Showing posts with label malaysia. Show all posts
Showing posts with label malaysia. Show all posts

Saturday, August 4, 2012

Leo Palace and KL Tips


Yo! 2 days to go at restday ko na! Weeeeheeee! For today, ishare ko lang ang 2nd place na pinag-istayan namin with the foodies na nikain and some tips sa KL.

Hokay, nasabi ko kahaps na after ng accomodation namin noong day 1 and 2 sa RW Genting, lumipats kami ng hotel sa ikatlong araw. Doon kami sa isang hotel sa KL mismo. Ang namesung ay ang Hotel Leo Palace.













Okies naman ang room, sakto lang kasi sandali lang naman kami mag-stay dahil 2:30 ng madaling araw ay check out na din kami dahil sa super aga ng flight back to pinas.

Ang chaka lang dito ay ang CR, sorry Leo Palace pero nawierdohan lang ako na ang inidoro ay tapat ng shower mismo. Like, seriously, medyo hindi maayos ang pagkaka-arrange ng something sa takubets. Kumbaga sa 9gag, *insert genius meme here!

Pero infairview, bumawi naman ang Leo Palace sa food nila. Meron kasing kainan sa baba na part din ng hotel so dun na kami nag-lunch at dinner. Inferness kasi keri ang price.

Lunch:









Dinner:





Yung last picture na nasa taas ang bet ko kasi lambchop sya. Grabe, hontogol na akong di nakakatikim nun so ng matikman ko sya ulit, nyamnyamnyam, keber ang kulo-kulo ng tyan. :D

Eto naman ang mga napansin ko during my travel/lakwatsa at nais kong magbahagi ng tippy-tips.

1. Make sure na may dala kayong medicine for different possible sickness. Though may Watsns na nagbebenta ng gamot, iba padin ang epektus ng gamot from one country to another. (yung gamot sa LBM nila, walang talabs sa akin.)

2. Makipag-bargain sa taxi, pero kung ayaw makipagtalo, sige, go na langs. lols

3. Every RM1 counts. Hehehe. Gastusin ang ipinapalits na pera. Wag akong gayahin na naipon at di ko na nagamit yung ilan sa RM1. :p

4. Medyo grumpy at bugnutin ako during the trip siguro kaya din me nagkaroon ng mga bad experience like sakit and nawalan ng camera. Good karma goes to good people. 

5. Mas mahal ang mga pabango sa Duty Free ng Airport. Jusme, mas mura pa yung nasa catalogue ng Air Asia. 

6. Mag-CR na sa hotel dahil hindi lahat ng establishment ay may good CR. Though may water, who knows kung makakajackpot ka sa squat type na CR. (btw, ang tawag nila sa CR ay Tandas.)

7. Mga valuable items dapat nasa hand carry bag. Baka mangyare sa inyo na mabuksan ang bag na chineckin even though may sticker from airport (Dito nasira yung bag ko na sapilitang pina-check in ng ate ko, ayun, nawala yung zipper at nawala yung keychain sa bag ko).

8. Enjoy the moment! (eto ang hindi ko masyadong nagawa, so i really really suggest na gawin nio) :D


O cia, hanggang dito na lungs. Take Care folks! Superb Saturday sa inyo!


Friday, August 3, 2012

Batu Caves and Petronas Tower

Hey! Good day! Friday na so most peops now ay handa na mag-partey-partey! TGIF mode na! Naks! You already! Well, 3rd day ko pa lang so 2 days pa bago ang restday ko. :p

For today, ipagpatuloy na natin ang adventure sa Kuala Lumpur. Okies ba yun?

So nag-end ang day 2 kahaps, so let's go to the 3rd day. Kahit naka-ilang tablets na ako ng gamot sa LBM ay medyo sick pa me pero kailangan na bumiyahe.

Dapat maaga kaming bababa papuntang main city kaso ang problem ay 2pm pa ang check-in time sa next hotel na tutuluyan.

SO around 10 na kami nag-check out sa RW genting at nagpunta sa bus station para bumiyahe. 

Note: 30 minutes ang interval ng mga vengabus pababa ng Genting Highlands to KL Sentral so dapat medyo maags kayo. Another thing, Mas konti ang taong kasabay pababa mga morning time dahil ang mga tourist ay paakyat or papunta pa lamang ng RW Genting ng morning to afternoon.

After 1 hour ng byahe pababa, nakabalik kami sa KL sentral at nag-taxi na lungs papunta sa next hotel.


Note: kontratista ang mga boxi so bibigyan ka nila ng price at ikaw bahala kung accept or reject ang offer. Ang offered price sa amin ay RM25 (para sa aming 4 medyo bigsized folks, so pwede na dins).

