Thursday, January 31, 2013

Rurouni Kenshin Samurai X

Warap! Bago pa magsimula ang buwan ng mga Pu.... Puki Puso, may hahabol pang peliks review-reviewhan for the month of January. Kaya without any paligoy-ligoy shitnizz, heto na ang khanto's review featuring Rurouni Kenshin Samurai X.


Okay, ganto ang wento nito. May isang swordie samurai na bihasa sa espadahan. Tapos natapos na yung war at si samurai ay nagdecide na maging goody-good-good at ayaw na niyang kumitil ng buhay. Iniwan niya ang kanyang sandata at nagpakalayo.

Tapos shift scenario. Kahit akala ay merong kapayapaan na.... meron paring kasamaan. May isang person na gumagawa ng kagaguhan dahil sa pagbebenta ng Opium or parang Chongki or drugs or shabu. Tapos meron pang isang bad guy na nakapulot sa espada ni samurai na kumikitil ng life.

Tapos magulo ng slight ang wento. Then may tumakas na girl sa kamay ng Opium master. Pagkatapos nagkaroong  bakbakan at the end!

Hahahaha! Oo, minadali ko ang summary. Ewan ko. Bigla akong nahirapan i-explain ang flow ng kwento. Like it's so fucking hard to explain (naks, me english?). Saka andami na tumatakbo sa isip ko kasi may seat sale sa Tiger Airways. hahahah.

Score: 8. Okay naman kung papanoorin mo yung peliks at okay naman ang swordsfight at bakbakan at sagupaan. Mas lalo na siguro kung Medyo may background sila dun sa anime na Samurai X.

O cia, hanggang dito na lang muna. Worried pa ako kasi walang email notif yung booking ng flight at payment via Cebuana Lhuillier. Saka problema ko kasi 4days and 3 nights ang total nung nabook ko. Like.... pano yun? Solo lang ako.... baka mamulubs ako sa trip.

Take Care muna folks!

Tuesday, January 29, 2013

Boring Love

Hellow! Kamustasa?Are you happy? Hope na Oo ang sagot mo. Wala naman gaanong kaganapan sa life ko lately. Kaya naman for today, slight review lang ng isang peliks na nipanood ko.

Mula sa bansang Thailand, ang pelikulang Boring Love ang bibida for today.


Ganto kasi yun. Merong isang guy na iniwan ng kanyang jowawits dahil si girlay ay sumama sa ibang boy. Then sa pinagtratrabahuhang airline, may ka-opismate si guy na nagtapat ng pag-ibig sa kanya. Pero...... ang nagka-type sa kanya at pumorma ay isa ding guy!

Kahit nakikipag-flirt si gayguy e parang walang ubra kay straight guy. Until hindi nagpapapasok si gayguy sa opis. Na-concerned si straightguy kay opisgayguy kaya dumalaw ito sa house nito. And poooooof!! joke lang. Walang nangyare! Kayo talaga! hahahaha

 Pero nagkalechegas si Straight guy kasi najujulog loob nia kay gayguy. Tapos biglang entrada pa ang ex nia na nakikipagbalikan. Halahalahala-karakarakaraka!

Ang ending???? secret.... di ko sasabihin.

Score: 7. Taragis kasing subtitle.... Mas nauuna pa sa actual salita ng mga characters sa peliks. Sablay DVD from quiaps. Hahahha. Di ko nagets ng todo ang ilan sa lines nila.... hahahaha.

O cia, busy dito sa opis.... medyo madami queue.... Paudlot-udlot kong sinasalitype tong mini review.

Take Care folks!

Sunday, January 27, 2013

Dating Death and Ghost Train

Warraps! Kamusta na kayo? Okay naman ba ang restday ninyo? Nakakapag pahinga ba kayo? Well, i do hope everything is good sa inyo. :D

Sa araw na ito, tayo ay magpepeliks review-reviewhan. And kung napansin nio ang pamagat ng post.... dapat may clue na kayo na hindi lang isang peliks ang mababasa, kundi dalawa!

1. Dating Death


May 7 magkakaibigan ang masayang nagbabakasyon sa isang Villa. Meroong 5 boylets at 2 girlays. Nagkaroon ng truth or conchikwens na eklatan pero puro truth ang pinili... Who is your crush ang tanong. Sumagot si boylet1 to boylet 2 na type nila si girlay1. Tapos ang crush ni girlay1 ay si boylet5! Nung turn na ni boylet 5, instead na sabihin nia na meron na sila something-something ni girlay2, ang sinagot niang bet nia ay si girlay1.

Makalipas ang gabi, nawindang ang villa dahil may putol na kamay sa room ni boylet5 at duguan ang room at basag ang salamin at tila nahulog sa bangin si boy. tsk tsk. 

After a year, nagkaroon ng inbitasyon muli sa villa at nagpunta ang remaing 6 folks. Then, may nagpaparamdam daw na multo ni boylet5 . And then, isa-isang nawala ang remaining boys.... Sino kaya ang killer????? NGES HU!!!

Score: 7... Oo, syete lang! Napap-syet lang ako sa kaganapan. Hahahah. Di ganong nakakatakot. Di mabenta kahit medyo madugo towards the end. Ewan ko... anbilibabol lang ang epeks at eklat ni killer. At nakakatawa yung merong umeeksenang labstory ni girlay2 at boylet5 shenanigans!!!

2. Ghost Train


Sa bansang Japan, merong isang train na may kakaibang misteryong kaganapans.May bagay na kapag napulot ng tao ay bigla na lang makakarinig ng bulong asking for the item back.... Yung may whisper sa ear saying......'Bring it back!'...ganyan.Tapos kapag yung person with the item ay sumakay ng train at pumasok na sa tunnel, may some force na kukunin sila at sila ay maglalaho.

Tapos eenter sa scene etong si girlay highschooler na may kapatid na babae na nakapulot nung mystery item. Then poof!! Nawala na yung sister nia. And so worried sick siya kaya naman nais niyang malaman kung anyare at asan na ang kapatid. Nag-imbestiga sya!

