Thursday, May 3, 2012

LoveSick!

Kapagod pumasok. Imagine, bukas, pang 7th day ko na. Wala pa akong restday. Wahahaahah. Ako na ang nagpakamartyr-martyran at nakipag-swap ng rd sa nangangailangan na ka-team. I know right, isa akong baliwan sa mga bagay-bagay. 

Well anyway highway, di naman ito post para mag-rants ako ng anik-anik na work related shitness sa buhay ko. nope. Hindi ito bitter-bitteran post kung saan nababanas me na hindi natutuloy yung training sa opis. Walang petiks mode na pahinga sa calls. Hindi tungkol sa inis ko ang post na itow. Movie review this.

Okay, tapos na tayong lumipad sa bayan ng kimchi, sa bayan ng mga anime, sa bayan ng mga sawadeekap... kaya naman lipat naman tayo sa bayan ni tangkay at domeng-su... tama... sa Taiwan tayo kukuha ng peliks na irereview-reviewhan.

Ang name ng peliks ay Lovesick. Oo. Lovesick talaga ang name. Pero kung ayaw mong maniwala... hedi huwugs.


So ito ay kwento ng isang girlay na nag achuchuchu-achuchorva computation na ang isang girlay ay may makikilalang sandamakmak na boylets tapos mga 1% ang makaka-date at eventually mahahanap nya ang dahon este the one.

Nahanap nia yung akala niyang the one nia kaso inaswang si the one at boom. Natrauma sa love ang lola nio! Watdapak!

Mala-never get over you, getting over me ang lantod ni bidagirl and so to the rescue ang mga tits este tita nia at may i create ng rules.

rule 1: Always be on guard
rule 2: Be your own hero
rule 3: True love exists only in Fairy Tales

Then when naka-move-on na si girlay, nagwork sya sa ospital as a laughter therapy volunteer at doon nia nakilala ang boy na nakapagpalaglag panty horny hot hot sa kanya (joke lang yung laglag panty at horny). Kinabog at minartilyo ang puso nia at tila naiinlababo sya.

Pero kenat be ang sigaw ng lovesick niang pukikay este puso. Nilabanan nia ang mga signs and symptoms ng sakit na tinatawag na pag-ibig.

Pero syemps eventually, mas kumabog-kabog, umalog-alog, dumabog-dabog ang puso nia kay doc. 

But wait! Syemps hindi naman tatakbo ang wents kung walang magiging problemo sa kalantutaran ng labers.

Ang siste ay mag-fla-flylaloo abroad si doc para mag-pursue sa kanyang studies at para sa operasyon ng kanyang sister.

So nung narealize what she got realize that their perfect for each other and will never find another. Humabol sa airport si girlay at nag-talumpati about love love has come her way... pero pinili ni girl na pakawalan si boy dahil ayaw niang maging pabigats.

Noong nakaalis na si boy, sa airport pa din, nameet ni girl ang eks nia na isa ng pornstar popstar. Sinugod nia ito at sinapak. At na tv si girl at doon nalaman ni doc ang talagang saloobs ni girlay.

and they live... ever after... sige na nga... happily ever after.

At since natapos na ang summary ng peliks, ang numero para sa film ay 8. Okay sya at maganda naman. Bibigyan ko sana ng 9 kaso kainis yung dvd, hindi sumasabay yung subtitle sa takbo. delayed si subtitle! kaasar-cesar!

Imagine, sa dalawang disc (nadoble bili ko last, sa magkaibang dvdhan sa quiaps) na triny ko, parehong delayed! 

7th day ko nga pala bukas. I'm exhausted na! Well, hanggang dits na lungs muna! TC! 

8 comments:

  1. ikaw na walang rest day hahaha.

    at yang love sick na yan mukhang ok naman so papanoorin ko sa rest day :D

    ReplyDelete
  2. pahinga muna sir... pero ako din walang pahinga sa work...

    download ko na lang movie na ito. ;

    salamat dito sir kanto

    ReplyDelete
  3. ang mga choice of words naloka ako ng bongga hehe pero mukha ngang maganda ang movie na ito try ko nga hehe

    ReplyDelete
  4. Sa haba ng nireview mo, pagod ka pa niyan kUya Gelo? Hahaha. So hindi sila nagkatuluyan nung Doc?

    ReplyDelete
  5. at eto pa ang walang rest day ha??? may time manood ng dvd, pak!

    ilan lang ang mga kilala kong boylaloo na mahilig sa mga gentong klase ng muvi, isa ka na dun. mapanood nga toh! dati yung sinulat mo na gusto kong panoodin (hello strangers) hanggang ngayon di ko pa napapanood kahit nipalabas na sa abscbn. lels. ako na ang busy!

    ReplyDelete
  6. Base sa movie review mo, sobrang tipikal ng istorya ng pelikula. charot!

    ReplyDelete
  7. very goo ang mga rules! sana mahanap ko na din ang dahon..este the one! :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???