Sunday, January 27, 2013

Dating Death and Ghost Train

Warraps! Kamusta na kayo? Okay naman ba ang restday ninyo? Nakakapag pahinga ba kayo? Well, i do hope everything is good sa inyo. :D

Sa araw na ito, tayo ay magpepeliks review-reviewhan. And kung napansin nio ang pamagat ng post.... dapat may clue na kayo na hindi lang isang peliks ang mababasa, kundi dalawa!

1. Dating Death


May 7 magkakaibigan ang masayang nagbabakasyon sa isang Villa. Meroong 5 boylets at 2 girlays. Nagkaroon ng truth or conchikwens na eklatan pero puro truth ang pinili... Who is your crush ang tanong. Sumagot si boylet1 to boylet 2 na type nila si girlay1. Tapos ang crush ni girlay1 ay si boylet5! Nung turn na ni boylet 5, instead na sabihin nia na meron na sila something-something ni girlay2, ang sinagot niang bet nia ay si girlay1.

Makalipas ang gabi, nawindang ang villa dahil may putol na kamay sa room ni boylet5 at duguan ang room at basag ang salamin at tila nahulog sa bangin si boy. tsk tsk. 

After a year, nagkaroon ng inbitasyon muli sa villa at nagpunta ang remaing 6 folks. Then, may nagpaparamdam daw na multo ni boylet5 . And then, isa-isang nawala ang remaining boys.... Sino kaya ang killer????? NGES HU!!!

Score: 7... Oo, syete lang! Napap-syet lang ako sa kaganapan. Hahahah. Di ganong nakakatakot. Di mabenta kahit medyo madugo towards the end. Ewan ko... anbilibabol lang ang epeks at eklat ni killer. At nakakatawa yung merong umeeksenang labstory ni girlay2 at boylet5 shenanigans!!!

2. Ghost Train


Sa bansang Japan, merong isang train na may kakaibang misteryong kaganapans.May bagay na kapag napulot ng tao ay bigla na lang makakarinig ng bulong asking for the item back.... Yung may whisper sa ear saying......'Bring it back!'...ganyan.Tapos kapag yung person with the item ay sumakay ng train at pumasok na sa tunnel, may some force na kukunin sila at sila ay maglalaho.

Tapos eenter sa scene etong si girlay highschooler na may kapatid na babae na nakapulot nung mystery item. Then poof!! Nawala na yung sister nia. And so worried sick siya kaya naman nais niyang malaman kung anyare at asan na ang kapatid. Nag-imbestiga sya!

Tumawag sya kay mike enriquez Inalam nia ang misteryo ng anik-anik at nalaman na may isang babae na namatay sa train at may hinahanap na missing items. And so naghanap ng way si highschooler to bring her sisterback....

Score: 8. Medyo may takot factor na din saka gulat ganyan. Okay naman ang flow at pati yung slight twist na yung black lady na kumukuha ng mga passengers sa train ay biktima din noon ng mysteryosong tunnel. Okay na sana pero ewan ko, hindi masyadong creepy at eerie nung last part na noong hinahabol sila ng mga something.

Masyado bang magulo ang sanaysay ko? Well, magulo din kasi yung peliks at mahirap i-explain in common terms. hahahaha. O cia, hanggang dito na lang muna!

Superb Sunday to All and Take Care!

10 comments:

  1. Minsan yung mga japanese movie medyo magulo nga yung flow ng story minsan naman mapapaisip ka talaga kung ano yung talagang nangyari :)

    ReplyDelete
  2. Interesting tong mga peliks mo ngayon. Mahilig ako sa mga horror e. Lalo na kapag gawang Japan. Nakakatakot kaya gawa nila. :)

    ReplyDelete
  3. di ako mahilig sa horror pero thank you na rin sa pagseshare haha ikaw na hari ng movie review =D

    ReplyDelete
  4. mukang interesting yuing unang movie mala detective conan ang peg

    hmm ung pangalawa title pa lang ee kakilabots na

    ReplyDelete
  5. bet ko tong mga horror ekek lalo na pag Asian! sana may ganito sa torrent, kasi minsan pag naghahanap ako ng dvd e iba iba sinasabi at binibigay ni kuyang dvd! lol

    ReplyDelete
  6. Grabe ang hilig mo talaga sa Asian horror. Ako rin ibabalik ko na yung dati kong hobby na panonood ng Asian horror. Pati Pinoy horror na rin...

    ReplyDelete
  7. ung ghost train gusto ko iyan, :D ung isa, hmmm so so hahahaha

    ReplyDelete
  8. bumibili ka ba ng dvds nyan sir khanto or thru online mo lang siya pinapanood?

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???