Tumawag sya kay mike enriquez Inalam nia ang misteryo ng anik-anik at nalaman na may isang babae na namatay sa train at may hinahanap na missing items. And so naghanap ng way si highschooler to bring her sisterback....

Score: 8. Medyo may takot factor na din saka gulat ganyan. Okay naman ang flow at pati yung slight twist na yung black lady na kumukuha ng mga passengers sa train ay biktima din noon ng mysteryosong tunnel. Okay na sana pero ewan ko, hindi masyadong creepy at eerie nung last part na noong hinahabol sila ng mga something.

Masyado bang magulo ang sanaysay ko? Well, magulo din kasi yung peliks at mahirap i-explain in common terms. hahahaha. O cia, hanggang dito na lang muna!

Superb Sunday to All and Take Care!

Friday, January 25, 2013

Makabagong Pluma

12-13-14

Sa mga oras na ito, nagsimula na ang gobyerno na kumilos at umaksyon laban sa kanilang mga kalaban. Di ko alam kung pano sila nagkaroon ng kakayahan na tuntunin ang mga taong kinukwestyon ang kanilang atoridad. Pero sadyang malupit na ang nagawa nilang pagbabago sa kanilang talino sa teknolohiya.

Ang mga hackers na noong nakaraang taon lamang ay sunod-sunod na pinatumba at sinakop ang mga pampublikong website ng gobyerno ay isa-isang nahuli. Nilitis sila at sila ay hinatulan ng pagkakakulong. Makalipas ang isang buwan, lahat ng mga sangkot at nasinentensyahan ay namatay daw dahil sa rambolulan ng mga barakong nakapiit sa kulungan.

Mabilis ang mga kaganapan. Parang mga mga natuklaw ng ahas ang mga kontra sa administrasyon. Lahat sila ay nagkakaroon ng pagkakasala sapaglabag sa Cyber Crime Law at napapatawan ng pagkakabilanggo.

Hindi ko alam kung anong kagamitan ang meron sila pero kahit ang mga nagkukubling mga manunulat at mga gumagamit ng huwad na pangalan ay nadarakip na nila.

Natatakot ako na baka bukas, o kaya sa mga susunod na araw ay ako naman ang mapagbintangan ng kung ano. Ayokong lumabas ang aking mukha sa peryodiko bilang isang taong nagkasala sa bagay na hindi ko naman talaga ginawa. Hindi ko nais na mawala sa mundong ito dahil lamang sa aking opinyon tungkol sa gobyerno.

Ito na marahil ang huling post ko sa blog na ito. Kailangan kong magtago at proteksyunan ang buhay ko. Sa mga tulad kong nagsusulat at nag-iisip, sana ay makaligtas tayo sa kamay ng manunupil ng ating kalayaang magpahayag. Nawa'y matapos din ang kaganapang ito. 

-Kuroneko

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Pinatay na ni Kino ang kanyang computer at ito ay itinabi sa kanyang silid. Medyo madamdaming post para sa kanya sapagkat ayaw niya pang itigil ang pagsulat. Pero kinakailangan niyang gawin iyon at mahalagang makapagtago siya hanggang dumating ang araw na magiging malaya na muli silang bumatikos at magsabi ng kanilang opinyon at saloobin.

Kinuha ni Kino ang mga nakatabing medisina para sa iba't-ibang uri ng sakit at kanyang isinilid sa bag. Dinampot niya din ang isang kamera mula sa tukador kasama ang solar-powered charger at inabot na din niya ang maliit na lampara at itinago sa loob ng dalahin.

Handang-handa na siyang lisanin panandalian ang kanyang tinitirhan habang mainit pa sa pagtugis ang gobyerno sa mga taong umaalma at pumupuna sa kanila lalong lalo na sa mga taong nagsusulat sa internet. 

Naalala niyang saglit noong nagdaang taon kung kelan isinabatas ang Cyber Crime Law. Akala nila ay isang pipitsuging batas lamang iyon at maaari padin silang magpatuloy sa kanilang madalas na gawin sa pagsita sa pagkukulang ng gobyerno at ng administrasyon.

Papalabas na si Kino ng bahay ng marinig niya ang kalembang ng sorbetero. Kahit malamig ang hangin dahil papalapit na ang pasko ay heto si manong at agbebenta ng sorbetes ngayong hapon.

Sa di inaasahang pangyayari, biglang may bagay na naramdaman si Kino sa kanyang tiyan. May kung anong bagay ang tila tumama sa kanyang sikmura. Pero mukhang hindi lang isa ang tumama sa kanya. Lima, pito, siyam, Labin-tatlo na bagay ang tumama sa kanya.

Biglang naramdaman niya na para siyang nabuhusan ng tubig at tila siya ay basa. Pero bigla siyang nanghihina at nawawalan ng ulirat. Sinubukan niyang tignan kung anong nangyayari at nakita na lang niya na siya ay duguan at tumutulo na ang dugo mula sa mga parte kung saan may tama siya ng bala.

Bumulagta sa sahig si Kino. Dumilim na ang kanyang paningin at unti-unting sinubukang ipikit ang mata subalit nalagutan na siya ng hininga bago niya ito nagawa. Ang kanyang dalahin ay sinisipsip na ang pulang tubig na nagmumula sa katawan ng manunulat.

Isang alupihan ang bigla na lamang lumitaw kung saang butas ng pader ang ngayo'y gumapang papalapit sa nakahandusay na katawan ng lalaki. Mula sa kamay ulo ay dumako ito papunta sa katawan hanggang sumuksok sa kuyukot ng lalaking walang buhay.

........

"Pare! Tara na! Sunugin mo na yang bahay at kailangan pa nating tapusin etong susunod na target natin!" Sabi ng isang lalaking magsosorbetes.

"Sandali! Kailangan realistic! Kahit pagtatakpan ang nangyare, kailangan kapani-paniwala!" Sagot naman ng isa pang lalaki na may dalang basket ng Panindang Banana Que.

