Friday, June 4, 2010

Pantasya (Day 2)



Ang nakaraan sa Pantasya, si Hagord ang unang natanggal at na-eliminate. (Galing Dito)

Nagbalik na ang Tribe ng Pinoy at Internationals sa kani-kanilang mga campo at naghanda upang makapagpahinga. Bukod sa pagchichillax at paghahang-out, nagpasya ang bawat grupo na mag-ayos ng kanilang tirahan. Gumawa ang tribo ng pinoy ng bahay na yari sa dayami. Subalit nasinghot ito ni Rosalka at nagpa-huff and puff at nahatsingan ang bahay at gumuho. Gumawa sila ng panibago at ito ay yari sa buhangin. Pagdating ni Agua, hinaplos nia ang buhanging tahanan at ito ay gumuho dahil nasobrahan sa tubig. Napagpasyahan nalang na gawa sa kawayan ang titirhan nila. Sa kabilang dako, sa Internationals, Nagpatawag si Jun Pyo ng tauhan nia para gawan sia ng matitirhan. Solowista ang mokong. Di nagpatalo ang reyna, may i command si Queen Seon Dok at inutusan si Onizuka na gawan sila ng tahanan. Sunod-sunuran ang virgin teacher na si onizuka. Para malambot ang tutuluyan, Inubos ang balahibo ni Aguiluz at ginawang bedsheet at pillows. Naiwang parang ginalis ang kawawang taong ibon.

Dumating ang day 2 at oras na para magsagupaan ang dalawang tribo. Ang challenge ay for reward at immunity. Para sa reward, makakatanggap ang winning team ng trip to Jerusalem package which includes 8 specially crafted chairs kasama ang isang de-bateryang radio para sa tugtog. Syempre, ang matatalo ay haharap sa tribal council at malalagasan ng isang miyembro. Dahil sobra ng isang miyembro ang pinoys, nag sit-out o hindi lalaro si Lola Gets. 

Ang challenge ay Agawan buko sa putikan. Ang unang makakapuntos ng tatlo ay siyang mananalo. Unang nagharap ang dalawang babae ng bawat grupo. Para sa pinoy si Agua at Rubi, sa International naman ay si Sam soon at Marimar aw!. Sa unang salpukan ay nag-pasiklaban na ang mga girls. Tumakbo si Rubi at inagaw ang buko. Sinunggaban ng hebigat na si samsoon si Rubi at down! Kinuha ni Marimar aw! ang buko upang dalin sa goal pero nabangga sia ng malaking putik. Si Agua, naging taong putik. Inagaw ang buko at dinala sa goal. 1 point para sa mga pinoy!

Next match ay 2 boys at 1 girl. For Pinoy, Momay, Elias paniki at Lizardo. For International ang lalaban ay sina Aguiluz, Jun Pyo at Shan cai. Nagtakbuhan ang mga pinoy, di alintana ang putik. Takbo at sunggab at pasa sa buko na nanlilimahid sa putik at dumi. Sa kabilang dako, Nanghihina ang walang balahibong si Aguiluz. Di makatakbo at nandidiri sa kanyang itsura. Si Jun Pyo ay ayaw madungisan ang laba sa tide na damit. Tanging si Shan Chai ang nakikipagbuno sa tatlong kalaban. Inilabas ni Shan chai sa bulsa ang red tags at ikinabit sa nuo ni Elias. Kinain lang ng paniki sa bandana ni elias ang red tag. Inihagis ni Lizardo ang buko at pinasa kay momay pero wala.... Di kaya ni momay ang buko kasi ghost sia. Nagsariling sikap si Lizardo at binigyan ng ikalawang puntos ang tribo.

For the win na ang Pinoy. Next round ay all members na. Ibinigay ang hudyat at tila umuulan ng putik sa paligid dahil sa pagmamadali ng bawat miyembro ng pinoy na makuha ang buko at manalo ng Trip to Jerusalem. Gumawa ng diskarte ang mga pinoy at napagkaisahang patumbahin muna ang kalaban bago kunin ang buko. Sumugod si Rubi at sumayaw muna. Nagbanggit ng mga katagang " Apir-Apir-Apir, hindi na uso yan, Wisik-wisik na lang, masdan nio ang byuti ko, tataas ang kilay nio!, moahahahaha". Naakit ang puso ni Onizuka at tila na-brainwash at di na nakakilos. Nainsecure sa atakeng iyon si Marimar aw! Hinahanap ni Marimar aw! sa putik ang isang friend(Corazon) subalit bigo. Tinalo namang ng Agua-mud splash sina Jun Pyo at Sam-soon at nabaon sa putikan. Kumilos ang cyborg na si Asero at pinataob sina Shan chai at Seon Dok. Sa bandang huli, tanggan-tanggan ni Rosalka sa kanyang likod ang buko. Pinoy Wins reward and immunity.

Humantong sa tribal council ang natalong koponan. Nagbabalik ang mga taong sawi sa dalawang challenges. Sadyang matatag ang alliance ng mga babae at di matinag. Since nakuha na nila ang kailangan kay Aguiluz, Ang ikalawang natanggal sa Tribo ay ang taong ibon. 

Itutuloy.........................

4 comments:

  1. aw. baka kasi international shows na pinapanood mo pabs.

    ReplyDelete
  2. hi,
    i need a favor from you.
    i am launching a contest in blog about baby photo contest. i just need your favor to promote it on your blog so i can attract more participants. you also may be interested, your entry is most welcome

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???