Sunday, June 30, 2013

Malapit Na


Ayoko na sa inyo!
Hindi ko na kayo gusto!
Kailangan na nating maghiwa-hiwalay ng landas!
Yan ang sinabi ko sa tsokolate at matatamis na pagkain.

Buti nandyan lang kayo palagi.
Mabibigyan niyo ba ako ng isa pang pagkakataon?
Maaari bang balikan ko kayo?
Ang aking winika sa prutas at gulay.

Patawarin mo ako.
Alam kong ako ay nagpabaya at ikaw ay nabale-wala
Subalit babawi ako sa iyo.
Ang aking pinangako sa pag-eehersisyo.

Heto ako, hindi basang-basa sa ulan.
Naghahanda at sinisimulan.
Ang pagpapabalik-alindog.....
Malapit na.....

*-*-*-*-*-*-*-*-*





*-*-*-*-*-*-*-*-*
 

5 comments:

  1. Abangan ko 'yang balik-alindog program mo ha... 'pag effective, paki-share sa 'kin... hehehe

    Gudlak po sa 'yong entry!!!

    ReplyDelete
  2. goodluck po sa entry para sa pakontes ni iyahkin

    ReplyDelete
  3. wow goodluck parekoy, ako maxado nang busy para gumawa pa ng entry ee amp haha

    ReplyDelete
  4. pinapatawad ka na nila! hehehe! salamat! :)

    ReplyDelete
  5. finally nakasali!!!! good luck sa atin :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???