"Puta! Bilisan mo! Madami pa tayong tatapusing manunulat! Isusunod natin etong si Miss Tiryosa na nakatira lang dyan sa kabilang subdibisyon!" bigkas ng unang lalaki.

-Wakas-

Ang fiction story na nasa itaas ay ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.

Makabagong Pluma


Thursday, January 24, 2013

Rendem Leng!

Hello mga ka-khanto! Kamustasa? Isang tulog na lungs kayo at sisigaw na kayo ng KALAYAAN!!! Malamang ay restday nio na sa darating na saburdei! Weeehheeee!!! 

Hindi pa naman ako sabaw pero almost there. lols. Pero hindi naman porke't sabaw ay yun na lagi ang reason ko to create this kinda post... you know.... random stuff. Medyo too many to mention pero hindi naman super kinda big deal to create diffrent post for different scenarios.

Okay let's get it on!

1. Naiwento ko na nung isang araw na tipid week ako diba. Yung 600, natipid ko naman sya until kanina. May natirang 300. Kasi may pakain sa opis ng 2x sonakatipid ako ng 2 meals. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Di ko na maaantay ang sweldo...... Nag-withraw na ako mula sa savings ko. hahahaha. 

Fail na success na ewan. Kanina, nirewardan ko ang sarili ko ng sangdosenang Junkin Jonuts. Oo, sa akin lang yung 12 pcs. hahahah. 

2. Ewan ko ba, anhirap ng diet tapos nasa normal life echedule ka (semi-normal sched kasi 6am-3pm ako). Pag pang morning ship ka kasi, parang mas malakas mag-crave. andami kasing bukas na mabibilhan ng makakain. Temptasyon!!!

3. May pagbabago sa scoring system sa opis. Tapos may bagong iiimplement na shenanigans. Ewan ko.... I feel na hindi ko kayang sumabay sa pagbabago. Somehow malakas ang resisting factor ko. Parang.... konting-konti na lang.... gusto ko na atang bumitaw at mag let go.

4. Ay puuuuuu...... Bumagsak nanaman ako sa QA!!! Tengene! Malas talaga ng nag-aaudit sa akin! Laging yung panget na calls at sablay ang narerecord! Sarap ipabendisyon sa pari yung QA auditor at ang tools na gamit nila. pakshets!

5. Sa mga nagfofollow sa aking Chwirrer account. Super Duper Mega Pasensya na po at nafloflood ang timeline ninyo tuwing umaga hanggang tanghali! Eto kasi yung idle moments minsan sa opis at yung wala naman akong kausap so imbes na matulog.... ayan.... tweet-tweet-tweet. Sorry talaga.

6. Kailangan mag kawang gawa naman tayo. Inaanyayahan po ang mga folks na magdonate ng books, toys or school supplies for project smile. http://www.isangminutongsmile.com/2013/01/project-smile-alay-pag-asa.html

7. Nga pala, sali na kayo sa isang challenge sa pagsulat. Sali na sa Bagsik ng Panitik ng Damuhan.com. http://www.damuhan.com/2013/01/bagsik-ng-panitik-bnp-2013-munting.html

8. Yung Aryana... medyo  madaling hulaan na ang magiging ending.... Mamamatay dyan si Desiree Del Valle para maging tao na muli si Aryana. 

9. Nakakaaliw minsan si Nicki Minaj sa American Idol. Kaso mukang mali talaga ang attitude ni Jynx ng pokemon este Nicki towards dun sa isang contestant na nireject nia daw kasi kakulay ng make-up nia yung ginamit nung girl.

10. Nakakita ako sa mall nanaman ng damit na trip ko! Kaso taragis talaga... Walang 2XL! Nyeta... di ko na bibilin. 


O cia, sapat na ang sampung bagay for the random wents.... Take Care folks!!!! Baka bukas mag-Manila Oceanpark me.... sana matuloys! 

Wednesday, January 23, 2013

Art Idol

Teteteteteteteetetext-Call-call-Text-call!! Hahaha, akala nio commercial ni choco martin ano? Wala akong maisip na intro e... ATHTIG!

commercial.... naalala ko lang ngayon yung usapan ng magkakabarkadang estudyanteng babae habang ako ay pauwi. Madami na daw girls sa section nila kaya itumba na isa-isa ang iba! #angHarshperoILikeIt!

Heniway hiway, since wala namang new happening na kailangang i-share at wala din me sa wisyo para magrandom, heto ang post about sa isang peliks na napanood ko last week. Ang pelikula ay mula sa bayan ni Mario Maurer.... Thailand!

Ang pamagat ng pelikula ay.... (drumroll pls!).....Art Idol! (bakit yung lyrics ng art angel ang tumatakbo sa isip ko?) 


Okay, ang istorya ay tatakbo kay boylet na may bespreng girlet. Si boylet, sabog-sabog ang pangarap! Di alam kung anong gusto sa layp! May moment na may pangarap syang maging something then poof, maglalaho ang gusto nia at change ng hilig. Tas pak, magbabago nanamans ang nais.

 Si Bessie Girlet

 Boylet named ART

One time, isinama ni bespreng girlet si boylet sa kanyang university na papasukan. At merong mga art work/graffiti na nakadisplay sa wall. Di sya elibs... Pero ng may isang girl na nakakuha ng kanyang atensyon... aba, mabilis pa sa alas-singko at nahanap niya daw ang passion nia... ART!

 Yung kras ni Art

And so nagbalak siyang matuto ng art, by hook or by crook. Humingi sya ng help mula sa isa daw na 'Art Idol'. Kinuha syang apprentice at sumailallim sa parang workshop. At bonus pa na sa bahay ng kanyang mga Sensei (sensei talaga?), doon nia nameet at nakasama yung kras nia!

 Yung feelingerong Art Idol

 Yung nature-inspired artist

Yung techie\graphicmedia artist

When somehow he learned his craft... yung 'ART IDOL' gave him critique at pumapel na ang ART daw ay yung hinayups na chakang IDOL, shungashunga namang naging copycat ang peg ni boylet. 

