Monday, January 14, 2013

Beautiful Boxer

Yo! Warraps! Kamusta naman kayo? First day of week so hopefully good thing is happening para tuloy-tuloy for the whole week. For today, let me share ang isang peliks na napanood ko kahapon.

As always at bilang nakasanayan na, kung ano ang title ng post, ito ang pamagat ng pelikula. And so let me share the movie 'Beautiful Boxer'.


Ang story ay tatakbo sa isang person na ininterview ng isang kanutong press. And then magkakaroon ng narration....

Magsisimula sa isang boy kiddielet na nagpunta sa isang bayan at nafascinate sa mga bagay na pang-babae. Naelibs sa Traditional Thai Dancer pati sa batang babae na may bulaklak sa buhok. And then nakapulot pa sya ng lipstick. Ayun.... nawawala na sa tuwid na daan or sa STRAIGHT life si boy.

Ayaw ng magulang na malihis ang junakis kaya inilagay nila bilang monk apprentice si boy. Pero kahit bokal na yung bata... can't fight the feeling. F na F nia padin ang pagiging girl.

Noong nasa dalaginding stage na... naghihikahos ang family ng bida kaya naman nagdecide sya na mag-aral ng Muay Thai kasi yung ang daan para magkapera. So nagtraining sya para lumakas at humusay.
Pero kahit na nasa makalalakeng laban ang bida, hindi niya maiwasan ang pusong babae niya. May time na palihim pa siyang nag-mamake-up para pak na pak ang pag-iilusyon niya na maging girl.

Kahit nabuko ng coach ang sikreto ng bida, inembrace ang pagiging beks ng bida at hinayaan nia itong maging Beautiful Bexer (Thai Boxer with Muk-ap).
Dahil din naman sa husay sa pakikipaglaban, umangat at nagiging tanyag ang Bekiboxer na malupit kung sumipa at makipagbakbakan.

Pero sa bandang huli, nagkaroon ng pagtatalo sa loob ng bida. Nais niya bang maging lalaking may pusong babae o pusong babae na pedeng maging halos ganap na babae. At napagdesisyunan nia na mag-ipon para mag-sex change at magkaroon ng pechay!
 Ang pagbabago ng bida

Maganda yung pelikula. Maganda din yung bakbakan during muay thai fight. Hanep yung labanan. Hindi sya katulad ng indie film na may bembangan kaya naman mala masterpiece. Atsaka true to life story to.
 Yung tunay na evolution ni Beautiful Boxer

Bibigyan ko sana ng mas mataas pa sa 9 kaso kasi badtrips yung DVD na nabili ko.... may subtitle nga pero 40% lang syang lumabas sa peliks. Yung ibang lines ng mga subcharacters at usapans, hindi ko alam ang naging takbo. Di ko tuloy na gets ang mga pinagsasabe during may crushy-crush yung bida sa co-trainee nia pati yung ibang mga dialogs at lines. Hays.

Pero kahit mainly visual lang, maiintindihan naman ang flow ng story.

trivia... naks, merong ganto? Ang gumanap sa pelikula ay isang tunay na lalaki at isa ring Muay Thai Boxer.

yung Actor

The original at ang Actor

O cia, hanggang dito na lang muna. Bukas, well, actually mamaya ay restday ko na (isang araw lang).... Take Care folks!

18 comments:

  1. maganda pala movie na to. tagal ng naaalikabukan sa cabinet. mapanood nga

    ReplyDelete
  2. waaah, looks interesting itong bekiboxer. teka, makapag search nga sa net kung saan pede panoorin toh. aside from korea and japan, ang galing din gumawa ng thailand ng mga movies nila.

    bigla ko tuloy naalala yung Iron Ladies haha, one of my favorite thai comedy film :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung iron ladies di ko pa napapanoods,.

      Delete
  3. naku napanuod ko ito years ago at maganda nga... inspiring for the beckies... kakatuwa na kikiy pa rin cya even during the fights...

    ReplyDelete
  4. matagal ko na itong napanuod ... maganda nga ang movie na itechi ... highly recommended ...

    ReplyDelete
  5. naku dame ko na nadidining na magandang reviews dito
    isa sa pinaka magandang movie daw yan ee
    maganda ung plot inspiring kahit tunay kang lalaki

    ReplyDelete
  6. I've read about this a lot pero di ko pa napapanuod haha. bongga ang pic with all the other boxers habang naka heavy muk-ap, bet ko gayahin haha :)

    ReplyDelete
  7. interesting movie. salamat sa review. pwede kaya tong ma download ;-) wahehehe kasi namn yung ke jackie chan nasa movie2k na. eto pa kaya

    ReplyDelete
    Replies
    1. meron atang downloads avail. kaso bagal net ko

      Delete
  8. mukhang gusto ko to... sana mapanood ko... may online kaya niyan....

    ReplyDelete
  9. interesting, at mukhang nakaka-inspire. knowing din na hindi beks ang gumanap sa role eh talagang magaling na aktor siya kung sino man siya. :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???