Showing posts with label mothers day. Show all posts
Showing posts with label mothers day. Show all posts

Sunday, May 12, 2013

Mother's Day!

It's sunday! At ang araw na ito ay ang araw nanaman ng mga Mom, Mother, Mudrax, Mama, Mommy, Mamita, Nanay, Inay, Ina, Mumma at kung ano pang katawagans. Today is Father's Day! Char! Mother's Day syemps!

At dahil bago lang ako sa blog world at di pa kayo nakakabasa ng mother's day post mula sa akin... hahahah, pakita ko lang ang larawan naming mag-ina. nyahaha


Sa mga matagal na napapadpad sa bahay kong ito, malamang sa alamang knows nio na minsan ay nagrarants ako sa mudrax ko. Normal lang yun. Wala namang perpektong mom-son relationship. Syemps may times talaga na maiinis, magtatampo, magagalit, mashoshock ka sa mga anik-anik thingies na sasabihin or gagawin ng mom mo. That's pretty normal.

Pero kahit ganuns, kelangans labs padins natin ang ating mga momma. Imagine, kung wala sila, pano ka? Nganga?? Kung hindi ka niya dinala sa kanyang sinapupunan atyare sa iyo?

Though di man ako expressive much sa kilos at salita, labs ko ang mudrax ko. 

Kaya sa iyo mudraxs, Happy Mother's Day!

Happy Mother's Day nadin sa mga ilaw ng tahanan na napapadpad dito sa aking bloghouse. Hapmadersdei din sa mga asawa/partners ng mga male visitors dito. Same din sa mga nanay or ina ng mga singles na napadaan dito. Isama nadin natin ang mga lola at nanay ng lola para kumpletos rekados na!

HAPPY MOTHER'S DAY mula sa Kwatro Khanto! Take Care folks!

Saturday, May 12, 2012

The Mudrax Post

Mother's Day na pala bukas! Wow. Kung hindi pa ako nakakabasa ng mother's day blog post sa mga sinusundang mga bloggers ay malamang sa alamang ay dehins ko mapagtatanto na araw na ng mga ina bukas (possible na ngayon kung may 13 na).

For today.... ibabandera ko sa bloghouse ko ang aking mudrax. Oo, sya yung tinatawag naming nay tapos binago namin at tinawag na mommy pano kasi ang mga kaklase sa school noon ay puro mommy ang tawag sa kanilang mudrakels. :p

Meet Simang....

O ha, hontoroy ng necklace!
 At ang outfit.... omo-orange! Pongkang na pongkang!

Joke lang, hindi simang ang name ng aking mudrax. Yan ay codename lang base doon sa pinapanood namin noong teleserye sa channel 2. Yung role ni Eugene Domingo na sidekick yaya ng isang teleserye star. Hawig kasi niya si Uge.

Di ko na babanggitin ang namesung ng mudra ko para kunwari anonymous mother. 

Ang aking mudrax ay da best para sa akin. Kahit na tila nagpapampam at nag-iinis na kailangan ko na daw mag-ka-anaks and stuff, labs ko yans.

Di ko ba mamahalin ang mudrakels ko e noong nasa gradeschool ako at naiwan ako ng school service, isang tawag ko lang sa opisina nila ay byabyahe mula opisina papuntang Cainta para sunduin ang kawawang tuta? Tapos sya ang laging gumagawa ng exmuse letter ko pag feel ko lang magsakit-sakitan sa iskul. Sya din ang walang sawang bumibili ng happy meal collections ko noong bata.... Halos nakukumpleto ko lagi ang toys dahil sa mga pasalubs nia.

Kahit na nagpupumilit magparinig minsan ang mudra ko na mag-abroad daw ako (kahit ayaw ko), at kahit na nagpapapampam na mag-kaanak na daw ako para may apo na sya (jowawits nga, wala pa e), Labs ko yans.

So mudra, Happy Mother's Day.

Happy mother's day din sa mga Inay, nanay, mama, Nay, ma, mother, mommy, mudra, okasa, at ano pa mang tawag sa kanila....... Happy Mother's Day!

O cia, hanggang dito na lungs muna. TC!!!

Saturday, May 7, 2011

Simple Greeting Lang


Di ko alam kung bakit tuwing nagpopost ako nung mga hot sexy toys ay bigla akong walang mapost kinabukasan or for the next days. Siguro sign yung ng micro hiatus ko. Hahahaha.

Well alam ko namang medyo purga na ang mga madlang pips sa mga mothers day post kaya gagawin ko lang itong plain and simple.

Happy mothers day sa aking mommy. Sa mga mother ng mga friends, co-blogger, kakilala and etc. Same goes sa mga asawa ng mga friends, co-blogger, kakilala and etc. At lastly sa mga inang mga friends, co-blogger, kakilala and etc. Kailangang medyo inuulit lang. ahahaha.

 (daddy at mommy ko)

Syempre, isasama ko din ang mga mothers na kailangan din i-greet. Kaya Happy Mothers Day kila............

Mama Mary

Mother Earth

Mother Lily

Mother's Day Party sa Mother Ignacia!!!!

Bukas laban ni Pacman at Mosley kaya di ako magpopost. Not a fan of boxing. :p TC mga pipol! Happy mothers day sa lahat!