Pero eeksena na yung moment na may LQ ang magbespren tapos dito na nia malalaman ang mga bagay-bagay katulad ng ang kras nia ay may kras na iba na chaka. Tapos, napalayo na sya sa kanyang bessie. Then napagbintangan syang gaya-gaya at no originality ganyan.

And the ending... well, dahil na din sa kanyang bestpren turned laber, nalaman nia yung passion nia. Kung ano yung nakapagpapalabas ng inner powers nia... which is...... SECRET! 

Rating: Around... 7.5-7.9. Hahahaha. May kababaan. Keri lang pero hindi sapat. Yung ganong feeling. Ewan ko. Minus point sa akin yung musical thingy kase di ko naman magets. Tapos so-so lang yung comedy. Yung kilig factor medyo bitin. K lang naman ang artworks shown. 

Quotes from the peliks:
"No one remembers someone ordinary "
 "People tend to take smaller things for granted "

Inperness... mas okay ang poster ng peliks. heheheheh.




O cia..... nasa kalagitnaan pa ako ng tipid week, and as of the moment, nakakayanan ko yung katipirans. Take Care folks!!!! Wacky Wednesday sa lahat!

Sunday, January 20, 2013

Tipid Week!


Happy Sunday po sa inyo! Oks naman ba ang inyong weekend? Nakapanood na ba kayo ng peliks? Kayo ba ay nakapag-sinulog? Or nakapagpahinga dahil restday? Good! Gusto ko happy kayo (manong Johnny ang peg?)

Anyway highway.... ako ngayon ay nahaharap sa medyo maliit na suliranin. Alam ko maliit lang to compared sa ibang folks na talagang may malaking problemang dinadaanan sa life.

Last week at this week, naging waldas ako. Oo, inaamin ko, kasalanan ko ito. Naging marupok akong tao at nagpadala sa temptasyon na nakita. Bumili ako ng mga bagay-bagay na di naman kailangan agad-agad. Nagpabuyo ako sa pansariling luho at di ko inisip ang bukas.

At ngayon.... chikhundred na lungs ang laman ng aking wallet. (Kasalanan to ng hindi pumasok na Holiday pay noong nakaraang sahod!). Tapos sa byarnes pa ang sweldo (or baka sa saburdei pa! patay!)

Ngayon, kelangan kong magtodo tipid para mairaos (mairaos talaga ang term?) ang linggo. So kailangan ng plano.

1. 1 Meal a day sa opis. Meaning, dapat chikwenta lang ang gastos sa pagkain during the 9 hours of work. Most probably breakfast lang ang pedeng ikain. Maghanda sa water-water diet!

2. Plan B, since may bigas sa bahay at konting hakdog at itlog, magbaon simula martes (bukas pa ako uwi ng bahay para tipid). Ihanda ang sikmura na maumay sa same-same na pagkain.

3. Alternative sa pagkain ay ang pagkape or pag-hotchoco courtesy of pantry sa opis. Kapalan na to ng mukha! hahahaha.

4. Mang buwitre o mang-vulture ng pagkain ng mga kakilala sa floor. Saktuhin na kakain or maglulunch at magbrebreak kung saan may friend na kakain din. makikihingi ng pakonti-konti hanggang malagyan ng laman ang tyan.

5. Maglakad pauwi! Well, nakakapag lakad nadin naman ako noon from work pauwi ng bahay kaya medyo yaka na ito. Kaso nga lang, kailangan wala akong dalang baggage counter kasi nananakit na yung talampakan ko lagi. kailangan less pressure sa paa.

6. Plan B.2, Sumakay pero mag-1-2-3 sa jeep (pero bad yun kaya slash out tong number na to!)

6. Sumakay ng jeep at mag-abot ng sobre asking for limos! O kaya maglatag ng dyaryo sa tapat ng Medical City upang humingi ng tulong pangkain. :p

7. Mangutang! Para maiba naman, ako naman ang manghihiram ng money. tas bayaran ko na lang pagdating ng sahod.

8. I-text ang magulang na mag-grocery para may makain for the week... Sana may load pa ang cellphone na alarm clock lang ang silbi lagi.

9. Mangholdap/Snatch (No! This is a BIG NO-NO!) Masama ang kumuha ng pagmamay-ari ng iba! Brain, WTF!!!!

9. Ibenta ang katawan! As if merong bibili...Ibenta ang taba! Bawas na sa timbang, baka magkapera pa!

10. Mag-pray na sana makapulot ng karagdagang pera (sampung piso, piso or bente... kung galante, pede na ang 1k).

11. Wag na mag-inarte at mag-withraw na lang sa ATM... katamaran at kakuriputan!

Hay.... itutulog ko na lang to. O cia.... Currently i have 631 petot. Challenge to hanggang byarnes or sabadow#Mind over matter! #Tiwala lang!!! #Kakayanin ko to! #Aja (humahashtag! twitter?)

related quote for the day..... maipilit lang ang quote!
"Ang perang buo, pag nabaryahan sunod-sunod na ang gastos.
Tulad ng TIWALA, kapag NABAWASAN sunod-sunod na ang HINALA."

O cia!heto na talaga! Take Care folks!

Saturday, January 19, 2013

3 Idiots Remake

Ei! Saburdei na! Alam kong TGIS kayo mga folks kasi itchor restday! Saka ang ilan ay baka nasa Cebu for Sinulog Festival. Hopefully ay okay sa olrayt ang inyong araw.

Noong isang araw, kasabay ng pagbili ko ng DVD ng Les Miserables, nakabili pa ako ng 2 other peliks. So ang isa sa natitirang dalawa ang aking ibibida. 

Syempre, binasa mo yung title ng post diba? Kung hindi, hala sige, read it now.... Kita mo na? Ano nakalagay? Tama! Remake ng 3 Idiots, ang peborit mubi ko.


Ewan ko. Di ko alam kung bakit niremake agad-agad ang pelikula samantalang 2009 lang ni-released yung original film ng 3 Idiots.

