Monday, April 11, 2011

Success!!


Hello! Kung nagtataka kayo kung sino si khantotantra2 na nagpost sa blog ni khanto, wag magtaka. Ako lang din yun. Kailangan lang gumawa ng paraan para magkaroon ulit ng free 1 GB na storage ng pictures. At para magawa iyon, gumawa ako ng new blogger account at ginawa kong co-author at co-admin sa aking unang account. Para-paraan lang naman yan e. :p

At dahil mukang successful ang aking tangka, ang topic for today ay Tips for success. Naks. Ahahaha. Haktwali, di naman ako ang successful para mag bigay ng tipitipitips. Bubuhos ko lang naman yung nabasa ko sa isang libro na di ko matandaan ang name at author. Wakokokok. Nakapulutan ko lang ng aral at nais ko lang naman ishare ang 12 sa 100 na binigay na payo. Wahohohoh. Yung name lang ng tips ang ingles pero binigyan ko ng sariling flavah para sa ekplanasyones na maiintindihan nio.

1. Resist the Urge to be Average
Average Joe.  Yan na lang ba ang lagi mong gugustuhin sa buhay? Gusto mo bang laging nasa So-So state? Dapat daw, huwag laging nasa safe zone. Think big, dream big and win big. Wag mo daw isiping mga 5 or 6 kahaba, dapat daw mga 15 ang haba ng..... PANGARAP!!! :p

2. Take Small Victories
Hindi kailangan laging bonggang-bonggang bongbong ang iyong pagwagi at pagkakaroon ng success. Hoy! Minsan ang paunti-unti ay malaking tulong na. Kasi eventually, you're accumulating victories e.
3.Don't Keep Fighting your First Battle
 Mga ate, mga koya. Wag laging nakatuon ang sarili sa unang pagsubok. Anu ka ber!!! Hindi lang yan ang challenges mo. Baka sa pagbuhos mo ng 200 percent na tinalo mo pa si Taguro sa kanyang 100%, sa next battle ay deds ka. 

4. The Best Defense is to Listen
Syempre, dapats di ka lang umaatake with your words and all. Dapat may dipinsa ka. Matutong makinig at makiramdam. Dapat alam mo ang mga pagpuna at pansin ng ibang peops. Kumbaga sa kanta ni Dodong Charise...... Listen at hindi Pyramid!

5. Remember the Task, Forget the Rankings
 Sa tip na ito, ang sinasabi ay kailangang memorize mo na! Parang love radio, Bisyo na to!!! Dapat tanda mo ang iyong work ethics. As long as you are doing the steps and task, magfofollow na ang rankings.

6. The Past is Not the Future
Syempre, magkaiba ang Past at Future. P at F ang umpisa ng dalawa. Pero ang lesson dito ay hindi porke't successful ka sa past, successful ka din sa future. Dedepende padin yan sa kilos mo. Aba. e kung tinamads ka after mong magtagumpay sa past, shempre may future ka sa pagiging talunan.
 
7. Don't Want Everything
Wag sugaps! Wag gahaman. Hindi dapat angkinin at pangarapin mapasayo ang lahat. Tandaan, hindi lahat ay nakabubuti. Saka, isipin mo nalang, pag sinabi mong lahat, included na dyan pati some nega stuff. Another point din daw ay hindi naman lahat ay mapapakinabangan mo e.

8. It Might Get Worse Before It Gets Better
May kasabihan, when it rains, it fours!! ahaha. So ibig sabihin, minsan ang ambon ay magiging ulan tapos magiging bagyo bago mo makita ang araw. Ang mahalaga, aayos din ang gusot basta may handa ng init ng plants. karugs nito ay: You'll Get Knocked Down and Then Get Back Up.
9. If You Don't Believe, No One Else Will
 Aba. Ikaw dapat ay supporter ng sarili mo no. Kumbaga sa mga tokmols sa fb, dapat post mo may sarili mong like minsan. Dapat parang starstruck, dream, believe and survive.  Kung alam mo sa sarili mo na successful ka, sa paningin ng iba, successful ka.

10. You'll Work Harder If You Feel Wanted
Gaganahan kang magpursige sa life kapag ang mga nakapalibot sa iyo ay kasundo mo. Kapag alam mong may mga taong nakasuporta sa iyo at nag checheer for you, may energy ka to go for the gold.

11. Money Isn't Everything
Hindi naman laging pera-pera lang ang labanan. May mataas ka ngang sweldo pero hindi mo na na-eenjoy ang pagwowork at puro ka na lang stress. Or mataas nga ang kita mo pero di ka naman masaya kasi natatambakan ka na ng tonetoneladang trabaho at humaharap ka sa super duper challenge.

