Friday, May 25, 2012

Gora sa Galera

Since tapos na ang idol moments at alam na ng madlang pips kung sino ang nanalo.... go na tayo sa karugs ng kaganapan sa Galera eskapo.

Natapos ang day 1 na natulog ako ng maaga habang ang mga girls ay naghahanap ng boylets sa dalampasigan. Umuwi silang mga bangenge ng slight kaya naman ang umaga ng sunday ay natuon lamang sa pagpapahinga. Gumising lungs kami for breakfast. Sinulit ang bayads.

Habang nagpapahinga ang mga girlaloo, tila may isang pwersang may energy at nagawang maglakad-lakad at magpicture-picture. Eto ang inaabangans ni AKONI.... Introducing, Happy Capsule (yellow), ang pinsan ni Love Capsule (red) at kamag-anak ni Luck Capsule (blue).








Napagod sa pagka-camwhore si happy capsule at bumalik sa tinutuluyan at natulog na lang ito at di na gumalaw noong araw na iyon.



Natulog si Happy Capsule, kami naman ang gumising ng tanghali. Nag-libot muna kami to buy some tshirts para sa sarili at magpic ng ilang tanawins dins sa galera.








Medyo makulimlim noong bandang haps pero di naman umulans. Nagbalik muli kami sa Liki Tiki para pumetiks sa gitna ng dagat. Alam mo na, yung tipong relak-relak mode lungs.


Nung dumilims na, balik kami sa aming tinutuluyan para kumain ng aming dinner. Habang hinahantay yung makakain namin, nag videoks at nag billiards muna kami.

After makapagpababa ng kinain, diretso na sa para mag nomnoman. Ang inorder namin ay ang Mindoro Sling na isang kilalangs drinks sa Puerto G. Naka-apats na pitsel kami at boom. Dito na nasira ang mundo ko.





Nalasing ako ng bongga! As in yung bongga! At ito yung perstaym ko na gumulong-gulong ang mundo ko at di ako makapag-isip ng tama. punyeta! Nagmumumura ako sa kalasingan (well, hindi ako nang-mura ng mga tao, pero namumura ko ang pangyayare.)

 Eto ang pics ko bago ako hatakin papunta sa dagat para mahimasmasan pero hindi ako lumangoy kasi hirap akong tumayo at nais ko lang matulog. Note: Nagtawak din me ng uwak! punyetakels! Di na po ako iinom ng mindoro chuva drink na yan! Isunusumpa ko!




Buti at after like 30 mins, nagka-strength ang paa ko para makalakad ako pauwi. I swear, mura padin ako ng mura habang nakikipag-usap sa naghatid sa akin. At buti na lungs, may enough na lakas pa ako para makapagbanlaw at maligo bago matulog ng todo dahil sa kalasingan!

Ops, hanggang dito na lungs muna for Day 2 and Night 2. TC!

19 comments:

  1. Ang sarap-sarap naman po ng travel experience niyo! Kakaingget!

    ReplyDelete
  2. nainggit ako sa inuman part! ansaya lang magpakalasing sa beach. haha carefree na!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabagay, wala namang nakakakilala sa akin doon kaya keri lang malasing

      Delete
  3. nagtawag talaga ng uwak..hahaha

    ang pula na ng muka mo khanto, 'di ko alam kung dahil ba yan sa beach or sa lasheng ka na talaga?! LOL

    ReplyDelete
  4. rosy cheeks ka pala pag nalalasing! hihi..bakit hindi nakipag inuman si happy capsule? sa pictorial lang sya magaling :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. tamads yung si happy capsule. wahahah

      Delete
  5. Ang saya lang, try ko din yan Mindoro sling na yan pag napadpad ako sa PG!

    ReplyDelete
    Replies
    1. masarap sya kaso lakas tama pag dumami shots mo

      Delete
  6. once pa lang ako nakarating ng galera hehehehe

    kung sa sabang beach pala kayo, dun ung maraming jebs na beach

    ReplyDelete
    Replies
    1. white beach. napa-google ako ng wala sa oras dahil sa comment mo. ahihihih

      Delete
  7. bute ka pa nakapagtravel na ako wala talaga haha

    ReplyDelete
  8. masarap yung feeling na malalasing ka palang or yung state na lasing ka pero yung after effect nya na gusto mong isuka bati bayag mo na parang wala ng bukas ay ang ayokong feeling. Tapos yung pag nakahiga parang umiikot ang buong ceiling kahit pumikit ka umiikot parin ang feeling mo. DEMET! I hate that!

    Hindi pa ko na kakapunta ng Puerto Galera. I swear. Dibale may kasama ka namang chicks eh. hihihi sana ni ask mo sila na paliguan nila you. hihihihi

    ReplyDelete
  9. tama ka, yan yung masaklap, yung lahat umiikot. kainis. nakakahilo. hehehe

    ReplyDelete
  10. Mukang maganda ang place. At mukang nag enjoy ka talaga jan dahil sa nagpagulong gulong ka jan.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???