Almost same lang ng plot, may 2 indian folks na hinahanap yung friend nila from college of engineering na nagturo sa kanila ng kakaibang lesson in life. Same na kaganapan pero naiba lang ang mga pangalan nila sa remake, Except for Principal Virus at si Millimeter ata. 

Sa remake, iba din ang actors. At kapansin pansin na ang lead na bida ay much angat ang pagiging Indiano with its dark colored (hindi sunog) skin and bigoteng medyo makapal. Tapos, for Virus, ginawang kakaiba yung hairstyle ng kasi panotching. And yung epal na kaklase nilang si Silencer, medyo may pagka-chubbyhan ng slight lungs.

The remake is so-so. Siguro dahil MAS tumatak sa akin yung unang version at talaga namang tagos-tagos ang emosyon na nadama ko sa acting ng nauna. Pero syempre, since same lang naman ng istory, naluha me naman sa part nung nagtangkang magpakamatay yung isang friend nung bida pati yung isa naman ay nakipag-usap sa father nia na payagan siyang piliin ang career na gusto niya.

Unfortunately, tumatalong yung dvd towards the end pero okay na din. Mas trip ko naman kasi yung first edition.

 The Original Idiots

Score ng remake: 7.8.... Sorry.... Lamang ng milya-milya ang original! 

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Friday, January 18, 2013

Les Miserables

Yo! Waraps! May nakiusap sa akin na makipag-swap ng restday so imbes na sabado pa yung ikalawang single day restday, napaaga at ngayon ay pahinga mode ako.

Well, kahapon, after ng shift ko, dumeretcho muna ako sa mall para bumili ng foodie ko for today at sumabay na din ang pagbili ko ng DVD.

And dahil may nag-alok sa akin ng DVD copy ng isang peliks, sige, go na ako. Binili ko yun. Hekasi naman hongmohol ng sine, 211 petot. E sa halagang 100, may taklong peliks na ako.

Thus eto na magsisimula ang peliks na ibibida ko sa inyo. Ang palabas na Les Meserables (basahin bilang "Lei Miserab!")


WARNING: Kung di pa kayo nanonood at may balak kayong panoorin ito at hate nio ang spoiler..... alam nio na gagawin nio! Ipagpatuloy ang pagbasa! Joke! Sige, allowed ang skip read for this post. Pero don't porget to make comment. lols.














Desidido ka na? Okay simulans na natin ang peliks! 


Ganito kasi.... Isang araw, si Wolverine ay naghihila ng tali na nakadigit sa isang jumbo ship. Tapos kumanta sya. Tas may nakisabay na mga other naghihila ng rope. Then pinarusahan sya at pinag-initan ni RobinHood. Pero never say never si Wolvy kaya naman nakaalis sya sa kamay ni RobinHood.


Lumipas ang ilang taon. Nagkaroon na ng katungkulan si Wolvy using a different pagkatao and name. Nainlababo sya kay singing Catwoman na naging pokpokish at nagbebenta ng katawan para sa kanyang junakish na pinagkatiwala nia something. 


Pero emextra nanaman si RobinHood at nalaman na si Wolvy at yung mayor ay iisa so kailangan niyang dakpin ito. Pero madulas na parang hito si Wolvy at nakatakas ito. Nagdesisyon siyang kunin ang junakis ni Catwoman mula kila singing Bellatrix Lestrange at singing Borat. Kapalit ng ilang salapi, nakuha ni Wolvy ang pinakamamahal na anak ni Catwoman na si Cosette at sila ay tumakas.



Time goes by.... so slowly... char. Ilang year ang nakalipas. May kaganapan na revolution chuvaness (hindi daw ito yung French Revolution). Dito ipinakita ang isang singing boylet na isa palang galing sa mayamang pamilya na nais tumulong sa rebolusyon. Then nameet nia ang nagdalagang si Cosette na naging si Red Riding Hood.



Tapos pinakita ang singing revolutionaries. Then andyan padin ang di makamove-on na si RobinHood at emepalods. Nahuli si RobinHood ng mga revolutionaries pero pinatakas ni Wolvy. Tapos napatay ang mga nasa rebolusyon. Nakatakas si Wolvy at iniligtas si singing boy dahil eto ang PBBteen partner ni Red Riding Hood.

At nag-end ang peliks na nagpakamatay si RobinHood tas tumanda si Wolvy at sinundo ni Catwoman at nagkaroon ng kantahan kasama ng mga ilang natigok na revolutionaries. END!

Score: 8.8. Okay for me. Though nung una, di ko masakyan ang pakanta-kanta nilang kapekpekan while delivering their lines pero naging okay naman ang lahat nung nasa bandang gitna na at sa padulo. 

Swabe lang ang acting. Okay naman yung cast na napili for the different roles. Okay lang naman ang singing. Pero bakit walang nudity? charots. 

Ps: Ang post na ito ay isinulat na pakanta... kaya, re-read mo while singing 'I dreamed a dream', 'Who am I' at 'On my Own'..

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks! 

Thursday, January 17, 2013

Huwag mong Buhayin ang Patay 10

ang nakaraans
Episode 9


Nalungkot sila Facundo, Kat at Eliza dahil walang result na lumabas para sa kabilin-bilinan ni lola post. Nagpapanic na sila dahil baka magising na ang mga kalalakihan na nagpapahinga dahil na KFC: finger-likin good si manang Fe.

Facundo: Naaalala ko na! Baka hindi nablog ni Donya Fe ang hinahanap nating kasagutan at lunas sa nangyari!

Kat: E pano na yan? Wala na bang ibang way highway?

Facundo: Sumusuko ka na agad teh? Akala ko ba dapat Never give up ang peg mo?

Eliza: Right! Wag kang susuko Friend! Fight lang dapat ng fight! Win lang ng win!

Facundo: Hindi ko naman kasi sinasabing wala ng way! Ang sabi ko, wala sa blog! Pero baka nasa library!

Kat: Library?

Facundo: Hindi! Hindi! Sa Laboratory mo makikita ang kasagutan! Kasasabi ko lang na library, tatanungin pa ulit?

