Showing posts with label spice girls. Show all posts
Showing posts with label spice girls. Show all posts

Friday, June 8, 2012

Spice Girls!

Before pa nagkaroon ng sexbomb sa pinas, bago pa sumikats ang pussycatdolls sa US, meron munang limang chikabebs na sikats noong 90's. Sila ang grupo na tinatawag na Spice Girls!


Spice Girls,sila ang all-girl (akala ko noon may gay sa kanila base sa mga chismis ng mga kaklase) grupo na sikats sa mga kanta with dance choreo na makikita mo sa music video tv na MTV. Sa mga radyo ay mga tugtug din nila ang maririnig plus sa mga eskwelahan, ang mga kanta-sayaw nila ang mapapakinggan tuwing nag-eeksersays.

Power Rangers?

Kung hindi nio narinig ni isang kanta nila, malamang sa alamang isa kang taong nagkulong sa tuktok ng mt. tralala at tinakpan mo ng bebolgam ang ears mo kaya di mo narinigs.

So sino-sino nga ba ang mga members ng Spice Girls? Eto, kilala nin nio...


1. Scary Spice-Ang orig name nia ay Melanie Brown or Mel B. Pero yan na ang naging code name nia. Sino bang di matatakot at maiiskerd kung may makikita kang babaeng shaggy, malago at kulots ang hair tapos kumombo pa sa chocnut-colored skin tapos madalas ay naka animal prints ang damit.


2. Sporty Spice- Isa pang Melanie sa grupo. Sya si Melanie Chrisholm. Bakit sporty? kaakibat na sa namesung or codename, mahilig sya sa sports. Saka active sya at nakakapag tambling-tambling pa.



3. Ginger Spice- Eto naman ay ang codename ni Geri Halliwell. Sya ang babaeng may matingkad na hair color na akala mo ay nagbabaga ang buhok. Sya ang laging kung ano-anong style ang damit.


4. Posh Spice- Eto yung napangasawa ni David Beckham noong nagkawatak-watak na ang grupo. real name nia ay Victoria Adams. Akala ko noon sya yung bakla kasi medyo creepy at high-class ang peg nia sa grupo.


5. Baby Spice- Syempre merong may pa-tweetums at innocent charming sa grupo at yan ang role na ginagampanan ni Emma Bunton. Sya din kasi ang pinakabata sa lima.

Ano nga ba ang ilan sa mga kantang napasikats ng Grupong Spice Girls?

-Wanna Be



-2 Become 1



-Who Do You Think You Are



-Spice Up Your Life



-Stop



-Viva Forever



-Goodbye



Amportunately, after reaching fame, nabuwag ang grupo noong kumalas ang isa... Si Ginger Spice ay umalis and after noon, and after isa pang album na na-released, nagpaalam na yung grupo.


Nagkaroon pla sila ng reunion after years ng pagkakahiwalay at ang larawan sa taas ay ang matured versions ng spice girls!

O cia, hanggang dito na lang muna, nagbalik-tanaw lang tayo sa mga icons noong circa 90's. TC!