Showing posts with label lilia Cuntapay. Show all posts
Showing posts with label lilia Cuntapay. Show all posts

Tuesday, October 25, 2011

Halloween Queen!!!

Hello there! Kamusta naman kayo? Nalalapit na ang pagtatapos ng october at padating na ang Nov. 1 at 2. Eto ang araw ng patay o araw ng mgakaluluwa. So syemps, kapag ganitong nalalapit na ang so called halloween/all souls day/all saints day, di mawawala ang mga post tungkol sa init ng araw at pagbababad sa malamig na tubig ng dagat. 

Syemps joke lang yung tungkol sa pagbababad sa tubig. Alam na alam nio naman dapat na mga scary shitness at kung anong related sa katatakutan ang mga post pag papalapit ang undas.

For today's topic.... Ibibida sa wento ang babaeng reyna ng Halloween o halloween related films and shows. Ang babaeng laging mahaba ang hair...... Si Lilia Cuntapay!

Kung kayo ay myembro ng batang 90's kung saan naabutan nio pa ang mga horror specials ng Magandang Gabi Bayan o kaya naman naabutan nio ang mga medyo classic Shake, Rattle and Roll films, tiyak knows nio by face ang feature queen for today.

Payat- check. Kulubot at matanda- check. Long hair na black and whitish- check. nakakatakot- check. Yan ang katangian ng nag-iisang matandang actress na laging gumaganap na multo,  manananggal, mangkukulam, white or black lady sa mga pelikulang noypi.

♪♫I Whip My Hair Back and Forth♫♫

Hindi nakukumpleto ang mga peliks na horror kung hindi lalabas ang extra ng mga katatakutan. hehehe. It's her... it's her already. Ang pambansang Halloween Queen.

Tanda ko pa yung isang pelikula na kasama siya tapos napag-bintangan siyang siya ang mangkukulam/aswang na nambibiktima ng mga pipol. Pero mali.... isa pala siyang ordinary people na mabait at naghahatid pa ng pagkain dun sa squatters are. demn. (nakakaawang eksenang)






It seems na may peliks na si Ms. Lilia na sya ang focus. Di na sya extra. 


Ang post na ito ay pagbibigay pugay sa institusyon ng pelikulang pinoy. :D Heheheeh. Sana kahit may edad na si ms. Lilia ay humaba pa ng slight ang life span like Dolphy. ehehehe.

Note: Ang mga larawan ay hango sa facebook fan page ni ms. Lilia:
http://www.facebook.com/#!/pages/Lilia-Cuntapay/72959206396

O cia, hanggang dito na lang muna, TC!