Thursday, May 31, 2012

Prinsesa

Aking ina..... mahal kong ina..... pagmamahal mo aking ina.... Yakap mo sa akin.... hinahanap ko......init ng pag-ibig.... kumot ng bunsooooooo....... Sa gitna ng pagkakahimbing.........yakap mo ang gisising!!!! (mula sa cartoon na REMI)

Ayan, kung sino mang napakanta sa mga statements sa itaas ay may posibilidad na maka-relates sa taong featured for today. Ang mga royalty ng cartoons sa umaga. Ang prinsesa na knows ng mga batang 90's..... Si Princess Sarah.

Simulan na natins, Okay?


Sinong di nakakakilala kay Sarah Geronimo? Diba, sya yung kumanta ng Abihuetengporyu! Chos! Syemps hindi naman ang popstah na si Sarah G. ang nitutukoy ko. Ang aking nais banggitin ay si Sarah... ang prinsesa ng mga dyamante!

Nakilala ang batang si Sarah ng lumabas sya sa telebisyon ng ABS-CBN. Mula sa mayamang pamilya at dinala sa isang all-girls dorm para mag-aral. Bongga ang batang ito dahil hongtoroy-toroy ng mga eklaver nia sa katawan. Maganda ang room and stuff.

Pero dahil bilog ang utot este mundo, nawalang parang bula ang yamang nadaranas ni Sarah kasi nategi ang tatay nia sa minahan. At ang sumunod na nangyare ay naging aliping saguiguilid ang peg ng bata. Minaltrato, at ginawang chimay ang prinses. poor-poor little girl. Buti na lang at pang-batang cartoons to kung hindi naibugaw pa ang munting princess.


But wait, ders more (international cigarette.... that's the taste of magic.... the magic taste of MORE!). Syempre hindi lang naman sa pang-aapi matatapos ang lahat. Dahil nga ang buhay ay parang gulong, mula sa hirap, yumamans ulit sya dahil ang father ni Sarah ay may kumpare na mayaman at yun ang kumupkop kay sarah.

Eto ang isa sa mga cartoons na nakapagpapakulo ng dugo at nakakaantig ng mga bagets na nakanood nito. Imagine, isang kiddielets ang naglalaba, nagluluto, namamalengke at ano-ano pa kasi naging pulubs sya.

To dig deeper sa cartoon na ito.... heto ang mga characters na talaga naman nakaapekto (nakaapekto talaga?) sa viewers.

Sinong di naawa sa kasama ni Sarah na chimi-a-a sa paaralan? Syemps nahabag at kinurut-kuruts din ang mga pusu nia sa pang-aapi kay  Becky (di po sya baklush at di member ng bekimon).


Andyan din ang laging nabubully na mga batang yagit na kampi kay Sarah. Ang kaklase nila na sina Emenguard at si Lotti (oo, wrong spelling, di ko matiyak ang spelling ng mga namesung nila, Mea Culpa!)


Syempre, kailangan may labteam ang bida.... andyan si Peter. (inperness, hindi sila katulad ng mga PBB TEENS, walang hug, hug, kiss, kiss)


Andyan din ang mga nakakapagpakulo ng dugo dahil sa mga pang-bubully sa bida.Andyan ang putragis Trio na sina Gertrud, Jessie at Lavinia. (pasensya, di ako makahanap ng pics nung dalawang extra)

Andito din ang mag-asawang epaloids na pahirap sa buhay ng bida. Andyan si Mr. James at Mrs. Molly. Ang mga putragis na grown-ups. (walang larawan, rare monsters kasi tong dalawa!)


At wala na atang mas hihigit pa sa walang puso at walang kasing sama na si Ms. Minchin! Ang teacher na pakingshits!


Teka, teka, teka...... may hahabol daw sa pila ng characters.. Ang chaka doll este manika ni Sarah na si Emily.

Overall, grabe ang impak (impak? As in impakta?) ng cartoon na to. Ito ang isa sa best seller cartoon ng 90's!

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

note: images napulot mostly dito

Wednesday, May 30, 2012

Random Wednesday

Good Morning sa inyo. How's your day? May nais sana akong post kanina kaso bigla naman me na nawalan ng will and powers kaya naman imbak muna sa draft yun.