Eliza: May library si Manang Fe? Marunong syang magbasa ng books?

Facundo: Well.... technically, bored sya sa pagbabasa ng libro pero ang magulang nia, ang lola, ang lola ng lola nia ay mahilig magbasa. Saka minsan nagsusulat din.

Kat: So you mean, baka andun ang kasagutan kung paano mawawala ang curse?

Facundo: Check! Corrected by! So ilock na muna natin ang pintong ito at pumunta sa library para maghanap.

Eliza: Okie doks! Taralets-bagets! Let's hurry-strawberry! Lets go-sago!

At umalis ng silid ang tatlo at lumipat ng kwarto. Sa isang silid na madilim, binuksan ni Facundo ang switch para magka-ilaw at tumambad sa kanila ang isang kwarto na mayroong sampung cabinet na puno ng libro. Pati sa pader ay merong shelf na jampak din ng libro.

Facundo: Tyaran!!!! O ha! Gulat kayo no?! Hondoming libro! Sige, magiging busy kayo sa paghanap ng libro para sa kasagutan sa inyong problema.

Kat: Teka, bakit di ka tutulong?

Eliza: Well, techically, di KAMI tutulong!

Kat: What?

Facundo: E sino bang may kasalanan kung bakit may nagkaroon ng mga barakong hubo na nangangain ng tao? Di ba dahil epaloid kang girl ka at gusto mong mabuhay muli ang asawa mo!

Kat: Excuse me?!

Facundo: Ikaw! It's You! Kaw! Kung tinanggap mo na lang sana na tigok ang hunny-bunch mo at di ka na makekembot ever, edi sana hindi ito mangyayare!

Kat: E pinilit lang naman ako nitong ni Eliza e!

Eliza: WOW ha! So ako ngayon? Sino ba makakatikim sa talong ng asawa mo kung mabubuhay? Ako ba? Is it me?!

Kat: So you're telling me Amalayer?

Eliza: No, i'm saying Yumalibog! Yukerengkeng! Yutalandi! Yudeputa!

*Slap *Doubleslap *tripleslap *megaslap (nagsampalan ng makailangbeses ang dalawa hanggang maging maga ang pisngi nila Kat at Eliza)

Facundo: Awkward...... Sige... Alis muna ako.... Bili muna ako ng makakain nio while looking for the answer!

Eliza: Take me with you!

At umalis si Facundo at Eliza habang naiwan sa loob ng silid si Kat. Hindi niya na alintana ang hapdi at maga ng kanyang pisngi dahil ang nasa isip niya ay ang matanggal ang sumpang naganap dahil sa pagbuhay ng patay.

Ilang oras na siyang naghahanap ng mga kakaibang pamagat ng libro sa shelf. Nabulat-lat na niya ang ibang klaseng mga libro katulad ng animal photography book, where's wally, Yellow pages, Encyclopedia, Dictionary at iba pa.

Habang patuloy sa paghahanap ng libro, isang ihip ng hangin ang nadama ni Kat sa silid. At isang anino ng babae ang nakita niya mula sa likod ng isa sa mga shelf.

Kat: Ano? Nagsisisi ka na ba Eliza?

Pero walang tinag ang anino na nakikita ni Kat. Binalak niyang umikot sa gilid at puntahan ang kaibigan. Subalit pagdating sa lugar kung saan nakita niya ang pinanggagalingan ng anino kanina, wala naman tao.

Ang ilaw sa silid ay parang pundido. Nagpapatay-sindi at nagfli-flicker na nag-iilusyong christmas lights. Kasabay ng pagpapalit-palit ng liwanag at dilim sa silid, isa nanaman hangin ang nadama ni Kat.

Mula sa di malaman ni Kat, ay nakita niya sa sahig ang mga tuyong dahon na tinangay ng hangin. Pero may kakaiba sa mga dahon. Hindi ito brown kundi black ang kulay.

Matapos ang ilang saglit ay isa isa namang nagsipagbagsakan ang mga libro sa loob ng silid-aklatan. Dito napapabilis na ang tibok ng puso ni Kat. Di na niya alam kung anong nangyayari. Bakit may ganitong eksena syang nasasaksihan.

Tas biglang may kung anong nadama si Kat na dumapo sa kanyang balikat at sya ay napatili ng wagas na halos mabingi ang buong silid sa talas ng tinig. Napapikit din sya sa takot.

*meeeeeeeoooooow* Isang pusang itim ang tumalon sa kanyang balikat at tumalon muli dahil sa gulat at nyerbyos mula sa nakakangilong tili ni Kat.

Biglang bumukas ang pinto kung saan dali-daling pumasok si Facundo na basa-basa, hubad at tila galing sa banyo.

Facundo: Anyare?!

Napadilat si Kat at nakita ang madulas-dulas na basang katawan ni Facundo at siya ay napatili syang muli.

Facundo: Wow ha! Ngayon lang nakakita ng hubong lalaki? E kani-kanina lang, sandosenang hotdog ang nasaksihan mo!

Sabay pasok sa eksena ng kaibigan ni Kat na si Eliza na basang-basa din at nakahubad. Pumasok sya at tiningnan ang paligid at sabay tingin sa kaibigan.

Eliza: Bakit ka tumili ng wagas?

Facundo: Nakita nia kasi ang matigas kong braso sa gitna ng aking hita!

Kat: Nge-Right! ATS-IF! Feeler ka masyarow! Napatay mo kasi yung itim na pusa ng bigla kang pumasok sa silid!

Facundo: Ah.... Di mo naman kasi nililinaw eh.

Eliza: E bakit ka nga tumili!

Kat: Kasi nagpapatay-sindi yung ilaw. Tapos may hangin. Then may mga itim na dahon. Tas nagbagsakan ang mga libro at may tumalong pusa sa balikat ko!

Facundo: patay-sinding-ilaw? Hangin? Dahon? bumagsak ang libro?

Kat: Oo! Kaya nga nag-freaks-outs ako!

