Ambilis ng araw. grabe. Parang kahapon lang ang halloween, christmas, new year at valentines tapos ngayon ay May na. Ambilis ng araw at ngayon ay panahon na ng mga bulaklak. Eto ang time din na merong mga sagala dahil merong tinatawag na Flores de Mayo. So for today, kailangang akmang-akma ang topic natin. Heto ang post tungkol sa mga ways para mawala ang summer heat!
Parte padin ng summer ang month of may kaya naman pasok na pasok sa banga ang tips para di kayo mainitan sa inyong kinalalagyan lalo na kung nasa pinas keo.
1. Syempre, unahin nio na ang mga bituka nio mga madlang pips. A way para ma-beat ang heat ay kumain ng malalamig na bagay. Dila-dilaan mula puno hanggang sa ulo ang napakalamig na popsicles. batiin este haluin ng maigi ang halo-halo. Magkaskas ka ng yelo para sa iskramble o kaya snow cone. Kung maarte ka at gusto ng malabulitas sa bibig, go ka for Zagu. Pero kung lasang kamay ang trip mo, try that dirty ice cream. :p
2. Kung nasa bahay ka, kung di keri ang paliligo ng 3x or 4x a day, heto naman ang maipapayo ko sa iyo. Kung ikaw ay hot na hot at tagaktak na ang pawis sa iyong oozing sexy or hunky body (oo alam ko lahat tayo ay magaganda katawan lol), gawing personal pool ang drum sa bahay. Kung walang drum, batya. Kung walang batya, timba. At kung wala talaga, sige, TABO!! lechegas! Kung maliit ang water container mo, tyagain na nakalublob ang daliri sa tubig. extra coolness sa pakiramdam.
3. Grabe ba tumulo ang pawis mo sa katawan? Pinagpapawisan ka ba sa leeg, kilikili at singitsung? Baka naman kasi sobrang haba na ng buhok mo! Magpagupit ka kaya para naman madaanan ng hangin ang iyong wankata. Try mo magpasemikalbo. Gumamit ng tyani at tanggalin ang tutsang sa ilong. Putulin ang pinapahaba mong bangs dyan sa iyong kilikili. Magtabas ng damo down there, baka kasi naging talahiban na doon kaya nagiging mainit sa pakiramdam.
4. Baka kayo naiinitan ng todo-todo ay dahil na din sa inyong pananamit. Ano ba?! Ang init-init kung makaporma ang ibang pips ay akala mo may snowstorm at balot na balot. Kailangang naka jacket kahit nasa byahe at katirikan ng araw. Patong patong pa ang clothes mo koya ate; may tshirt ka na, may tsaleko, may scarf, may mittens, may boots! Pumorma ka ng maayos. For girls, mag 2 piece para presko. Sa guys, aba, kung keri mo mag no piece/topless, fine!
5. Last sa listahan ay ang payo na wag magdididikit sa inyong crush this summer. Aba, mga koya mga ate, try mo dumikit sa crush mo at ng maramdaman mo na dodoble ang init na madarama mo. Ang init na nga ng panahon, sasabay pa ang body heat mo! kaw na! Sa pagtaas ng body heat mo at pagsingaw ng L sa katawan, sure na sure na pagpapawisan ka lalo. Sa tag-ulan na gawin ang dapat gawin para mag-init. Wag masyadong i-entertain ang tigas etits at kilig kipay. Distance distance muna! ahahaahah.
O sya, hanggang dito na lang muna. Enjoy your day! Have fun!! TC!
note: pictures galing sa google search.