For today, rarandom eklaver muna me. Gusto ko lang maglabas ng mga nasa isip ko. Clearing up muna. Medyo nagiging makalat kasi lately.


1. Lately, ansakit ng paa ko. Yung tipong kapag naipahinga mo sya tapos bigla kang tatayo or maglalakad, para kang pipilay-pilay maglakad. Di ko alam kung eto ay dahil sa flat shoes/sneakers na sinusuot ko sa opis.

Sabi ng doctor nung nagpa-physical exam ako, baka daw dahil sa katabaan ko kaya ganoon. Baka daws di na kaya ng paa ko ang body weight so ang burden ay napupunta sa talampakan. 

Yun daw ang probability, pero pag nagkataons, baka daws rayuma na to, or sobra na sa uric acid. Sana hindi. Ayoko ng arthritis.

2. Kahit na lagpas sa 6 hours ang tulog ko, ang katawang lupa ko ay parang pagod na pagod at antok na antok ang pakiramdam ko. Yung feeling na parang drained cellphone ka tapos di ka na-cha-charge.

Di ko alam kung dahil ba sa init ng panahon tuwing tanghali kaya kahit mahabs ang tulog ko ay parang walang epeks. Di kaya ng aircon ang init ng kapaligiran. :(

3. May bumabagabag sa akin. May napansin akong kabalastugan na ginagawa ng isa kong ka-team. Nagiging habit nia na, straight 6 days na niyang ginagawa. Di ko masumbong at ma-report kasi occasionaly, or paminsan-minsan, nagagawa ko din yung ganong pandurugs. :(

Nagdadalawang-isip me kung i-rereport ko yun kasi alam ko yung term na 'Walang Basagan ng Trip'. Saka guilty din ako sa mga kabalastugan sa opisina so di ako pedeng magmalinis dahil kahit ako naging kups noong mga nakaraang month. 

Siguro ayaw ko lang na nalalamangan ako. Kumbaga, ang masama ay galit sa kapwa masama. Tapos it takes one to know one. 

4. Natetempt akong bumili ng voucher para ma-experience ko naman ang Manila Ocean Park. Feeling ko ang ilan sa mga school sa manila, doon nagfifield trip at kahit mga bata-batuta e na-experience na yun. Gusto ko din ma-try.

Alam mo yung napapasilip ka sa metrodeal.com tapos nakikita mo yung different package para sa pagpunta sa Oceanpark at nais mong makapamasyal sa lugar na yun. Anhiraps.

5. Na-sad ako ng slight kasi nalaman ko na conflict pala ang bohol trip ko sa Toycon 2012 this June. Paano ba naman, nasa bohol ako ng 14-16 tapos ang Toycon ay 15-17. So 1 day lang ako makakapunta ng event. E ang problema, minsan, wala ka ng mabibiling good toys sa 3rd day ng toycon. Madalas, ubos na ang mga rare toys.

Alam ko na mas worth it ang bohol pero syemps, as a toy enthusiast, gusto ko din makahagilap ng pandagdag sa one piece collection ko. :D

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Tuesday, May 29, 2012

Sabado de Gala

After ng iblog8, may iskedyul pa akong lakad kaya naman from UP ay byahe na me papuntang Mandaluyong upang i-meet ang mga mga old ka-teams.

A few months ago, nakabili ako ng voucher sa Metrodeal para sa Laser Tag at napagdesisyunan na i-set ang game ng sabado ng gabi since majority ng mga peops ay available that time.

Naka-set ang Laser Tag game ng 8pm so by mga 7:45 ay andun na kami sa Greenhills. Pito dapat kaming maglalaro pero unfortunately, ang isa ay di makakapunta dahil pumunta sa DPP at yung isa ay late dahil 7:30pm ay nasa byahe pa.... 8pm ay nasa Munoz pa lungs.

Pero the game must go on kaya naman ginamit padin namin ang voucher at nagpatuloy. Since hindi pantay ang number at kami lang ang andoon, instead of having a team game, nagkaroon ng royal rumble sa pagitan naming 5.



