Tuesday, September 21, 2010

Pokemon Generations

Every now and then ay tila nagta-time travel ang isip ko at bigla nalang akong nagiging isip-bata. I know it sounds crazy pero wala akong magagawa kasi ganun talaga ang nangyayari. Anyway, while browsing the internet, at naghahanap ng games, natalisod ako sa site ng pokemon. Yep, napadpad ako sa website ng mga poks este pocket monster.

Sa site na aking napadpadan, muling nanumbalik ang show na ipinalabas sa GMA 7. POKEMON. gotta catch 'em all. Yan ang kinahibangan kong show nung first year high ako. Nalulong pa nga ako kasi pati ang trading card game nito ay sinubok ko din.

Actually, sa sobrang pagka-addictus ko ay binili ko sa quiapo ang series nito. So for todays post, heto ang mga larawan ng mga starter pokemons mula nung unang inilabas ito hanggang sa bagong set na inirelease sa japan.


1. First Generation- Bulbasaur, Charmander and Squirtle
Sila ang first set. Favorite ko dito ung dino na may apoy sa buntot. Napaka-cute lang talaga. :D


2. Second Generation- Chikorita, Cyndaquil and Totodile
Walang masyadong stunning sa tatlo. 


3. Third Generation- Treecko, Torchic and Mudkip
Medyo naging okay ang itsura nila. Na-cutan ako dun sa Butiking green.


4. Fourth Generation- Turtwig, Chimchar and Piplup
Medyo down ang dating ng mga pokemon. Wala akong natripan sa kanila.


5. Fifth Generation- No namers 
Ito ang mga bagong pokemon at sadly, mukang di kagandahan ang itsura ng dalawa.

Grabe, todo na pala ang pokemon, from the initial 150 pokemon ay more than 500 na ata sila. Hays, time flies.

7 comments:

  1. Waah! ayus lang bumalik sa pagkabata parekoy! ganun din naman ako XD

    Favorite ko din ang Pokemon, though di ko pa talga natatapos yung series pero natapos ko na yung Yellow and Blue version nyan sa Gameboy. Pag may time ako, lalaruin ko pa yung ibang version like silver and gold. saka yung pearl.

    Favorite kong generation is yung first and second gen. Yung fifth gen, parang nawalan na ng creativity ang artist na gumawa ng cute na pokemons lols

    ReplyDelete
  2. @fielkun, tama ka, sa fifth gen parang bara-bara nalang. Parang crossbreed ng digimon at pokemon :D

    ReplyDelete
  3. LOL. Masasabi ko lang na maaari kong masabi na pokeaddict ako. :D Ang panget pakinggan.

    Mayroon pong pangalan iyong mga starters ng fifth generation kaso wala pa silang english name, kasi kakarelease pa lang niya sa Japan. Respectively, sila sina Tsutarja, Pokabu, at Mijumaru. Wala pa silang official english name, however.

    Galing! :D

    ReplyDelete
  4. Para sakin the best pa rin ang original na 150. Tapos medyo natuwa ako nung naging 300 kasi parang ang cool nung mga nadagdag. Tapos later on may bago na naman... tapos meron ulit.... naisip ko parang ang OA na. tapos meron na naman. And di sila maganda. Hahaha. Oh well. Pikachu pa rin fave ko at si Snorlax. Hahaha.

    ReplyDelete
  5. Una lang yung natapos kong cartoon series tapos yung 2nd gen naalala ko sa gameboy ko na sila nakilala tapos yung the rest wala na.. naguluhan na me.. hehehehe

    ReplyDelete
  6. First generation lang ang kakilala ko at yang fifth generation eh parang kung ano na lang ang maisip nila idrowing, may mukhang baboy pa hehe naalala ko logo ni paps.

    ReplyDelete
  7. @michael, salamt sa info.

    @glentot, mukang binaboy ang fifth gen, bara-bara

    @poldo, nag gameboy ka din pala ng pokemon

    @robbie, yeps, best ang first gen

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???