3 group/ dorms ng all boys school na hindi masyadong featured sa taiwan version.

Ibang klase ang acting skills nung isang karakter na may pangalan na Nakatsu. Nakaka-elibs ang skill nia para  mag-express ng nasasa-isip nia without explaining much verbally.

Japan Version 2011:



Ngayong 2011 lang ni-release itong series na to sa japan pero last week ay nakabili na me ng completong episode nito sa suking pirats.

Same story sa japan series 2007, same musical scoring and so pero different lang ang mga actors na nagsiganap para sa serye.

Oo nga pala... Medyo tame ang comedy sa series na to kasi wala na yung mga crazy facial expressions ng ibang students lalo na yung mga dorm leaders. 

----------------------------------------------------------------------------------------------

Sa taklong serye, mas nagustuhan ko ang japan 2007 version. Kakaiba kasi yung komedya kahit over the top ang acting ng mga students. Next na okay ay ang Taiwan version. Kahit di kagandahan si girl, medyo nakakakilig ang ilang eksena nila with her crush. Last ay yung remake ngayong 2011. Ewan ko. Di ko feel ang  naging takbo kahit same story lang sa 2007.

Pahabol.... ang bansang korea ay gagawa na din ng kanilang version ng Hana Kimi. Wala pa akong makitang larawan ng cast kaya mukang surprisa ang mangyayare.

O cia, hanggang dito na lungs muna. TC mga pipol! Hehehehe

Friday, September 23, 2011

Asian Invasion

Noong musmos pa lamang ako, puro seryeng pinoy lang ang aking napapanood. Andyan ang Valiente sa hapon. Sinundan nung Agila. Lumabas din sina Mara at Clara sa panggabing show. Andun din yung Mula sa puso at kung anong nobela serye na umaabot ng years bago matapos.

Di nagtagal, tinamaan tayo ng mexicanovela. Eto yung sinakop tayo ni Thalia. Remember the Marimar Aw! sa Rpn9 noon? Oo, yung may nigga na si Corazon at ang echoserong doggy na si Pulgoso. Matapos nun, sumunod ang mga kapatid ni Marimar na si Maria La Del Barrio, Maria Mercedez at Rosalinda.

Woooops, kung nahumaling ang tao sa Mexicanobela, aba.... biglang may Asian Invasion!

Akala ko nung una tuwing sunday morning lang yung mga show ng mga kapwa asiano. Pero biglang naglabas noon ang ABS-CBN ng unang asianobela. Sino ba di makakalimot sa step na yun na biglang patok sa bayan.

Sino ang di makakalimot sa apat na elite boys na nag-aaral sa paaralang super konyo. pak na pak ang cool guys na kinatatakutan kasi anak ng mga prominenteng pamilya. F4! Yan ang bukambibig ng mga tao nung inilabas ang Meteor Garden sa pinas. Syempre ang mga tao nahibang sa wento ni Tangkay este Shan Cai na naging friendships ang mga rich boys.

Meteor Garden

After nun, sinakops na din tayo ng ibang asian pips like korean, taiwan at japan. :D

Eto ang mga asian series na kinaadikan ko. ahahahah.

 Hana Yori Dango

Boys Over Flower

hahahaha, kung akala ninyo, yan lang meron pang iba...... :D

 Hana Kimi (Taiwan)

 Autumn in My Heart (Korea)

 GTO (Japan)

 Stairway to Heaven (Korea)


Madami pa dapat pero hanggang dito na lang muna. hahahaha.

TC mga pips!