Sunday, February 17, 2013

Everything I Need to Know About Love I Learned From Papa Jack!

Papa Jack- Yang sa famous radio DJ sa bansa. Kung hindi mo sya kilala, dalawa lang ang kasagutan, either nakatira ka sa ilalim ng bato na walang radyo or masyado kang conyo na nasa altasasyudad  at mga bollywood folks lang ang kilala mo.

Si Papa Jack ay kilala dahil sa kanyang radio program ng Love Radio kung saan nagbibigay sya ng mga love advice atsaka nakikipag usaps sya sa mga callers na magcoconfess ng kanilang kembot sessions ganyan.

ngayons, mukang hindi lamang on air ang pagbibigay love advice ni Papa Jack.... aba... may libro na din sya! 


Kahapon ko unang nakita etong libro sa Powerbooks pero kanina ko lang sya nabili. And para bonus pa, may book signing pa kanina at napirmahan yung kopya ko. hahaha. 

Ang libro ay may mga quotable quotes para sa mga single, inlababo, problemado sa relasyones at mga laslasbigting mga tao na brokenhearted ganyan.

Score: 9.2! Taas. Bukod saayos ang contents at quotes, ayos din sa akin yung mga illustrations na kasama sa loob. Alam mo yung nagbabasa ka ng book na hindi boring at nakaka-entice magpatuloy sa pagbuklat.

Sample:

-When we fall in love, we see more than flowers, laging may butterflies

-Have faith sa relasyon ninyo na kahit wala kang makitang daan. Blindly you will go on, because true love comes in faith.

Compared to Ramon bautista's book, maganda din for me yung quality ng paper na ginamit for publishing saka oks ang design. Isama mo na ang presyong abot kaya na 143 (i-love-you price???)

Bakit hindi mas mataas ang score kung nagustuhan ko naman? E pano yung nagpakuha ako ng picture, yung babaeng kumuha ng shot mali ang pwesto, nagmuka akong super duper balyenang katabi si Papa jack. Hahahah. 

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

9 comments:

  1. nice idol ko yan si papa gack kahit minsan lng talaga ako
    nakakapakinig sa kanya
    anyways ito pala ung book na nakita mo
    buti na lang di mo binili kahapon kundi di mo
    napaprimahan kay papajack hahah

    ReplyDelete
  2. Okay din yan magadvice eh, although hindi aq tutok lately sa radio, hehe

    ReplyDelete
  3. Hindi ako fan ni papa jack to be honest, but this book is quite interesting. Pabasa ko nga sa friend kong fan. Hehe.

    ReplyDelete
  4. ay may libro na rin pala si Papa Jack, ang galing!

    yes, I know him pero very seldom lang ako nakakapakinig sa evening program nya sa 90.7 love radio eh.

    minsan na kay DJ Chacha ako ng Tambayan 101.9 nakikinig or sa Todong Todo Bigay na Bigay with Shalala sa 92.3 news fm :))

    ReplyDelete
  5. Nakita ko rin ang book na ito, kaso walang pambili. :D May Ramon Bautista book din ako.

    ReplyDelete
  6. Nakikita ko nga mga quotable quotes nya everywhere hahaha!

    Umasa akong makikita ko picture nyo! :((

    ReplyDelete
  7. hanap ako ng hanap ng book ni papa jack sa national dito s market! market!
    pero wala sold out ba?huhu gustong gusto ko tlaga bumili pero wla akong makita!

    ReplyDelete
  8. hehe di rin ako nagtanong ....haha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???