Kamustasa kalabasa?! Restday ko na ulit kaya may time na me na makanood ng asian peliks. Ehehehe. Kaya di ko na patatagalin pa at di na me magpapatumpik-tumpiks pa. heto na!
Kung nagbabasa nga kayo ng titulo ng post, marahil nabasa na ninyo na may pamagat na Love Julinsee ang peliks. But wait! Theres more! Kung gusto ninyo na weird name ng title, pede din syang 'Love at 4 size'. Pero kung gusto nio lalo ng mas kakaiba, edi kunin ang real name na 'Ruk Man Yai Mak'. o pili na ng gusto mong title!
Kung nakapamili ka na, let's go sago and lets hurry strawberry na sa wento ng peliks. Ito ay dibayddebay sa apat na short wento. oo apat.... parang 3 in 1 + 1....apat. Bakit 4? Ma! Malay ko kebs ko!
Ang pokus ng peliks ay teenage love. Oo, sila na ang teenage mga hinayupaks na yan. hahaha. hambitter ko lang kasi di na ako teen at di ko naheksperience etows nung teen ako. lechegas!
So anyway highway, ito ay may four stories (hindi po yung palapag ng gusali). Una ay wento ng malandi guy na inask yung girl for a joy ride somewhere tapos akala nia makaka-home-run sya at mapapabagsak nia ang bataan at magkakaputukan like new year. no-no-no! Iba ang nangyari.
Second istory ay isang gerlay ang niligawan ng isang boy sa iskulilits. Naglandian ng slight tapos naging sila. Woops... kelangan daw mag-abroad ni guy pero nangako na magiging sila padin. Aba... nagvivideo kol pa ang dalawang magjuwawits. May pesbuk din silang nalalaman. Pero... pero.... ano etits? Si guy may hinahaliparot at hindi pala umalis ng country. paktay.
Pangatlong wento ay ang magjowanger-z na na nag-aaral ng cultural ek-ek dance sa iskuwilahan. Malantod si gerlay at nais niyang pagselosin si guy. Ayun. Nagselos nga... at nagkatampururutan ang malanjutay na jowa. magkakabalikan kaya?
Last but not the least ang wento ng magberks turned lovers. Pano pag ang friend mo ay nagtapat sa iyo na may gusto sya sa iyo? isa yan sa paksa pero ang struggle (naks may struggle na nalalaman) sa wento na natandaan ko ay nagalit si girl nung hinalikan sya ni boy. Ang manang naman ni girl! Syosyota-syota sya, tapos halik lang, nag-inarte na! lols
Rating ng movie...... 7. Oo, tama ang nababasa ninyo. Palakol ni diva lang ang score nito. Bakit? E sa gusto ko e. joke lang. Okay na sana, medyo nakilig me ng slight at napangiti pero medyo ang konti at shallow ang story ng teen love nila. ewan ko. Akala ko may twist sa bandang dulo na like super kunek-kunek ang apat na lab istories pero waler. Ayun.
So hanggang dito na lamang. TC!




