Monday, September 30, 2013

R.I.P.D.

Hey! Howaryu? Oks pa naman ba kayo? Ako..... Kaya ko pa naman.... hahahaha. Okay pa naman ang mga bagay bagay at buhay padin ang apoy ng pagsusulat. 

For today, movie review-reviewhan padin, at hindi ngayon asian peliks, it's a US film pero hindi na sya super duper latest. Tamad ako for the past month na puro marathon lang ako ng dvd kapag restday e. 

Well heniway, wag na tayong magpatumpik-tumpik pa, simulan na natin.....

Ganito kasi ang storya ng peliks.....


Bago pa maging Green Lantern si bidang guy, isa muna siyang 'pulis-pulis-kung-umaksyon-mabilis' guy. Pero sa kasamaang palads, trinaydor sya ng kanyang pakner. Ayun, na-dedo sya. RIP.

Pero nabigyan ng chance of a lifetime si kuyang pulis na kakadedo lang kasi binigyan siya ng job (nope, not the hand or the blow and not steve) bilang isang pulis padin naman pero taga-capture ng mga kakalat-kalat na dedo na. Dito niya magiging kapakner ang isang cowboyish grandpa-like guy na isa ding police sa kanyang sariling panahon. Together, sila ay police officer ng Rest In Peace Department or R.I.P.D.

So syemps, hindi lang ganun ang wento... ano to, lokohan, pelikula lang ng tungkol sa cop na natigok tapos parang na-resu at naging tagahuli ng patay na folks, syempre dapat may kalabs at grand-plan ng kalaban.

Ang kalaban??? Yung pakner ni guy na pumatay din sa kanya. At ang grandplan??? Kung alam ninyo yung anime na 'Ghost Fighter', may hawig doon. May portal na kayang magkaroon ng link from the ,mortal world ng tao magkakaroon ng connection from the mundo ng mga halimaw thing.

Ang score ng film???? around 8 lang. Yep.... 8 lang to for me. Oo, uulitin ko, 8 lang po. hahaha.

Well, walang masyadong kapanapanabik at kagilagilalas na bagay sa peliks na iyon. The only difference at medyo aliw factor lang ay yung tila new look ng dalawang police... si cowboy ay isang hottie blonde girl while si bidang guy na napatay ay isang patandang chinese guy.


Aniway, pwede na din pampalipas oras ang film... Sakto lang naman ito.

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Friday, September 27, 2013

Raaaaaaandooooom


I'm back! Lols! Kamusta naman kayo? Sbeen a week! Maygas! Wag na tayong magpatumpik-tumpik pa, simulan na ang random thing.

1. 2 weeks na akong medyo busy sa work. Hindi naman talaga busy na busy pero nakakadrain ng battery busy. Yung feeling mo wala ka nang ibubuga, wala ka nang maramdaman...

2. 5 years na me sa trabaho kong ito at until now, same-same padin. Naubos na yung mga kakilala ko at minsan naiisip ko, gusto ko naman na ako ang mang-iwan at hindi yung naiiwanan.... Alam mo yung feeling na para kang stranded sa island ng survivor, yung eksenang pakunti na lang ng pakunti ang tao.

3. Nagiging grumpy nanaman ako lately... nagiging bugnutin, irritated and stuff. Hahaha. getting annoyed sa mga bagong folks na kasama sa floor. Nope, di ko sila ka-team, di ko sila ka-close and bothered ako sa ingay nila... lols... 

4. Kakasad na 2 friends ang namatayan ng magulang. Si friend 1 ay namatay ang kanyang mudrax while friend 2 ay namatayan ng pudrax. Yung moment na bigla mong maiisip na paano kung sa iyo nangyari yung ganung moment. Magiging strong ba ako or baka mag breakdown.

5. Series season nanaman, nag-aabang na lang ako sa mga folks na nagdodownload ng mga episodes ng Survivor, The Voice at How I Met Your Mother.

6. For my past restdays, tambay lang ako sa bahay at nagmamarathon ng Survivor Series. Backtrack ako from season 2 onwards. Ngayon ay nasa season 11 na ako.

7. Nagchecheck na ako ng mga damit na pedeng i-share for the upcoming bloggers outreach. Di pa ako sure kung anong books ang pedeng idonate.

