Showing posts with label zsazsa zaturnnah. Show all posts
Showing posts with label zsazsa zaturnnah. Show all posts

Monday, January 30, 2012

Zsazsa Zaturnnah: Sa Kalakhang Maynila

Hello blogosphere and hello world! Andito nanaman ako para magbigay ng review-reviewhan. Hindi po peliks ang aking ibubuwalas dito sa space na ito. For today, isang comics ang featured.


Last november, naplug ko na dito sa aking bloghouse yung unang comic book na ZsaZsa Zaturnnah. O, kung di nio nabasa yun, pede nio i-click yung link. hehehe.

Kani-kanina lang, napadaan ako sa National Bookstore at tumambad sa akin ang tila karugs ng unang book na ZsaZsa Zaturnnah kaya naman di na ako nagpatumpik pa at binili ito.

Kung nakita ninyo ang cover, may nakalagay 500. Joke yun. Mura lang ang libro, nasa 180 petot lang na katumbas ng normal pinoy books/comics.

Oks, let's proceed with the story. Naks... me ganun.

Natapos ang book 1 sa pagplano ni Ada (ZsaZsa Zaturnnah) na magpunta sa maynila. At doon na dudugstungans ng new book ang wento. 

Dito sa wento ipapakita ang past relationship ni Ada sa isang lalaking inabuso sya... verbal and physical atsaka isama mo na ang emotional kahit spiritual.. lols.

Dito din isinaad na medyo hesitant pa ang bida sa pag-ibig na inaalok ni Dodong. Nagdududa sya na baka manawa, ogag at pakshet ang lalaki.

Sa maynila makikipagsapalaran ang dalawa at sa maynila mapapasabak sa new chapter. Makakalaban ni Zaturnnah ang isang giant ipis habang nasa isang gay pageant ng isang tv show na pang-masa.

Sa wento din makikilala ni Zaturnnah ang isa pang hero. At sa pagtatapos ng book, inaalok siya na maging partners ang dalawa.

Ang score for the book ay 8.7. Okay padin naman pero medyo serious pero nakakatawa pa din naman.

Good Points:
-Nakakatawa yung laban ni Zaturnnah laban sa Ipis na malaki. Lalo na yung may gamit syang malaking tsinelas.

-New costume, sarimanok style. :p

-Nakakatawa yung pag-attempt ni Dodong na isubo yung bato... di niya kaya, tas si Ada, expert kasi anlaki ng mouth. lols.


Not so good points:

-Wala si Didi, yung bestfriend ni Ada. 

-medyo dragging yung part na hesitant si Ada to welcome his/her lablayp. Na Trauma kasi.

All in all, oks ang book.

Pahabol, tila ang wento ni Zaturnnah ay nahati sa 3 books kasi base sa cover, may nakalagay na Bilang 1 sa tatlong bahagi... 

Oks, hanggang dits na langs muna. naglalaro pa ako ng Marvel Alliance eh. TC!

Saturday, November 12, 2011

ZsaZsa Zaturnnah!

Hello! Kamusta! Weekends na at oras nanaman para ang mga tao ay mag-saya dahil oras ng pahinga nila. For me, aantayin ko pa na matapos ang saturday at sunday bago ako magkaroon ng time to relak and tek a brek.

For today, wala pa din tayong peliks na ipropromote pero this time ay book mode naman.

pic galing sa google

Etong featured book for today ay matagal ko ng nabasa sa bahay ng HS friend ko mga 6 or 7 years na ata ang nakakaraan (kung tama ang pagbibilang ko. hahaha). Since ngayon lang naman me nag-uumpisang magkaroon ng kakayanan makabili ng libro ay ngayon lang ako nagkaroon ng sariling kopya ng libro.

Kung nakita mo ang larawan sa taas at ang title ng post, siguro naman di na kayo magtatanung kung anong pamagat ng libro. Unless super slow ang understanding mo at akalain mong si Darna yung nasa larawan... Mali ka! Si Zsazsa Zaturnnah po iyan.

Okay... Ang synopsis ng book ay tungkol sa isang bakla na parlorista na habang kumakanta ay nabagsakan ng isang falling object. Ang bato ay sinlaki ng avocado (estimate) na kailangan nya isubo ng buo para maging supah-hero.

Sa libro ay ipagtatanggol ng bida ang bayan nya (bayan lang, wag mag-inarte na buong mundo ililigtas!) against sa Amazonas na nanggaling sa ibang planets. 

Ang libro or mas mabuting sabihing Graphic Novel ay super nakakatawa. Nakaka-tanggal stress at nakakatanggal ng bagot. :D

Makikilala ninyo ang sidekick ng bida na si Didi at ang mga kontrabids na sina Dina B., Sharon C., Nora A. at Vilma S. Wahahaah.

Iskor ay 9.5! Wohoooo. Almost perfect. Bakit di naging 10.... Kasi yung cover ng libro, parang madaling nababakbak. Lols. 

Added info, dahil sa ganda ng book, ginawa ngang play / peliks. Alam ko sa play si Eula Valdez ang gumanap tas sa nahanap ko sa youtube, si Zsazshing na!


O Sya, hanggang dito na lang muna! TC!