Ang 15 minutes ay parang uber tagal (di ko alam kung dinagdagan dahil kami ang last customer: pero hindi pa pala, kasi may humabol). Drenched at pagod kami after.

Since tumagaktak na parang nahukay na waterpipes ng Maynilad ang katawang lups, at napagod, kain mode naman ang aming ginawa. Within the vicinity, pinuntahan namin ang Peri-Peri.

 (L-R)JanAc, PercinethA and HelenV

(L-R)LolijimG, AngeloS and IrmanC









After ng nakakabusog na manok, nag-nomnom kami saglit sa Chivz (isang bar sa GH). Syempre, catching up. Maganda sana yung place pero biglang naging loud yung music tapos ewan ko, yung waiter nila para slow. hahaha. Nag-tig-isang rounds lang tuloy kami.Saka wala kaming group pic.... tamads si koya. Di nya kami narinig ng nag-ask kaming magpa-pic.





Magkakape pa sana kami kaso di na kaya ng prowess ko. Halos 24 hours na akong gising kasi mababaw lang tulog ko last time. So we decided to call it a day.

At dyans nagtatapos ang kaganapang last saburday. hehehe. Hanggang dits na lungs muna. TC!

Monday, May 28, 2012

The iBlog8 Experience

Kamustasa? Good Monday sa inyo! So, kamusta ang nagdaang weekend? May gala ba kayo? Naglaboy or nagpahinga lang sa bahay? Hopefully ay okay at olrayts namans kayows. :p

Last Saburdei, nabanggit ko naman sa last post ko na ako ay umattend ng isang blog event. Ito ay ang iBlog8.  Dapat sa day 1 ako pupunta kaso pagod from work atsaka parang mas feel ko yung topics sa Day2 (since di naman ako nagbloblog for moolah e)

Na-eksayt ata ang katawang lupa ko sa event kaya noong gabi ay parang ambabaw lungs ng sleep ko. Lutang mode ako nung umaga na parang galing lang ng shift. Pero kahit parang pagod ay fly padin (talagang fly?) at bumiyahe na papuntang UP Diliman para sa eventus.


Lagpas 8 ako dumating at akala ko ay latesung na me pero mukang maaga pa iyon dahil 8:45am ang pinaka-umpisa. At since early bird lang, medyo nakahanap ng magandang pwesto. Sa gilid near exit. (para hindi nakaka-abala kung mag-c.cr or lalabas)

Medyo likas at nangingibabaw ang mahiyaing side ng pagkatao ko kaya naman sa gilid lang ako nakapwesto at di na ako umeksena at lumipat sa pwesto ng kakilalang sila AXL at RJ. 

The first 2 topics nung morning ay ang Soul of Blogging ni sir Rem at Politics of Blogging ni Ms. Janette. The first topic ay kung paano dapat may soul,passion at inspiration ka sa pagbloblog then the second is about mga samu't-saring politikang nagaganap sa blogosphere at paano makakaiwas ditows.

Then after the 2 topics, am snacks na! Nyahahaha. oo, kailangan kasama sa wento ang pagkain. OJ (orange juice) at ham and cheese sandwich from Mcdo (love ko To! Nag promote???)

After ng panlaman tyan na meryenda, tuloy ang mga blog topics. Ang next ay panel on blog writing. May taklong guest speaker. The first speaker ay si Sir Wendell na nagdiscuss on how to be inspired in writing. Oo, kelanguns inspirado! Next is si sir Bien na nag-share about Public Narrative! Like this kind of post ko ngayons, Narrative ang peg! At last ay si sir Marcelle, ang nagshare on how to write blog comedy kahit hindi ka isinilang ng nanay mo na isang comedyante. (hindi tayo mga clown ng iluwal sa vajayjay ng mother natins!).

Right after the three panel ay syemps, gutom nanaman ang anaconda sa pituka kaya time for lunch. Syempre, bigay padin ng sponsor na Mcdonalds ang food at this time, Chicken Mcdo with Apple Pie at OJ ang nikain namins. 

Mahiraps lang humanap ng pwesto kasi mabilis napuno ang ang mga tables kaya diskarte na lang sa pagkain. (magiging choosy pa ba sa pwesto, pwede naman kumain ng nakatayo  at nakapatong sa parang veranda ang food).