Eliza: E muka namang ayos ang ilaw ah. Walang bintana sa room so san galing ang hangin? Malinis naman ang sahig... Pwera sa basang sahig na dulot namin ni Facundo. Maayos naman ang mga books sa shelf!

Facundo: At higit sa lahat... Pusa? Patay na pusa ng pumasok ako? E wala naman akong nakitang pusa sa loob!

Kat: I swear!

Eliza: by the moon and the stars in the sky? 

Kat: Fuck! Pero..... Teka, Kanina, andito ka sa room! Nakita ko pa nga anino mo!

Eliza: Who... me?

Kat: Yes..you!

Eliza: Not me!

Kat: Then who?

Facundo: Ano to? Who stole the cookie from the cookie jar game?!! Seriously?!

Eliza: Pagkalabas namin ni Facundo ay naligo sya, sinundan ko sya sa loob. Tapos hinilod ko ang kanyang likod. Tapos humarap sya. Tapos hinilod ko ang kanyang harap. Kaso nalaglag ang sabon. Yumuko ako. Tapos...

Kat: Stop! Ayokong marinig ang susunod na nangyari!

Eliza: Over! Sensitive teh?! E ang kembangan nio nga ni Dan kung makadetalye ka, ultimo konting halinghing at konting ooohhaaahhh...ooohh...aaaahh.... sarrrrraaaap.... dyaaaaan.... ahhhhh... e kwinekwento mo.

Kat: Sorry! So meaning kanina pa kayo ni Facundo sa banyo niya at di ka pumasok dito?

Eliza: Hindi! Kanina pa kami sa kusina at tsumisibog! DUH! Common sense lungs! Hubad-Basa.... natural sa banyo kami galing!

Facundo: Baka imahinasyon mo lang ang lahat! Baka gutom lang yan! Papadeliver na lang ako food. Nasobrahan kasi ako sa pagligo kasama si Eliza.

Eliza: Sorry.... Sorry sa pagsampal-sampal sa iyo kanina!

Kat: Ako ang dapat mag-sorry! Ako talaga ang may kasalanan. Peace na tayo ha!

Eliza: Oks! Friends Forever!

Kat: Friends Forever!

Sa tagpong magbebeso-beso na ang dalawa ay nakita ni Kat na may isang lumang libro na nasa sahig....

*Itutuloy

Wednesday, January 16, 2013

The Screen, Infection and Dark Flight 407

Hey! How are you folks?! Wonderful wednesday for you all. As i mentioned sa aking pagrandom post kahaps, nanoods ako ng peliks. And dahil medyo di ko alam ang diskarte at ang readers ng Kwatro Khanto ay di masyadong fan ng horror films, pinagsamasama ko na lang. 

1. Dark Flight 407


-Mula  sa bansang Thailand, ito ay pelikulang about sa isang stewardess na nagbabalik sa pagtrabaho. Then, sa plane na sinasakyan nila, may something na naganaps. Nagkaroon ng vengeful ghost na umepal sa eroplano at nagkaroon ng aberya sa plane. Isa-isang natetegi ang mga passengers. And sa huli nalaman na noon ay kasama din sa isang tragic plane accident ang stewardess at sya lang ang nakaligtas. 

score: 7. oo, di masyadong nakakagulat marahil kasi pinanood ko din sya ng umagang-umaga. Yung maliwanag sa room din. Saka yung computer graphics, so-so lungs

2. Infection/ Kansen


-Lipad naman tayo sa bansang japan sakay ang flight 407, char! Gawang hapon naman ang second peliks na pinanoods sa katanghaliang tapat matapos manood ng Be Careful with my heart. Ang peliks ay tungkol sa ospital na nanganganibs na magsara dahil kulang na sa gamit ganyan at kulang na sa space at pabangkrupt na. 

Tapos merong isang pasyente na during sa attempt na iligtas ang buhay, nagkaroon ng misjudgement ang doc leading to death ng pasyente(maling gamot ang ininject). Ayun, ang mga taong involved ay nag-conspire na itago ang pagkakamali.

Then merong isang pasyente na ipinasok sa ospital na may infection na bago at di pa natutuklasan. Tinanggap ng doctors kasi baka maging sikat sila. Unknown sa kanila, nakakahawa ang sakit kung saan ang mga infected ay nalulusaw at nagiging green-phlegm-like substance. At isa-isang na-impek ang mga nagconspire sa death ng pasyente.

Score: 6 din. Ewan ko. Mainit kasi noong tanghali. Saka di nakakatakot ang kaganapan. May freaky lang na extra sa movie pero waler langs. Saka magulo yung twist, or sadyang hindi lang ako na-engganyo sa story.

3. Ghost Screen


-Balik na tayo sa bansang Thailand. Eto ang 3rd peliks na nakapagbigay sa akin ng chills at mico heart attack. hahaha. Ito ay tungkol sa isang person na curious sa isang paranormal story. Gusto niyang alamin kung ano ang nangyari.

So kasama ng jowaers nia at press friends at isang guy, nag-ala-imbestigador sila. Inalam ang pelikula subalit after mapanood ang film, hindi na sila pinatahimik dahil may mga kung ano-anong entiti and evil spirits ang naghahaunt sa kanila na nag lead sa kamatayan ng dalawang friend. In the end, ang past na iniimbestigahan ay humalo sa kasalukuyan.

Score: 8.8, Nakakashock at nakakagulat at nakakatakots din ang mga scenes. Tapos solo pa ako sa house at 7pm ko sya pinanood. So creepy. For me maganda sya pati yung naging twisty thingie. hehehe.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!

Tuesday, January 15, 2013

Napaparandom na lungs....

Hey! How's your tuesday? Musta naman ang araw? Mahangin lately... saraps tumambay sa labas at magpahangin lang. Kung hindi lang dyahe ang tumunganga sa labas ng building ng tinitirhan, siguro kaya kong pumetiks ng taklong oras.


Makapag random na nga lungs....

