Hello! Kung nagtataka kayo kung sino si khantotantra2 na nagpost sa blog ni khanto, wag magtaka. Ako lang din yun. Kailangan lang gumawa ng paraan para magkaroon ulit ng free 1 GB na storage ng pictures. At para magawa iyon, gumawa ako ng new blogger account at ginawa kong co-author at co-admin sa aking unang account. Para-paraan lang naman yan e. :p
At dahil mukang successful ang aking tangka, ang topic for today ay Tips for success. Naks. Ahahaha. Haktwali, di naman ako ang successful para mag bigay ng tipitipitips. Bubuhos ko lang naman yung nabasa ko sa isang libro na di ko matandaan ang name at author. Wakokokok. Nakapulutan ko lang ng aral at nais ko lang naman ishare ang 12 sa 100 na binigay na payo. Wahohohoh. Yung name lang ng tips ang ingles pero binigyan ko ng sariling flavah para sa ekplanasyones na maiintindihan nio.
1. Resist the Urge to be Average
Average Joe. Yan na lang ba ang lagi mong gugustuhin sa buhay? Gusto mo bang laging nasa So-So state? Dapat daw, huwag laging nasa safe zone. Think big, dream big and win big. Wag mo daw isiping mga 5 or 6 kahaba, dapat daw mga 15 ang haba ng..... PANGARAP!!! :p
2. Take Small Victories
Hindi kailangan laging bonggang-bonggang bongbong ang iyong pagwagi at pagkakaroon ng success. Hoy! Minsan ang paunti-unti ay malaking tulong na. Kasi eventually, you're accumulating victories e.
3.Don't Keep Fighting your First Battle
Mga ate, mga koya. Wag laging nakatuon ang sarili sa unang pagsubok. Anu ka ber!!! Hindi lang yan ang challenges mo. Baka sa pagbuhos mo ng 200 percent na tinalo mo pa si Taguro sa kanyang 100%, sa next battle ay deds ka.
4. The Best Defense is to Listen
Syempre, dapats di ka lang umaatake with your words and all. Dapat may dipinsa ka. Matutong makinig at makiramdam. Dapat alam mo ang mga pagpuna at pansin ng ibang peops. Kumbaga sa kanta ni Dodong Charise...... Listen at hindi Pyramid!
5. Remember the Task, Forget the Rankings
Sa tip na ito, ang sinasabi ay kailangang memorize mo na! Parang love radio, Bisyo na to!!! Dapat tanda mo ang iyong work ethics. As long as you are doing the steps and task, magfofollow na ang rankings.
6. The Past is Not the Future
Syempre, magkaiba ang Past at Future. P at F ang umpisa ng dalawa. Pero ang lesson dito ay hindi porke't successful ka sa past, successful ka din sa future. Dedepende padin yan sa kilos mo. Aba. e kung tinamads ka after mong magtagumpay sa past, shempre may future ka sa pagiging talunan.
7. Don't Want Everything
Wag sugaps! Wag gahaman. Hindi dapat angkinin at pangarapin mapasayo ang lahat. Tandaan, hindi lahat ay nakabubuti. Saka, isipin mo nalang, pag sinabi mong lahat, included na dyan pati some nega stuff. Another point din daw ay hindi naman lahat ay mapapakinabangan mo e.
8. It Might Get Worse Before It Gets Better
May kasabihan, when it rains, it fours!! ahaha. So ibig sabihin, minsan ang ambon ay magiging ulan tapos magiging bagyo bago mo makita ang araw. Ang mahalaga, aayos din ang gusot basta may handa ng init ng plants. karugs nito ay: You'll Get Knocked Down and Then Get Back Up.
9. If You Don't Believe, No One Else Will
Aba. Ikaw dapat ay supporter ng sarili mo no. Kumbaga sa mga tokmols sa fb, dapat post mo may sarili mong like minsan. Dapat parang starstruck, dream, believe and survive. Kung alam mo sa sarili mo na successful ka, sa paningin ng iba, successful ka.
10. You'll Work Harder If You Feel Wanted
Gaganahan kang magpursige sa life kapag ang mga nakapalibot sa iyo ay kasundo mo. Kapag alam mong may mga taong nakasuporta sa iyo at nag checheer for you, may energy ka to go for the gold.
11. Money Isn't Everything
Hindi naman laging pera-pera lang ang labanan. May mataas ka ngang sweldo pero hindi mo na na-eenjoy ang pagwowork at puro ka na lang stress. Or mataas nga ang kita mo pero di ka naman masaya kasi natatambakan ka na ng tonetoneladang trabaho at humaharap ka sa super duper challenge.
12. Always Think About What's Next
Plan ahead. Hindi lang dapat plan A, dapat meron kang baong plan B, C, D, iron, magnesium at Zinc. Dapat may kakayahan kang mag-foresee at mag prepare for the next battle para matiyak mo ang iyong success.
O hayan ang labindalawang items na maaaring makatulong sa atin para magtagumpay. Sana lang may napulot kayo kahit isa. :p
Happy Mondays.