After mailagays ang anik-anik sa new hotel, kumain muna kami ng tanghalian saka boxi ulit papunta sa next desti, ang Batu Caves. Boxi nanamans at same price ang binayarans, RM25. Travel time ay 20 mins. lang. Actually pede kayong may LRT kaso babalik pa sa KL Sentral.

Ang Batu Caves ay syemps Caves or kwebs tapos may ginintuang statwa ng kanilang deity named murugan.


Sa mga tamads, pedeng magpapicture-picture lungs sa statue sa labas. Sa mga may energy mas happy, pedeng umakyat dun sa hagdanan papunta sa loob ng caves. (choose wisely.)

Since may balak ako dat time na magpaka-travelblogger/photographer-wannabe e imakyats ako para kumuha ng mga shots. (as i said, nawala ang cam so eto ang shots from my sister's cam, good thing may souvenir pics)






Kakahingal ang pag-akyats pero keri naman, kahit uber tagaktaks ang pawis-pawis sa katawans. Mag deo ang mga aakyat kasi mababaskil kayo at baka mangamoy ang unerarms. For damit, nokw, humanda ang pagbabaskil. hahaha.

Meron pang isang green hindu goddess kaso di na napicturan ng ate ko (sayang talaga yung shot kow!!! hahahaha). Pati yung mga monkey-monkey-annabelle na kakalats-kalats walang shots.

Note: Umurong yung LBM ko sa Batu Caves kasi Squat type ang CR. Tapos yung nag-iisang seat-type na cube ay di man lang na-flush, kader-der!

Next stop namin ay ang famed Petronas Tower. Boxi ulit kasi baka magkanda-ligaw-ligaw kami via train or vengabus. Same ulit ng presyo ang boxi (ayaw ata nilang makontrata ng below RM25).

Ang Petronas Twin Tower ay ang tallest building noong mga panahong 1998-2004 kaso natalo na sya ng ibang building. Pero inferview, sya padin ang record holder sa tallest Twin tower.

Syemps kelangans may picture ang pamilya at solo pic. :D




After nian, free time at kanya-kanyang laboy sa loob ng mall para mamili. Well, naghanaps ako ng One Piece toy for my collection kaso medyo fail. Meron lamang sila One Piece keychain. Okay sana kasi hindi iyon na-release dito sa pinas kaso mahal sya. Kung sa ph, 100 petot, sa KL, nasa 140 petot (oo, nanghinayangs sa 40 petot diff).

After magshops ang mga folks, labas ulit kami para makakuha ng pic ng Petronas tower ng madilim at may ilaw-ilaw effect ang tower. heheheh. Kahit 8pm na, medyo maliwanag pa ang kalangitans. dipa totally dark sky.



At syemps, boxi pabaliks sa hotel na nagkakahalagang RM25 din (metered taxi). So same lang din pala halos ang charges.

O cia, dito nagtatapos ang day 3 adventure sa KL, Ang day 4 ay walang latoy kasi yun na yung byahe ng madaling araw papuntang airport kasi 6:45am ang flight. At yun din ang dreaded day na naiwan sa boxi ang digicam.

Take Care folks!

Thursday, August 2, 2012

RW Genting..... Day 2 sa KL

Hey!Waraps! tapos na kahaps ang day 1 ng paglamyerda sa malaysia kaya namans sa ikalawang araw naman tayo mag pokus. hehehe.

Day 2, nasa Resorts World Genting at naka-check in sa Theme Park hotel. Foggy ang gabi dahil from 6-11am ay sobrang kapal ng hamog. Parang zero-visibility. Maginaws ng todo.

 Akala mo may sunog? Hamog yan mga 10am, medyo pawala na.

Eto ang araw na hindi umaayon sa akin ang tadhana dahil eto ang time na nag-LLBM me. Grabehan. Sirang-sira ang stomach kows. It's so growling tiger ang kukurugkug ng tyans.

Pero kahit pa ganun, the tour must go on, at buti na lungs at di kami byabyahe from one place to another. Libot-libot sa RW lang ang trip.

Unang spot na pinekpektyuran ay ang entrance ng outdoor theme park sa resorts world. Syempre picture mode. Lilitaw na for this day si Capsule kaso diba nga, hindi ko pictures ang featured dito. Hays. :p




Note: Mag-jackets at pants kung ginawin, pero kung kasing laki ko kayo, baka may slight immunity na kayo sa cold weather. :D

Di na kami pumasok or bumili ng pass para sa outdoor theme. Parang EK ang peg nito. :D


 
After makakuha ng souvenir pic ay punta naman kami sa indoor theme park ng RW. Medyo malayo ng slight ang lakarin pero keri naman kung hindi pa sakitin ang joints nio at buto-buto. 