After lunch, about edublogging naman ang naging diskusyon. On how teachers should blog. Ang guest speaker ay si sir Noel na isang teacher. (napaisip ako, pasok kaya sa edublogging ang blog ni Teacher Mots na Teachers Pwet?) Sinundan naman ito ng talk about how we can make our blog stand out by sir Victorino.

and then panel ulit and this time, it's about social media. Apat dapat ang speakers pero MIA (missing in action yung isa. hehehe). First is about Social Media Marketing Shiznit. Kung ano yun.... medyo di ko alam kasi eto yung taym na inaantoks me dahil tanghali tapos busog pa. 2nd is about Optimizng Blog thru Social Media. Shaks, tinamaan ako ng alzeimers at amnesia. Both session 1 and 2 ay medyo limots ko na. Omaygawd! Pasensya. Last is Social media in Business and advocacy. Eto may recall pa ako ng topic. Yung about how you can use social media sa kumikitang kabuhayan lalo na kung boom na boom na boom ang followers mo at friendships mo online.

Shepherds, mahaba ang panel topic kaya may break ulit. This taym, cheeseburger and OJ uli (di ko na nakain dahil busog pa me atchaka nag-kape ako mala sa free kopi.... Di pwede magsabay ang kape at OJ... di keri ng tyan ko ang mixed drinks).

Second to the last ay ang Social Media Legal Issue by Atty. JJ. Informative ito kasi it tackles about ownership ng work, mga copyright, plagiarism eklavoos and more. Nakakaaliw din sya sa pagbibigay ng info on what's our right at kung ano-ano pang bagay.

Last topic ay about Health Blog. Ang nagtalakay dito ay isang registered Nurse blogger na si sir Alvin. Dito itinuro na marami ang mga nagchecheck ng info about sakits and stuff online kaysa ang magpacheck-up sa mga docs so ang mga health blogger ay dapat careful-careful sa mga anik-anik na ipupublish online.

Then bigayan may raffle at fortunately ay nanalo me ng iBlog shirt! Hooray! Kahit di sya kasya, magpapapayats me para masuot yun (kaya kaya ng powers ko ang magpapayat? hahaha).

Overall, lamang ang good points sa mga na-experience ko sa event. Though may mga kaganapan na medyo annoying for me (like yung may kuya na magtatanong sa speakers/guest pero wagas kung mag-ingles! Hirap na hirap na sa wikang banyaga e sige, ingles pa din! Sige kuya... ikaw na ang inglisero, ikaw na ang gustong sumama sa venga bus ng call center agents. Inlisin mo pa!!!)

Di ko na tinapos at inantay yung photo-ops kasi may hinahabol me na oras (ambilis kasi minsan tumakbo ng time) at may lakwatsa pa ng gabi.

9 out of 10 ang ibibigay kong score sa na-experience ko sa iblog8. Worth my time sya at natuto ako. :D Kudos sa bumuo ng event at sa sponsors.

note: Pasensya at walang pics. Nahiya akong magpipicture ng anik-anik kaya wala akong mga pics. :D At para sa complete names ng mga speakers nung day 2, heto yung link.

O cia, hanggang dito na lang muna. Happy Monday sa inyo mga peops. TC!

Saturday, May 26, 2012

Rem's Virgin Island Hotel

Kagagaling ko lang sa iBlog8 kani-kanina at nag-aantay lang ako ng oras kasi maya naman ay makikipag-laser tag naman me with my previous teammates.

Pero before ko ishare ang mga panyayare sa dalawang eventus na iyon, tapusin ko muna ang Puerto G. adventure ko. heheheh.

For today, ibida ko lang naman at ilagay sa spotlight ang hotel na aming tinuluyan. Ito ay ang Rem's Virgin Island Hotel.

Yung isa naming kasama na si chacha/chariz ang nakahanap at nakatagpo sa pinag-isteyan namins.

So heto ang larawans ng aming tinuluyan.