8. Lately ay pagjojobos ang aking pinagkakaabalahan para sa mga damit kong medyo namantsahan na di matanggal. Medyo sablay yung mga gawa ko... lols.... more practice sa pag-dye ng damit.

9. I'm getting tired na ata sa pagsusulat at pagwewento ng anik-anik na kakapiranggot lang naman ang nakakabasa at interesado. Para bang hinihila na ang bloghouse na ito sa mga nagsarang bloghouse.

Hanggang dito na lang muna..... Take Care folks!

Friday, September 20, 2013

Flame of Recca

Flashback Friday na mga tsong mga tsang! Weekend na ang kasunods! Sensya na nga walang post lately dahil busy-busy sa opis... Handaming calls kaya wala much akong time makapagsalitype at magwento ng anik-anik. As in... Nakaka-hagardo Versoza!

Pero kahit na ganun, kailangan padin magkaroon ng laman ang blog ko... you know, parang pagkain lang, kailangan kumain padin ganyan. So kailangan may post pa din.

And for today, flashback tayo kasi isang anime from somewhere years-years ago na ipinalabas ang show na ito. Ito ay Flame of Recca!


Ito ay tungkol sa binatilyong may pangalang Recca. Si Recca Boy ay isang fanatic ng mga ninja history. Alam mo yung may pagka-fantard na F na F at amazed na amazed sa mga ninja.

Then along the way, malalaman ni Recca na kaya pala siya fascinated sa mga ninja ay dahil sa kanyang ugat (nope, not the ugat down down there!) dumadaloy ang dugo ng isang famed ninja clans.

At dito niya nalaman na ang kanyang mudrakels ay gumamit ng forbidden jutsu para mailigtas sa kapahamakan si Recca. Kasabay nito, nalaman din niya ang hostory ng kanyang clan kung saan sa mga clan ng ninja, merong 2 master smith (meaning panday) ang gumawa ng mga mahihiwagang sandata (not sandata in a greenish way).

During the time na nalalaman ni Recca ang history ng kanyang clan, meron siyang kinakarir na girlay. Ito ay si Anna Yanagi. And it turns out, may kakayanang mag-heal etong girlay na binabakuran ni Recca.

Tapos along the way, may kalaban na balak mapasakamay si Anna dahil eto raw ang suso este susi para maging immortal (hindi po yung palabas sa channel 2 noon about bampira at lobo).

So here comes Recca to the recue kasama ang kanyang groupies para iligtas at ilayo si Anna sa kapahamakan at malipon din or makuha ang ilan sa mga mahihiwagang sandata ganyan na pwedeng gawing kasangkapan sa kasamaan. 

They make sali-sali sa isang tournament called 'Urabuto Satsujin'(something like that ang pagkakabanggit sa TV).

Sino-sino ang kasama sa group?:


1. Aira Kirisawa - Ang amazona girlay na schoolmate at member sa team ni Recca. Tomboyish ang peg pero girl na girl sya. Ang mahiwagang sandata na napasakamay niya ay ang 'Fujin'. Ang sandatang ito ay kayang kumontrol ng hangin.


2. Max Domon- Ang bruskong kengkoy na schoolmate din ni Recca. Remember Alfred ng Ghost Fighter? Parang ganun ang peg niya. Physically strong pero may pagka-shunga. ang mahiwagang sandata niya ay ang Ring of Saturn, Kuchibashi Oh at Tetsugan na nakakadagdag sa kanyang monstrosity prowess.


3. Dylan Mikagami- Ang pretty boy ng team. Isa siyang member ng rejoice models, #HabaNgHair. At first naging kalaban siya pero naging essential member ng team. Ang kanyang mahiwagang sandata named 'Ensui'. May kakayanan etong gamitin ang water maging sword or makagawa ng ice (nope, hindi ice tubig, ice candy at cube ice for drinks).


4.Lorkhan Koganei- Ang youngest sa team. Same with Dylan, he started as isa sa mga bad folks turned to a good guy. Ang kanyang mahiwagang sandata ay ang 'Kogan Angki'. May High IQ sya at kaya niyang bagu-baguhin ang kanyang weaps like puzzle. Pedeng maging Spear, Gunting, Boomerang, Bow and arrow, and something with chain thingy.


