Showing posts with label subic. Show all posts
Showing posts with label subic. Show all posts

Tuesday, April 23, 2013

Pahangin sa Anawangin Day1

There's no such thing as being born into this world to be alone!- quote from One Piece

Mga bandang 3rd year ng nakilala ko tong mga taong to (except sa isa na kaklase ko from 1st year) at di ko akalain na ang mga bagong lipat sa skul namin ang siyang mga ka-klose ko even after namin grumaduate.


Makalipas ang sampung taon ng pagkakaibigan, nagkaroon din kami ng chance na magkaroon ng lakad lagpas Antipolo (ang common hometown nila).

January pa lang ay pinagplanuhan na ang gagawin since uuwi yung isa naming kaibigan mula sa work somewhere sa desyerto. Daming pinagpilian pero nauwi sa planong mag Zambales since di pa nakakadating doon ka karamihan.

Nagkaproblema man sa original plano, nagawan ng paraan. Sabi nga, pag gusto may paraan..... so walang atrasan... tuloy na-tuloy ang lakad!

Last thursday, April 18, nagplano na magkita-kita ang lahat sa may bandang SM North Annex dahil doon kami pipick-upin (uu, pinick up po kami.... char) ng tour group na syang bahala sa van, tour etc papuntang anawangin... eto ay ang group called ' Gone Wild Campers'. So Sakay mode kami sa Gone Wild Venga Van.



Around 11 na kami nakadating sa Pundaquit, San Andres. Nag-bangka ng roughly 20-30 mins para makadating sa anawangin cove.

 Sa Pundaquit, nag-aantay ng bangka









Since yung group tour ang bahala sa kakainin namin, naghantay na lang kami sa pagkain na ihahain nila. Ang iniluto for us ay Chicken Adobo with Adobong Kangkong with bagoongs. At dahil mahaba din ang nilakbay namins, napadami kain ko. lols.

Sa bandang hapon, after mag power nap ang ilan or maglublob sa tubig ang iba, nag trekking naman kami. Maygas..... Kakapagod ang umakyat.

Imagine lalakad ka sa dalampasigan tapos aakyat ka ng mabatong bundokish, dadaan sa medyo matalahibs na daan. Pero kahit nakakapagods at nakakahingals, sulit namans sa view na makikita.











Feel ko nag-shed ako ng madaming punds sa pag-akyat kasi A for effort ang pag-akyat. Akala ko nga naging size 30 na ang waistline ko. Nyahahaha.

Pagbalik namin sa campsite, ligo-ligo at banlaw-banlaw pantanggal pawis na bumalot sa amin sa nakakalerks na trek. After nun, ready na ang tents at ang inihaw na liempow with buttered veggies.




At para tapusin ang araw..... may bonfire, marshmallow roasting, kwentuhans at inumans. :D






Madaling araw na ng matapos ang happenings. Mga may amats na ang tao, yung iba borlogs na at yung iba, sa buhanginan na natulog. hhahaha.

At dito nagtatapos ang day1 adventure naming magkakaibigan sa Anawangins.

TC folks! 

Thursday, April 11, 2013

The White Rock Summer Adventure 2013

Kamonbamanos.... ebribadi lezgo! JumoJora di explora lungs. Haler folks! Kamusta? Tigil muna sa mga flashback from the past at magwewents muna me ng kaganapan last weekend.


Nahati ang restday ko last week at dis week para mag-giveway sa weekend Summer Outing sa kumpanyang pinagtratrabahuhan ko. At based sa mga previous anik-anik random post, nawento ko na sa Subic ang fly namin...... back to White Rock Beach Resort kami.


Sa opis na me natulog kasi excited me noong friday..... char lang. 4pm-1am kasi me nung friday at 5am ang pers bus papuntang subic kaya pinagsiksikan ko sarili ko sa jampak na sleeping quarters sa owpis at naglatag ng kutson sa sahig (pulubi mode).

By 5am naggora na kasama ang mga ka-team at sakay na kami sa venga bus ng Victory Liner na nirentahan ng opisina. Inisnab ko yung foodie na kasama kasi inaantoks pa me at deadma ang wifi kaya for 2 hours na byahe, nakapikits ang mata kow... Kahit nag-stop-over, deadmakels!: p

Pagdating ng Subic, register mode na at kinuha ang shirt na kasama. Bumunot din sa pa-raffle dahil umaasang manalo ng free jetski ride or banana boat ride. Kaso, mukang me-balats.... ice cream lungs nakuha kow.

By 9:30, nagsimula na yung first set ng games. Nakagroup kami by 4 teams, may green, pink, yellow and blue. Tapos sa pers part may facepainting chuvaness. And so ito ang naganap sa mukha ko. Sa tulong ng ka-team, may gumawa ng aking peslaks. (photo mula kay spiderhamm[yung may watermark])






At dahil dyans... nakapuntos kami sa pers round.... Pero hahhahaha. sablay sa mga sumunod na games. Tas merong moment na kakalibutan ko at ibabaon ko sa limots..... eto ay ang lecheng paghaharlem shake.... Maygawd... gusto kong matigoks sa kahihiyans.... eeeww....ewwww.

After ng ilang games, kain-kain din pag may time. Well, sa gutom ay wala ng picture...picture.... Kain lang ng kain hanggang mabusogs.

May game pa after lunch kaso sa inet ng araw na tiriks na tiriks na parang mga pototoys sa porn films, tinamad me na makijoin. hahaha. Mahirap matusta sa arawans.

Pagdating ng hapons, check in na sa room. Pahinga-pahinga saglits. Tapos free time na. Pedeng magswimming, mag-beach bumming, Table tennis, bowling, zipline (free langs) or makisawsaw sa mga nanalo ng Jetski ride or Bananaboat. Sa outing na to nalagyan nacheckan ang bananaboat ride sa bucketlist ko. hahahaha.

 Mapagpanggap sa jetski


 Ka-team na nagbananaboat (wala akong pic na nakasakay dito)

Mga friends sa opis

Pagdating ng gabi, social nights.... dinner, may pa-games, sound jamming at announcement ng winner sa game tas bumaha na ng nomnoman from different tables. Basag ang mga manginginom dahil umulan ng alak kasi ang prize sa games ay puro alak din... hahahah. Hanggang midnight or yung iba uminom pa sa rooms. Kinabukasan, free time padin, until lunch kasi uwian na.

At dyan nagtatapos ang adbentyur na ganap sa aming summer outing. Oks naman, masaya din. :D

O sya, hanggang dito na lang muna, Take Care!