Kasama sa hotel ang free wifi (na hindi ko gaano na-enjoy kasi wala akong charger. Nalowbats agads me!) Libreng pag-gamit ng pool (pic below), Free use of Billiards and videoke. Kasama din ang free picture ng doggy dog na pandakekoks at ang unggoy nila. ahihihihih.





Ang good thing sa tinuluyan namin ay accomodating ang may-ari ng hotel na si kuya Rem. Cheerful sya at bibo tapos ma-PR sa mga guest. Tapos nag share pa sya ng inspiring lesson kasi yung hotel nia, ay ang kanyang goal simula ng 19 pa lang sya. Pinag-ipunan nia sa work ang ipinagpatayo sa hotel at hindi sya magastos, Imagine, di sila natutulog sa hotel at bagkus sa isang maliit na kubo-kubo lang sila.

Sa day 3, since bangenge nga sa alak, ang umaga ay inilaan na lang namin sa pagpahinga at pagrerecharge. Hilo pa ako at buti na lungs at may bonamine. Kahit wala pa sa byahe, uminom na ako, pangontra hilo! :p Tanghaling tapat na kami nagbyahe pabalik ng manila.






At dyan nagtatapos ang Puerto G. Escapades with college friendships. Hopefully may next..... Ito ay ang niluluto at binabalak na pagpunta sa Coron, Palawan.

O sia, hanggang dito na lang muna. TC!

Friday, May 25, 2012

Gora sa Galera

Since tapos na ang idol moments at alam na ng madlang pips kung sino ang nanalo.... go na tayo sa karugs ng kaganapan sa Galera eskapo.

Natapos ang day 1 na natulog ako ng maaga habang ang mga girls ay naghahanap ng boylets sa dalampasigan. Umuwi silang mga bangenge ng slight kaya naman ang umaga ng sunday ay natuon lamang sa pagpapahinga. Gumising lungs kami for breakfast. Sinulit ang bayads.

Habang nagpapahinga ang mga girlaloo, tila may isang pwersang may energy at nagawang maglakad-lakad at magpicture-picture. Eto ang inaabangans ni AKONI.... Introducing, Happy Capsule (yellow), ang pinsan ni Love Capsule (red) at kamag-anak ni Luck Capsule (blue).








Napagod sa pagka-camwhore si happy capsule at bumalik sa tinutuluyan at natulog na lang ito at di na gumalaw noong araw na iyon.



Natulog si Happy Capsule, kami naman ang gumising ng tanghali. Nag-libot muna kami to buy some tshirts para sa sarili at magpic ng ilang tanawins dins sa galera.








Medyo makulimlim noong bandang haps pero di naman umulans. Nagbalik muli kami sa Liki Tiki para pumetiks sa gitna ng dagat. Alam mo na, yung tipong relak-relak mode lungs.


Nung dumilims na, balik kami sa aming tinutuluyan para kumain ng aming dinner. Habang hinahantay yung makakain namin, nag videoks at nag billiards muna kami.

After makapagpababa ng kinain, diretso na sa para mag nomnoman. Ang inorder namin ay ang Mindoro Sling na isang kilalangs drinks sa Puerto G. Naka-apats na pitsel kami at boom. Dito na nasira ang mundo ko.





Nalasing ako ng bongga! As in yung bongga! At ito yung perstaym ko na gumulong-gulong ang mundo ko at di ako makapag-isip ng tama. punyeta! Nagmumumura ako sa kalasingan (well, hindi ako nang-mura ng mga tao, pero namumura ko ang pangyayare.)

 Eto ang pics ko bago ako hatakin papunta sa dagat para mahimasmasan pero hindi ako lumangoy kasi hirap akong tumayo at nais ko lang matulog. Note: Nagtawak din me ng uwak! punyetakels! Di na po ako iinom ng mindoro chuva drink na yan! Isunusumpa ko!




Buti at after like 30 mins, nagka-strength ang paa ko para makalakad ako pauwi. I swear, mura padin ako ng mura habang nakikipag-usap sa naghatid sa akin. At buti na lungs, may enough na lakas pa ako para makapagbanlaw at maligo bago matulog ng todo dahil sa kalasingan!

Ops, hanggang dito na lungs muna for Day 2 and Night 2. TC!