Ang nakaraan:
Day 3 na sa bawat kampo ng pinoys at international. Masayang-masaya sa side ng mga pinoy kasi nilampaso nila sa back to back challenges ang mga internationals. Nagpaparty ang mga tao at ineenjoy ang buko habang nagsusun-bathing ang mga kababaihan including the bagets lola; Lola Gets. Ayaw ma-dry ni Agua kaya tambay sa tubig lang sia habang minamasdan ang seksing si Rubi. Di magkandarapa ang mata ni Elias Paniki at ni Lizardo sa nakikitang view kaya di nila mapigilan na ma-L; ma-Libang. Si Asero naman ay jumajackpot kasi may kakayanan na makapamboso ng palihim.Umalat at nasuya ang mga lalaki sa pinoy tribe ng maibaling ang kanilang paningin sa isang side ng beach kung saan nakadapa si Rosalka habang feel na feel at nagmamaganda gamit ang two-piece na hiniram kay Rubi.
Sa kabilang dako, Lonely at depress ang mga talunan sa tribo ng mga internationals kasi di nila mawari kung paano sila mananalo since bawas na nga sila. Ang mayaman na si Jun Pyo ay tila wala ng energy at bagot na bagot na. Ayaw kumilos, ayaw maghanap ng pagkain, ayaw maligo. Walang silbi sa camp. Nagkaroon ng pulong ang mga babae sa international tribe at kinonfront si Jun Pyo.
Queen Seon Dok: "Oi, Jun Pyo! buhay ka pa ba?"
Sam Soon- "Oo nga, galaw-galaw ng di ka ma-stroke!"
Marimar: "Aw! tumulong ka naman sa gawain dito sa camp, magbantay ng apoy o maghanap ng kahoy!"
Shan Cai: "korekted by! wag kang tamad! Sobra kang tamad! ubod ka ng tamad! Your such a sloth!"
Umusok ang ilong ni Jun Pyo. Di na nakatiis. Akala mo ay bulkan sa pagsabog. Bigla nyang hinarap ang apat na girlash at nagbitiw ng makabagbag-damdaming linya.
Jun Pyo: " Yes, i am Sloth! But i'm the best sloth in town!"
Nagtaray ang conyong anak ng burgis at nag-walkout.
Makalipas ang tatlong oras, nagkita na ang dalawang tribo para sa kanilang immunity at reward challenge. Unang nag-entrance ang winning team. After nun, isa-isa ng lumakad papasok ang mga internationals. Inanawns na si Aguiluz ang natanggal sa tribal counsil. Di na nabigla ang mga pinoys kasi nakita na nila na binalatan ng balahibo ang kawawang mulawin.
Bago pa sabihin ang mechanics ng laro, nag raise ng kamay si Jun Pyo at ito ay nagsalita/tumula/kumanta.
Jun Pyo: "And now, the end is near, and so i face, the final curtain."
Nawirduhan ang mga castaways. Lahat ay nagulat sa pinagsasasabi ng mayaman na lalaki ng internationals.
Ang mga babae ng pinoys ay nagsitaasan ng kilay. Ang iba ay nagtakip ng tenga habang ang iba ay tila walang pakealam sa ginagawang act ni Jun Pyo.
Ang mga babae ng pinoys ay nagsitaasan ng kilay. Ang iba ay nagtakip ng tenga habang ang iba ay tila walang pakealam sa ginagawang act ni Jun Pyo.
Nagbitiw ng ilan pang kataga si Jun Pyo.
Jun Pyo: " I think i better leave right now. Before i fall any deeper. I think i better leave right now, feeling weaker and weaker. "
Host: "So anu ibig mong sabihin sa mga pinagsasabi mong kumag ka?"
Jun Pyo: "Adios, Patria, Abugada! I am Sorry. Gusto ko pong mag voluntary exit!"
Host: " Anung rason mo? Sure ka na ba?"
Jun Pyo: "Sure na! Ayokong pinamumukhang sloth ako!"
Host: " Jun Pyo! You are the weakest link, GOODBYE!"
Umalis ang mayamang international habang di pinapansin ang bulungan ng mga kapwa players. Sumakay sa yacht ang nag-exit na tao at unti-unting pumatak ang ulan.
Ano kaya ang mangyayari sa Internationals? Matutuloy pa ba ang challenge? Itutuloy!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???