Tuesday, April 23, 2013

Pahangin sa Anawangin Day1

There's no such thing as being born into this world to be alone!- quote from One Piece

Mga bandang 3rd year ng nakilala ko tong mga taong to (except sa isa na kaklase ko from 1st year) at di ko akalain na ang mga bagong lipat sa skul namin ang siyang mga ka-klose ko even after namin grumaduate.


Makalipas ang sampung taon ng pagkakaibigan, nagkaroon din kami ng chance na magkaroon ng lakad lagpas Antipolo (ang common hometown nila).

January pa lang ay pinagplanuhan na ang gagawin since uuwi yung isa naming kaibigan mula sa work somewhere sa desyerto. Daming pinagpilian pero nauwi sa planong mag Zambales since di pa nakakadating doon ka karamihan.

Nagkaproblema man sa original plano, nagawan ng paraan. Sabi nga, pag gusto may paraan..... so walang atrasan... tuloy na-tuloy ang lakad!

Last thursday, April 18, nagplano na magkita-kita ang lahat sa may bandang SM North Annex dahil doon kami pipick-upin (uu, pinick up po kami.... char) ng tour group na syang bahala sa van, tour etc papuntang anawangin... eto ay ang group called ' Gone Wild Campers'. So Sakay mode kami sa Gone Wild Venga Van.



Around 11 na kami nakadating sa Pundaquit, San Andres. Nag-bangka ng roughly 20-30 mins para makadating sa anawangin cove.

 Sa Pundaquit, nag-aantay ng bangka









Since yung group tour ang bahala sa kakainin namin, naghantay na lang kami sa pagkain na ihahain nila. Ang iniluto for us ay Chicken Adobo with Adobong Kangkong with bagoongs. At dahil mahaba din ang nilakbay namins, napadami kain ko. lols.

Sa bandang hapon, after mag power nap ang ilan or maglublob sa tubig ang iba, nag trekking naman kami. Maygas..... Kakapagod ang umakyat.

Imagine lalakad ka sa dalampasigan tapos aakyat ka ng mabatong bundokish, dadaan sa medyo matalahibs na daan. Pero kahit nakakapagods at nakakahingals, sulit namans sa view na makikita.











Feel ko nag-shed ako ng madaming punds sa pag-akyat kasi A for effort ang pag-akyat. Akala ko nga naging size 30 na ang waistline ko. Nyahahaha.

Pagbalik namin sa campsite, ligo-ligo at banlaw-banlaw pantanggal pawis na bumalot sa amin sa nakakalerks na trek. After nun, ready na ang tents at ang inihaw na liempow with buttered veggies.




At para tapusin ang araw..... may bonfire, marshmallow roasting, kwentuhans at inumans. :D






Madaling araw na ng matapos ang happenings. Mga may amats na ang tao, yung iba borlogs na at yung iba, sa buhanginan na natulog. hhahaha.

At dito nagtatapos ang day1 adventure naming magkakaibigan sa Anawangins.

TC folks! 

14 comments:

  1. Inggit level = 100% (alam mo na ibig sabihin nyan) hehe

    very nice, isa sa mga gusto kong puntahan din yan sa anawangin...may beach at may bundok for trek combo!!!

    nag machete look ka pa talaga ha..hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, naman! Kailangan i-flaunt ang machete body.... bwahahah

      Delete
  2. Waaahhh! Pupunta kami ng officemates ko dyan pero 50/50 ako kung makakasama. Hays

    ReplyDelete
  3. super inggit!!!! at ang slim mo nung highschool ah. nice!

    ReplyDelete
  4. ang ganda pa rin sa Anawangin :) buti na maintain kahit ang dami dami nang nagpunta :) ang saya ng inyong trip - perfect ang beach para sa weather at very good kayo sa pag trekking sa ilalim ng araw - kung ako yan nag collapse ako at gumulong na pababa :)

    ang cute ng shirt mo! at ang sexy mo na khants! :)

    ReplyDelete
  5. Huwaw, ayan yung beach na may mga pine trees sa shoreline diba?

    At talagang photo overload ng lugar ha. nice nice!

    ReplyDelete
  6. wow naman ganda anda naman nung lugar!
    haha natuwa din ako sa old pic mo!

    ReplyDelete
  7. isa lang napansin ko at napagtanto.. ang tao pag nagkatrabaho nadadagdagan ang width :) jk!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???