Showing posts with label shohoku. Show all posts
Showing posts with label shohoku. Show all posts

Saturday, June 4, 2011

Khanto Pick: Slam Dunk


Last wednesday at kahapon, ako ay walang pasok at during that time wala akong ginawa kundi mag net at manood ng TV. Nakatutok ako sa anime at doon ko muling nakita ang muling nagbabalik telebisyon na anime ang Slam Dunk.

Ewan ko kung parang tinataon na mainit ang basketball/NBA lately dito sa pinas kaya ibinalik ang palabas na ito. Though i am not a basketball fan, etong anime/manga na ito ay naging part ng childhood ko kaya naman pasok to sa aking pick.

Ang Slam Dunk ay isang manga na ginawang anime na pumatok sa telebisyon noong 90's. Una itong ipinalabas sa channel 5 pero nawala. After ng ilang years na-acquire ng GMA at doon mas nagboom ang kasikatan ng anime na ito.

Nakailang ulit man at laging nagrereturn of the comeback ang anime na slam dunk, hindi padin nawawala ang appeal nito. Kaya balikan natin ang mga karakter sa anime at ilang info. :D


1. Takenori Akagi
Ang team leader ng basketbol team na Shohoku. Siya ang dark skinned parang black japanese na ewan sa court. Ang big man na gorilla sa court. Ang kuya ng crush ng bida. Jersey number 4.


2. Kiminobu Kogure
Ang vice team captain ng team. Sya ang kadalasang sub kapag kailangang magpahinga ang isa sa mga top 5. Sya ang player na nakasalamin. Si Boy Labo. Jersey number 5.


3. Hisashi Mitsui
Ang dating MVP na napariwara pero nagbabalik sa court. Siya ang 3 point shooter ng team. Dating na-injure sa tuhods pero nakarecover at nagpakitang-gilas. Number 14 ang jersey.


4. Ryoya Miyagi
Ang pinaka maliit pero pinakamabilis sa team. Sya ang point guard at malupit sa pagdribble at pagpasa ng bola. Sya ang naging next captain nung grumaduate si Akagi. May numerong 7 sa Jersey.


5. Kaede Rukawa
Ang rival ni Sakuragi. Siya ang prodigy sa team. Magaling subalit medyo snob at tahimik. Siya ang small forward ng team. Siya ang may madaming fans at madaming karibals. Jersey number11.


6. Hanamichi Sakuragi
Ang pinaka bida sa anime. Ang basagulerong bata na naging basketbolista. Ang player na pula buhok. Kahit medyo newbie ay lumalabas ang pagiging henyo sa oras ng kagipitan. Jersey 10 ang gamit niya.

heto naman ang ilan sa mga other caharcters na naging part ng anime.


-Coach Mitzuyoshi Anzai
Ang dating tinawag na White-haired devil. Sya ang coach ng Shohoku team at sya ang tumatayong ama ng lahat pagdating sa paglalaro ng basketball.


- Haruko Akagi
Siya ang love-interest ni Sakuragi. Kapatid niya ang gorilyang si Takenori Akagi. Sya ang naging dahilan kung bakit napasabak sa larangan ng basketball si Sakuragi.


-Ayako
Sha ang parang manager ng team. Sya din ang kras ni Miyagi. Siya ang nagturo ng basics kay Sakuragi noong nag-uumpisa pa lang siya.



-Sakuragi Gang
Ang mga barkada ni Hanamichi Sakuragi. Sila ang madalas kumantyaw sa bida pero sila din ang fan ng Shohoku team.

Heto naman ang tatlong team na nkalaban ng Shohoku:

 Team Ryonan

 Shoyo Team

Kainan Team

At para kumpletuhin ang mga info, may nakita akong storya sa net na ang Manga/ Anime na ito ay inspired sa totoong buhay so therefore may totoong Sakuragi. Heto ang larawan sa ibaba.


Ang wento ng realsakuragi ay maaaring mabasa dito sa blog na nakita ko: click here

So masyado ng mahaba ang post na ito kaya tatapusin natin dito. Hehehehe. :D

Start of the week ko ngayong sabado at i will be working ng 6 days straight. So goodluck to me. ehehehe. Smiling Saturday sa inyo. :D