Tuesday, May 8, 2012

The Soul Searcher


Handa na ang ang mga gamit ko. Nakatupi na ang mga damit na aking susoutin sa mga susunod na araw. Mga tatlo hanggang apat na araw akong mawawala. Aalis sa nakakapagod na buhay. Magpapakalayo-layo ng saglit upang hanapin ang sarili. 

"Soul Search? Soul Searching? Uso pa ba yun?" Tanong ng kaibigan ko.

"Naman!" Sagot ko sa kanya.

"May pa Soul Search, soul search ka pang nalalaman e alam mo na kung asan ang soul mo". Tugon niya.

"Saan nga? Saan?" Tanong ko sa kanya.

"Di ba isinanla mo sa demonyo! Gago ka! Maiilit na ni taning yung kaluluwa mo tapos sasabihin mong mag-so-soul search ka!" Pang-aalaska ng kaibigan ko.

Di ko na lang pinansin ang kung anong shitness na ipambabanat niya at ako ay nagsimulang umalis.

*-*-
Teka, saan nga pala ako pupunta? Yan ang tanong ko sa sarili. Ewan. Di ko alam. Bahala na si batman! Sumakay ako ng jeep na papuntang cubao at doon na lamang ako magdedesisyon kung saan ako pupunta.

Makalipas ang halos isang oras na byahe papunta sa Cubao, nakarating din ako sa may sakayan ng bus. Iba-ibang destinasyon ang makikita sa mga karatula ng mga sasakyan. Mayroong papuntang norte, meron din namang papuntang timog. Meron ding papunta kung saan wala akong ka-edi-ediya kung saan ako mapapadpad.

Nakapunta na ako sa Baguio, sa Pangasinan at sa iba pa sa hilaga. Nakapamasyal na din naman ako sa mga lugar sa timog. Pinikit ko ang aking mata at humiling ng senyales kung saan ako tutungo. Pagdilat ko ng aking mata, tumambad sa akin ang karatulang Legaspi, Albay.

*-*-

Itutuloy..........

14 comments:

  1. wow at by bus ang byahe. hmmmm maabangan nga to'ng post na to.

    BASE!

    ReplyDelete
  2. anong circa yung larawan? hehehe

    ok yan khanto, nasubokan ko na rin yan and it really helps...yang nagnenega wapakels! go lang! ^__________^

    ReplyDelete
  3. aba,,,,, albay... maraming magandang view dun... interesting ang soul searching mo..

    ReplyDelete
  4. totyal albay, hehe

    happy soul searching!!! :))

    ReplyDelete
  5. naks. tumatravel blog :) kaabang-abang to ah.

    ReplyDelete
  6. ay sobrang excite me.. hehehe

    ReplyDelete
  7. mag ingat sa soul search. at sana may matagpuan. ^_^

    ReplyDelete
  8. True story ba ito? Wow. Solid kung mag-desisyon. Gangster! Hahaha. Good luck sa soul-search Koya.

    ReplyDelete
  9. true ba eto...
    soul searching mode hanap ka rin ng mga chicks para mas exciting soul searching...
    mixed some naughty thouhts

    ReplyDelete
  10. soul searching? my blog might help you... :)

    ReplyDelete
  11. saya naman! adventure ang soul searching na'to. update mo kami agad! :)

    ReplyDelete
  12. minsan matry nga sin yan. out of nowhere ang peg mo

    ReplyDelete
  13. nabitin ako bigla. ser mahanap mo sana si soul! GL paps!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???