5. Recca Hanabishi- Syempre, ang pinaka bida kasi sa kanya nakapangalan ang show. Wala siyang mahiwagang sandata kasi ang powers niya ay gumawa ng apoy pang-ihaw ng marshmallows...joke. May kakayanan siyang magpalabas ng flame dragons.


6. Anna Yanagi- Ang kalandiang wagas ni Recca. Healer. At ang pinagkakainteresan ng kalaban kaya lagi na lang siyang nasa kapahamakan.

Namention ko kanina na ang powers ni Recca ay Flame Dragons right? So heto sa ibaba ang pics ng 8 Dragons niya. Ang names nila ay sila Nadare, Saiha, Homura, Setsuna, Madoka, Rui, Kokou, Reshin.


In terms of kalaban... ang pinaka-kalabs sa palabas ay si Kurei. Siya ay somehow half-bro ni Recca pero malaki ang galit nito kay Recca. Apoy din ang power ni Kurei at ito ay black flames at ang kanyang jowabels turned flame.


Eto pala ang mga larawans ng mga folks na nakalaban ng team ni Recca.


Maganda tong anime na to kaso nga lang ay bitin kasei hindi niya natapos yung totoong story na nasa manga. Andaming development sa manga na masaya na na-animate atsaka madami pang mga mahiwagang sandata ang naintroduce.

At at at...... Ang medyo nakakalungkot na eksena na twisty thing sa development ng wento ay noong nalaman ni Recca na siya yung cursed child na nabanggit sa history ng clan nila. At ang isa pang twist ay ang naging flame power si Anna yanagi.

Pero kahit na ganun, isa padin ang Flame of Recca sa cool anime about ninja during those time.... Sorry Naruto.... lols.

O sya, hanggang dito na lang muna folks! Take care!

Saturday, September 14, 2013

Saving General Yang

Hey, wazzaps! Medyo di na me nalalayo sa normal empleyado ng pinas na pumapasok from mondays to fridays at pahinga ng saturday at sunday. At di lang yun, nakikibaka me sa paghahanap ng masasakyan papasok kasi para akong nasa amazing race na nakikipagkarera makasakays lungs.

Eniwayz, walang kinalaman sa work life ko ang post na ito. Peliks mode kasi nanaman me at kapag may pelikula, merong review-reviewhans. So let's get it on shall we?


Pamagat: Saving General Yang (nope, di sya related kay Saving Private Ryan)

Lapit mga kaibigan, at makinig kayo (listen up yo!). Ako'y may dala-dalang balita, galing sa bayan kow (listen closely yo!)... char.

Ang wento ay magsisimula sa lugar ng mga chinese type filks na mayaman sa mga kwentong digmaan at bakbakan ganyan.

Mayroong mag-asawa, ang mudrax at pudrax Yang (yan po ang apelyido nila). Ang padre de pamilyang si General Yang ay isang general opkors. Tapos may napipintong warla from their kingdom at dayuhans.

 Si Pudrax Yang

Mudrax Yang

Naatasan si General Yang to make dipinsa at kalabanin ang pwersa ng kalabans. So he make sugod-sugod laban maskuman at make away-away na sa pwersa ng kasamaan ganyan.

Pero ang kalaban ni General yang ay junanaks ng nakalabang soldier noon ng heneral. May balak si kalabs na make revenge to pudrax general.


Gumawa ng way ai kalabs na parang macorner at matrapped si General para di makauwi ng buhay. Parang napalibutan ng kalaban ang place na pinagtatambayan ng mga sundalo ni General.

Noong nabalitaan ng family ni General ang kaganapan, nagdesisyons ang 7 kiddos ni General (wow, andami niyang nabuong anak sa kembyular niya sa asawa) na iligtas ang ama, kaya sugod-sugod laban maskuman din ang ginawa nila......(without stating Sugod mga Kapatid!!!!)



 1st 
Yang Yan Ping

 2nd
Yang Erlang

 3rd
Yang Sanlang

 4th
Yang Silang

 5th
Yang Wulang

 6th
Yang Yanzhao

  7th
Yang Yansi

Lingid sa kanilang kaalaman, it's a trap ang ginawa ng kalabs kasi ang balak niyang klaseng revenge ay para kay Mudrax Yang. Nais niyang ipadanas ang lungkot at brokenhearted na nadama ng nanay ni kalaban noong napatay ang kanyang father dearie.

