Saturday, February 5, 2011

Khanto Review: Bulong


Medyo tinamaan ako ng stress, ng depression at sadness last week after kong magkasakit kaya i decided to watch a movie. Oo, ako na ang madaming kaartehan sa buhay na nadarama right after sickness. Ano magagawa ko, tao lang. So anyway, Kahit medyo tinatamad ako sa antok ay nagpunta padin ako sa tambayang mall para dun sana manood ng movie pero amportunetly ay wala sa Megamall ang pelikula na trip ko. May feud padin ba ang star cinema at sm malls? So lipad ako sa kabilang mall at doon ko napagpasyahan na mag last full show sa sinehan. Thus, bumili na ako ng ticket ng pelikulang....... Bulong.

Woooops, kung may balak kayong manood ng bulong at ayaw nio ng ni katiting na detalye ng movie, pede nio muna isara ang browser o kaya skip na at dun sa dulo ng post ipagpatuloy ang pagbabasa. wahehehe.

Sabi nga sa kanta ng Pusakatdals, Be careful what your wishing for because you just might get it, cause you just might get it, coz u myt jas gerit. Eto ay tungkol sa isang kasabihan about wishing sa patay na magiging another genie-geniehan. Si Konan na ginampanan ni Vhong Navarro ay na-inlababo sa girlet na wala namang type sa kanya. E nalaman niya yung pamahiing ewan na bubulong sa dedbols kaya ayun, nag dead hunt sya para makapag careless whisper at mag wish. But apparently, may naging kapalit ang wish niya. And thats for you to find out.

Kung irarate ko ang movie, bibigyan ko ito ng kartada otso hanggang 8.7. Madami-dami ang nakakatawang eksena at medyo okay naman ang mga horror/gulat scenes. Maganda din ang takbo ng wento nia kaya may kataasan ang score.  May mga misses lang kaya naging otso. Nakapanira kasi yung digital graphics sa bandang huli. Pero though iba ang naging takbo ng wento kumpara sa preview, mas on the good side naman ang difference kaya oks naman ang score all in all.

To end this review, eto ang isang quote na napulot ko sa isang bookstore habang naghahanap ng librong pedeng mabasa na maaaring mairelate sa movie na bulong. 
'Each Laugh makes you 10 years younger'.... Nood na para matawa at mawala ang problema.

10 comments:

  1. ok dahil dyan tomorrow papanoorin ko yan indeed! sorry nagskip read ako.. kinontinue ko lang hanggang dun sa rating.. kartada otso hahahaha..

    ReplyDelete
  2. wala akong planong panoorin pero nag skip read ako.. ayoko matakot.. hahahaha.. you know me.. matatakutin ako.. hahaha..

    ReplyDelete
  3. kakapanood ko ang din knina. hehe

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  4. hihintayin ko na lang sa mga pirata. haha.

    ReplyDelete
  5. hgahah hihintayon ko nalang sa pirated cable namin..w aheheh

    ReplyDelete
  6. ibang movie ang pinanood namin... hehehe

    ReplyDelete
  7. Ayoko ng mga ganyang movies. Kung horror, horror lang dapat,, iyon lang naman ang habol mo sa mga horror e, iyong hindi ka patutulugin.. :D:D:D:D

    ReplyDelete
  8. @poldo, napanood mo na ba? hehehe.

    @babaenglakwatsera, di sya horror, comedy :D

    @kikilabotz, nakakatawa db?

    ReplyDelete
  9. @superbalentong, mga next week meron na siguro

    @kikomaxx, kung sa cable baka matagalan, dvd dpat

    @empi, anong movie?

    ReplyDelete
  10. @michael, hehehe, combination tong bulong, horromedy

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???