-Magpopost sana ako ng movie review kaso di ko alam kung pano isusulat yung taklong peliks kaya naka-park muna sa draft. Di ko alam kung kelan ako sisipagin or magkakaspark sa pagsulat nun.

-Dahil malabo ang tv reception sa hideout(hideout talaga?), tanging channel 2 lang ang available. Napansin ko lang, mas mahaba pa ang wento ni Aryana at ng Princess and I kesa sa pinagmamalaking A Beautiful Affair. 

-Meron akong nabiling asian series na based sa isang anime. Noong pinanood ko na.... Mas feel ko yung anime version kasi mas funny at mas kakilig ng slight. 

-1 month na akong di nakakalaro ng games sa pesbuk dahil sa pesteng Sun Broadband. Wrong move yung nag-avail ako nung pocket wifi at ngayon nakabond ako for 2 years.

-Yung bagong bili kong Deospray sa Bench, naiwan ko sa shower room sa opis. Malilimutin talaga me. Noong one time, bagong refill na shampoo ang naiwan ko.

-Sana February na para magsimula na ulit ang mga american series na aking nipapanood katulad ng Survivor at ng The Walking Dead.

-Nakakalungkot yung nabasa kong kwento na pinagdadaanan ng isang blogger friend. Yung eksenang nakakagulat ang kaganapan na naganap sa kanyang fam. :(

Hanggang dito na lang muna. Take Care folks! Ingats!

Monday, January 14, 2013

Beautiful Boxer

Yo! Warraps! Kamusta naman kayo? First day of week so hopefully good thing is happening para tuloy-tuloy for the whole week. For today, let me share ang isang peliks na napanood ko kahapon.

As always at bilang nakasanayan na, kung ano ang title ng post, ito ang pamagat ng pelikula. And so let me share the movie 'Beautiful Boxer'.


Ang story ay tatakbo sa isang person na ininterview ng isang kanutong press. And then magkakaroon ng narration....

Magsisimula sa isang boy kiddielet na nagpunta sa isang bayan at nafascinate sa mga bagay na pang-babae. Naelibs sa Traditional Thai Dancer pati sa batang babae na may bulaklak sa buhok. And then nakapulot pa sya ng lipstick. Ayun.... nawawala na sa tuwid na daan or sa STRAIGHT life si boy.

Ayaw ng magulang na malihis ang junakis kaya inilagay nila bilang monk apprentice si boy. Pero kahit bokal na yung bata... can't fight the feeling. F na F nia padin ang pagiging girl.

Noong nasa dalaginding stage na... naghihikahos ang family ng bida kaya naman nagdecide sya na mag-aral ng Muay Thai kasi yung ang daan para magkapera. So nagtraining sya para lumakas at humusay.
Pero kahit na nasa makalalakeng laban ang bida, hindi niya maiwasan ang pusong babae niya. May time na palihim pa siyang nag-mamake-up para pak na pak ang pag-iilusyon niya na maging girl.

Kahit nabuko ng coach ang sikreto ng bida, inembrace ang pagiging beks ng bida at hinayaan nia itong maging Beautiful Bexer (Thai Boxer with Muk-ap).
Dahil din naman sa husay sa pakikipaglaban, umangat at nagiging tanyag ang Bekiboxer na malupit kung sumipa at makipagbakbakan.

Pero sa bandang huli, nagkaroon ng pagtatalo sa loob ng bida. Nais niya bang maging lalaking may pusong babae o pusong babae na pedeng maging halos ganap na babae. At napagdesisyunan nia na mag-ipon para mag-sex change at magkaroon ng pechay!
 Ang pagbabago ng bida

Maganda yung pelikula. Maganda din yung bakbakan during muay thai fight. Hanep yung labanan. Hindi sya katulad ng indie film na may bembangan kaya naman mala masterpiece. Atsaka true to life story to.
 Yung tunay na evolution ni Beautiful Boxer

Bibigyan ko sana ng mas mataas pa sa 9 kaso kasi badtrips yung DVD na nabili ko.... may subtitle nga pero 40% lang syang lumabas sa peliks. Yung ibang lines ng mga subcharacters at usapans, hindi ko alam ang naging takbo. Di ko tuloy na gets ang mga pinagsasabe during may crushy-crush yung bida sa co-trainee nia pati yung ibang mga dialogs at lines. Hays.

Pero kahit mainly visual lang, maiintindihan naman ang flow ng story.

trivia... naks, merong ganto? Ang gumanap sa pelikula ay isang tunay na lalaki at isa ring Muay Thai Boxer.

yung Actor

The original at ang Actor

O cia, hanggang dito na lang muna. Bukas, well, actually mamaya ay restday ko na (isang araw lang).... Take Care folks!

Sunday, January 13, 2013

McDonalds Happy Bundle Polar Bear: A Beary Special Love Affair

Kanina.... nainggit na talaga ako kasi may maghahappy bundle sa opis. Kaya naman pagkauwi ko, kahit solo flight lang ako sa pad, gora na at bumili ako ng Happy Bundle na good for 4 persons. Ayun. Natupad na ang inaasams ko na polar bear thingies. At napagtripan kong gumawa ng story para sa inyo. Sana ay magustuhan niows. :D

Meet Lulu
Nakilala niya si Morgan

Naging mag-jowa ang dalawa

One day, nagkakilala si Lulu at Ned

na fall si Lulu kay Ned

Tapos, nagkaroon ng encounter si Lulu kay Oscar

at nalaglag ang puso ni Lulu kay Oscar

One day, mineet ni Lulu si Oscar at Ned

At may naganap sa tatlo.

Subalit nahuli sa akto ni Morgan ang kaganapan.

Lumapit sa eksena si Morgan

At naki-join sa happenings si Morgan.

At naging masaya ang apat na bear. 
Happy Ever After.
End.

Hahahaha. O cia, hanggang dito na lang. Pero heto ang bonus pics ng 3 bears ni Lulu. Heto sa baba ang solo pics nila Morgan, Ned at Oscar. Nyahaha. 

 Ned
 Oscar

Morgan

Take Care!