Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

Sunday, June 30, 2013

Malapit Na


Ayoko na sa inyo!
Hindi ko na kayo gusto!
Kailangan na nating maghiwa-hiwalay ng landas!
Yan ang sinabi ko sa tsokolate at matatamis na pagkain.

Buti nandyan lang kayo palagi.
Mabibigyan niyo ba ako ng isa pang pagkakataon?
Maaari bang balikan ko kayo?
Ang aking winika sa prutas at gulay.

Patawarin mo ako.
Alam kong ako ay nagpabaya at ikaw ay nabale-wala
Subalit babawi ako sa iyo.
Ang aking pinangako sa pag-eehersisyo.

Heto ako, hindi basang-basa sa ulan.
Naghahanda at sinisimulan.
Ang pagpapabalik-alindog.....
Malapit na.....

*-*-*-*-*-*-*-*-*





*-*-*-*-*-*-*-*-*
 

Saturday, August 13, 2011

Paghinto ng Luha


Titigil na ako sa pagluha.
Ihihinto ang pamumugto ng mata.
Tapos na ang pagiging tanga
oras na para ako ay lumaya

Ako ay balewala sa iyo
Isang lalaking parang anino
Naging sunudsunuran sa amo
Parang kawawang aso.

Hindi mo ako napapansin.
Pag-ibig ko ba ay bitin?
Puso ko'y winisikan ng asin.
Ako ba ay isdang patpatin?

Titigil na ako sa pagluha.
Ako ay magiging malaya.
Sa hukay ako'y magiging payapa
Pagmamahal ko'y para na sa lupa.

___________________________________________________________________

Eto ay ang aking entry para sa tula contest ni blogger iyakhin.
-masyado akong natagalan kasi tinamaan ng katam. hahahaha.

o sya, hanggang dito na langs muna. busy me. hehehe TC

Monday, February 14, 2011

Happy Valentine's Day


Babati lang ng maligayang araw ng mga puso!

Monday, October 25, 2010

Usap


Isang araw, may isang grupo na nag-uusap.

Puso: Mahal ko siya. Siya ang kumabog ng natutulog kong damdamin.
Mata: Mahal ko siya dahil siya ang napakagandang imaheng nakikita.
Tenga: Gusto ko siya dahil ansarap pakinggan ang boses niya. 
Ilong: Sana ay maamoy ko siya.
Labi: Sana ay mahalikan ko siya.
Balat: Sana madama ko ang init ng kanyang katawan.

Utak: Mga gago! Artista siya. Gumising nga kayo sa katotohanan!

Tuesday, March 23, 2010

????????????


I am not sure!
I am uncertain!
There's doubt!
There's fear!

I thought that it is easy to decide!
I thought its just a simple yes or no!
I thought its like flicking your thumb!
Yet here i am, dumbstruck and stunned!

Why do i have to choose?
Why do i have to select?
Why do i have to pick only one?
The answer is nowhere to be found!

Am i a small fish?
A small fry swimming on this large pool
or am i a big fish on a tiny pond?
the answer is yet to come!

I hate this!
I hate to decide!
It's painful yet i can't feel anything!
It's a burden that i cant swing!

Some will say follow your heart.
Some will say follow your mind.
Some will say follow your dream.
I dont know what my scheme.

Tough....
Hard.....
Excruciating.....
Currently deciding..................

Thursday, September 17, 2009

Pagkikita


Di ko alam kung anung nangyari
parang nawala sa sarili
mula ng nakita ka
nagbalik ang ala-ala

kay tagal narin pala
huling pagkikita
dito sa may kalsada
ikaw ay naka bisikleta

natatandaan mo pa ba?
noong tayo ay bata pa
laging mukhang tanga
nakatambay sa bangketa

sana ay dumating ka
sa oras ng pag-iisa
sana ay muling makasama
kahit minsan pa