And somehow one by one, bumagsak at natigoks ang mga magkakapatid until isa lang ang nakauwing buhay sa mudrax yang. at nagtatapos na ang wento.

extra:
Si 3rd son pala ay si Vic Chou or Wachelei ng Meteor garden (anhirap i-spell ng name lols). At si 6th son naman ay si Wu Chun or yung bidang guy sa taiwan version na Hana Kimi.

-=-=-=-=-=-

Score, 8.9 for me! Hahahah. Kahit action-action ang category ng movie, well, nagustuhan ko naman siya at na-appreciate ko naman ang peliks.

Mga good factors ay ang combat scenes sa battlefield with the dugo-dugo splatter and alike. Tapos maganda din yung locations na pinag-ganapan ng battles lalo na yung battle ng archers (3rd son vs archer ng kalabans). Okay din yung effect na tila may kanya-kanyang weapon specialty ang pitong magkakapatids. Tapos nakakasad din yung moment na isa-isang namamatay yung magkakapatids.

Ang di ko lang nagustuhan ay yung part sa una ng pelikula about the parang challenge na naganap tapos medyo i feel awkward dun sa labanan na masyadong obvious ang effects na nawalang ng realistic touch.

Kung feel ninyo yung mga fighting scenes and film with flavors of chinese culture and history ganyan, then pasok sa listahan ng good film ang peliks na itow.
-=-=-=-=-=-

O cia,hanggang dito na lang muna! take Care! Happy Weekend!


The Hazel Calandria vs Ivan Mayrina Thing

Medyo wala pa talaga akong dapat post kasi wala akong maisip na topic for my post. Pero pagkauwi ko sa bahay after ng videokehan with my team, nakita ko sa FB feed ang isang issue....


Ganto kasi... Mukang may nanonood ng news feed tungkol sa kaganapan sa zamboanga at nakita ni girlay ang reporter na si Ivan Mayrina na nag-uulats tungkol sa pangyayari.

Then, enter si girlay at use social media to make screenshot of the news reporter and make statement na nanlolowkow daw ito kasi hindi daw po sa Sta. Barbara (a place and location kung saan siguro nagaganaps ang anik-anik).

Ang girlay ay itatago na lang natin kunyari sa pangalan na HazelCalandria. Makikita naman iyung name sa larawan. hahaha.

Heto yung link sa FB: pindot here

Andaming mega react from both camps, may syempre nagalits kay reporter na Effort talaga sa protective gears and stuff while reporting. Meron din syempreng kampi kay reporter kasi he's just doing his job at may strong bones na bumyahe to Zamboanga para magreport kahit may chance na madamay sa putakan and stuff.

Heto ang screenshots ng tweet results for ms. Hazel.



Heto naman ang screenshots ng pinagsamang mga may nega say about Ivan Mayrina.


Anmasasabi ko?

Personal na opinyon lang.....

E ano kung naka full gear ang reporter na si Ivan? Walang masama. Naninigurado lang na kung sakaling may bakbakan na maganap or may mga ligaw na bala na lilipad-lipad kung saan,may initial protection siya.

Ano bang gusto ni Ms. Hazel, magreport si Ivan na walang gear tapos may background music na 'Titanium'???

I'm bulletproof, nothing to lose
Fire away, fire away
Ricochet, you take your aim
Fire away, fire away
You shoot me down but I won't fall
I am titanium
You shoot me down but I won't fall
I am titanium


Sa part naman ni Hazel, di ko alam kung napakinggan niya ng claro at malinaw ang report o baka naman nag jump into conclusion sya just for the sake of stating kung ano ang nasa isipan niya. Pero ang downfall ng ginawa niya, medyo sumikat sya sa FB ha. 

Pero... chain reaction na ang naganap....... lahat na ng tao na opinionated ay may different POV sa kaganapan. At... ang masaklaps.... Pasok nanaman ang mga pagmumura, panlalait, pang-iinsulto... hindi lang kay Ivan, kay Hazel, pati na din sa mga kapwa commentors at folks na nagbibigay ng kuro-kuro at statement.

Grabehan langs.

Ang masasabi ko na langs... Hinay-hinay lang sa ating mga sinasabi at nasasalitype.... Minsan, mas masakit pa sa literal na bugbog ang mga pangungutya at panlalait natin sa kapwa....