Since lunch time na ng mga oras na ito, kumain kami sa Hot Pot na parang shabu-shabu ang peg. Ayun. Kahit kumukulo ang tyan, go lang ng go! Pero syemps, konti lang kinain ko, hindi dahil diet kundi for personal reason. :p






After makakain, humiwalay ako sa fam ko para makapaglibot at kumuha ng shots ng buong resorts world (saka ayokong kasama ang ate at mom ko dahil matagal magshopping-libot yun, ubos oras). Napagod ang legs and feet ko kalalakad at kahahanap ng mga eksena/tanawin ng buong resorts world pero huhuhuhu, no pictures na maipapakita. :(

Nuong gabi, nag-take out na lang ng food at sa hotel kumain dahil dito naman ako tinamaan ng lagnat kasama ng LBM. Oha, kombo ang sakit. taragis.



At dito nagtatapos ang day 2 ko sa KL. Nanghihinayang ako sa mga shots ko kasi A for effort ako sa paglalakad at pagkuha ng mga tanawins. o well, can't cry over spilled milk. Heheheh.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!

Wednesday, August 1, 2012

My My My.... Malaysia

Back to work na ako after ng 9 days na pahinga. So medyo pagbalik ko ay inasikaso muna ang task ko sa opis. Saka na ang pagbackead ng 9gag. Since medyo idle sa mga oras na ito kaya naman naisipan ko na simulan ang wento ng bakasyones sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Note: Ang mga larawan na gagamitin sa post ay sa camera ng ate ko dahil nga nawala/naiwan sa taxi sa malaysia ang digicam ko.

Ang flight namin papuntang KL ay around 11am at ito ay sa paliparan ng DMIA (sa clark, pampanga). So mga 5am pa lungs ay naka-ready na kami at mga 6am ay nag-aantay na kami ng bus papuntang clark sa may Megamall.

tip: Mag-CR na at ibuhos ang lahat ng sama ng loob sa bahay dahil walang CR na malapit habang nag-aantay ng bus. Echusera ang mga establishment na malapit dahil ayaw magpa-CR).

note: Transpo fee from Megamall to Clark ay 400 petot.

Pagdating sa DMIA, Check-in ng mga baggage at bayad ng terminal fee at security fee (400+200 petot). Wala na ang dreaded Travel TAX kasi kasama na sa booking (buti naman at di kasama ang TT).



 Hawak ko pa ang gigicam ko :(


 Inaantok/pagod mode

Ang byahe ay tumagal ng 3 hours and 45 minutes, so almost 4 hours kung kasama ang pila-balde sa immigration and stuff.

tip: Maige kung nakapagpa-book online ng food para may makain or may dala kayong mangangatngat, else, matulog na lang sa mahabs na byahe.

Pagdating sa airport ng KL named LCCT (i-google na lang ang meaning), nagpasyang kumain muna kasi tomjones na. Kumain muna kami sa foodstore named Marrybrown (ang parang jalibi/kfc ng MY).





Then bus ride papuntang main city ng KL. (btw, ang LCCT ay parang DMIA din, so malayo sa syudads). Ang sasakyan dapat ay ang Airbus papuntang KL Sentral. Ang pamasahe ay 8 RM.


Ang byahe from LCCT to KL sentral ay aabutin ng isang oras. Kung nasa tabi ng bintana, pedeng mag-picture ng mga tanawins sa KL.

Pagdating sa KL sentral, may mga mag-oofer sa inyong taxi kung sakaling pupunta kayong Genting Highlands/ Resorts World Genting. Pero this byahe, nag bus kami at ang pamasahe each ay 4.30 RM.


around 1 hour ang byahe tapos idrodrop kayo sa Genting Skyway. Bale, pipila balde kayo saglit (possible 15 mins) ng another bus (wala ng bayad) na didiretso sa Resorts World bus station. 



After ng roughly 20 mins, andun na kayo sa RW Genting. Nakadating kami mga around 9pm na. So di na kami masyadong nakalibot at diretso hanap na sa hotel namin para magcheck-in.

note: Maliwanag sa KL kahit na around 6 or 7pm (parang hapon lang dito sa atin). Ang dilim ng gabi ay nagsisimula mga 8pm ganyan.



Naligaw kami ng slight kasi malayo pala yung hotel na tutuluyan namin. Ang name ng hotel ay Theme Park Hotel kasi katabi ng outdoor theme park sa RW Genting. Ayun, nakakaduling sa gutom at pagod sa paglakad.

tip: Pack light lang. saka mag-jacket kasi malamig sa RW Genting, parang Baguio/Tagaytay ang lamigs.



After 15-20 mins, nahanap namin yung hotel at nakapag-check-in na. Dalawang room ang inokupahan namin. Hindi sya aircon kasi malamigs na dito. After ng makapag-unpack saglit ay bumaba lang kami sa lobby at doon ay may makakainan na.







At dito na nagtatapos ang day 1 adventure sa Kuala Lumpur. Salamuch sa nagtyagang magbasa kahit mahaba ang post. :D Take Care!