12. Always Think About What's Next
Plan ahead. Hindi lang dapat plan A, dapat meron kang baong plan B, C, D, iron, magnesium at Zinc. Dapat may kakayahan kang mag-foresee at mag prepare for the next battle para matiyak mo ang iyong success.

O hayan ang labindalawang items na maaaring makatulong sa atin para magtagumpay. Sana lang may napulot kayo kahit isa. :p

Happy Mondays.

21 comments:

  1. Tumitips ah...pero thanks for sharing..mapag-aralan nga ang mga ito...I love number 3, take it easy..ganon ako...hehe

    ReplyDelete
  2. naguguluhan me...isang account mo ba ito? :)

    ReplyDelete
  3. Naks! Ikaw na ang guest speaker... hehehhehehe... at pumaparaan sa pagkakaroon ng additional 1GB hehehhehehehehe

    ReplyDelete
  4. At siyempre, kapag successful ka na, wag na wag kang magkakastiff neck and wag kang kung maka chin up akala mo beauty queen.

    ReplyDelete
  5. wow may pag tips kang nalalaman ha! Pero napabilib ako.. anung libro yan? kailangan ko niyan... hehe..dalhin jan ito ang una sa magiging laman ng bago kong pahina...

    ReplyDelete
  6. http://heavenknowsmj.blogspot.com/p/paborito.html -ikaw ang unang bigtime! hehe

    ReplyDelete
  7. akala ko nasa isang seminar ako about how to be successful. ahaha... un pla blog lang ito.... hanep... pupulutin ko lahat ito... ^^

    ReplyDelete
  8. Heheheh akala ko kung anong mahaba sa number 1 eh.. hahaha at naisip ko hala.. feeling ko average lang ako... gusto ko lang kase ng simple.. pero naisip ko.. adventurer naman ako minsan..kaya siguro pasado naman ako sa number 1.

    Number 2. Akala ko ako lang may kilala kay Bonggang Bonggang Bong Bong... at pinaka gusto kong tip? Money is not everything.. toink.. kahit medjo mukhang pera ako.. pero.. ewan ko.. ako lang yata sa balat ng lupa ang ayaw yumaman.. sabi ko nga gusto ko lang ng simple..

    ReplyDelete
  9. very nice! kapupulotan talaga ng aral..i love 9. If You Don't Believe, No One Else Will.. ikaw na, ikaw na ang pwedeng mag life coach..:)

    ReplyDelete
  10. magaling magaling magaling gumawa ng paraan! :D

    ReplyDelete
  11. I disagree, masarap ang laging nasa So-So state ... Alam na! LOL. Ahihihihi ... :D

    ReplyDelete
  12. THank sa tips. Ang maidadagdag ko lang siguro eto, narinig ko somewhere.

    "Feel good first."

    You can't be successful and sad at the same time. but you may feel good that even if you don't get to where you want to go, life just goes on. How to feel good? To each, his own. :D

    ReplyDelete
  13. @akoni, eheehhe, salamat :D

    @empi, oo, another account, ginawa kong admin para may extra 1 GB para sa pics

    @xprosaic, uu, pumaraan ako, mahilig kasi ako maglagay pic e

    ReplyDelete
  14. @xall perce, hehehe, na-stiffneck. :p

    @bino, kailangan e :D

    @jhengpot, 100 simple tips to be successful, yan yung naaalala kong title.

    ReplyDelete
  15. @leonrap, wahahaha, masyado ba naging serious post ko? :D

    @kamila, mahaba ang....... wahahahahaha

    @tabian, waheheheh, life coach. di ko nga masyadong ma-apply yan :D

    ReplyDelete
  16. @michael, (.)(.) state ata ang tinutukoy mo :p

    @rah, ay gusto ko yang nasulat mo! tama!

    ReplyDelete
  17. pinakagusto ko yung numero bilang ikalabing-isa!

    hehehe.. ikaw na ang tumiTIPS..lols

    ReplyDelete
  18. Uy salamat sa post na ito Khanto! Medyo nakaka-motivate. :D

    On another note, tuwing naririnig/nababasa ko ang salitang success eh naaalala ko pa rin yung commercial dati. Ilang years na ang dumaan, ibig sabihin lang ay napaka successful ng commercial na un. Hahahaha.

    ReplyDelete
  19. @kosa, salamat sir sa dalaws.

    @Robbie, ahahaha, alam ko yang commercial na yan. yan ba yung success sa pag-poopoo

    ReplyDelete
  20. I feel so optimistic right now! Nice post :D

    ReplyDelete
  21. sabi nga nila sucess is depends on you. how u handle and how u make it...

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???