Kayo na po bahala magbigay ng husga...

Eto pala ang youtuberovideo ng news.

#PrayForZamboanga #WorldPeace #MakeLoveNotWar #SanaPagIbigNaLang #HumahashtagSaBlog


Take Care folks!

Wednesday, September 11, 2013

Traitor of Love

Hello there! Hinto muna sa review-reviewhan. Youtube muna tayo. hahaha. Nope, di ito scangdal like chito or wally. Music video mode.

Medyo fan ako ng thai culture at ng nakita ko at nadinig etong music vid, nakakasad. huhuhu. Grabehan ang kaganapan. Watch niow na lungs.


Tandaan folks... wag tularans. Be loyals.... loyal thru orange ganyan. 

TC!

Monday, September 9, 2013

Now You See Me

Hey! Musta? Hope you're all doin' great folks! Hahaha. nasabi ko na asian peliks naman ang eentrada sa aking bloghouse pero medyo nagbago ang mga bagay-bagay kaya naka-park muna ang asian peliks review at mag US film muna tayo.

Yes, tama ang inyong hula-who sa pamagat ng movie.... ito ay walang iba kundi 'Now You see Me'.


Handa ka na ba sa review-reviewhan? Well, doncha worry, di ko gaanong iispoil ang peliks.... sabi nga sa commercial ng Mcdo...'Konti Lungs!'. hahaha.

Pero kung ayaw mo ma-spoil... fine... you got to go.. you are the weakest link, the tribe has spoken, pack up your knives and go, pinapatawan kita ng forced eviction, your tour ends here, you did not get a rose, you've been eliminated from the race, you're fired, you're no longer in the running to become the next top model.... goodbye!











Wow, kung desidido kang mabasa ang review! Congratumalations! I WANT YOU! hahaha.

Okay, ganito kasi yun, sa simula ng peliks, ipinakita ang 4 skilled illusionist kinda tricksters kinda performers kinda mentalist folks na may relate sa mga magic and stuff like that. tapos yung apat na katao na iyon ay nakatanggap ng cards... nope, not credit cards, hindi rin bingo cards... it's some kinda tarrot card-ish kinda thing (oo umulan ng kinda sa paragraph... hahaha)





Change scene, lumipas ang araws, nagsama-sama na yung foursome folks na tinawag na 'Four Horsemen' kung saan nagperform sila ng magic show thing na nag-involve na pagnanakaw raw sa banko. At pooooof! Nanakawan nga ang isang banko pero ang kakaiba ay ang bank ay nasa France habang ang magic act ay naganap sa tate, sa uhmericuh! Huwat???!!!

So here comes the pulis-pulis-kung-umaksyon-mabilis folks and they want to know pano nangyari yun. So enter si Mike Enriquez as Imbestigador pulis and girlay from interpol to know what love is paano nagawa ang trick.



Sinubukan ng mga kapulisan paano naganap ang anik-anik magic hoolabaloo at paano nagagawa ang pagnanakaw thing at kung ano pa ang magiging balak ng 4 horseman. So they make inquire sa isang magaling na magician na nangbubuko (hindi po yung literal na buko-buko ha, i mean buko as nang-rereveal) ng tricks na ginagawa sa magic. They also make imbestiga the person na tila financier ng 4 horseman.



Now, mahuli kaya ng pulis patola ang 4 horseman? O mamamayagpag sa kagilagilalas na performance ang apat na may relate sa magic thingy? Abangans...

dito ko na puputulins ang synopsis. hahaha. Maganda kasi itong film kaya i do suggest to watch it. Kayo na bahala kung sa paanong paraan ninyo mapapanoods. hahaha.

Score??? 9.5! Maygas pulgas! Hantaas! Oo, mataas talaga. Kahit medyo may sablay yung copy na nakuha ko, deserve padin ng good score ang film! 

Entertaining yung magic trickies and ekplanations ng heist na naganap at kung paano naisakatuparan ang mga anik-anik. It's parang Lupin-ish ang feel kung saan mahusay ang mga plans at strategy to do the trick ganyan.

At..at..at... maganda ang twisty thing sa huli. Hehehehe. Nice, nice, nice!

O sya, hanggang dito na lamang! Take Care! Auf Wiedersehen!

(pasensya na, medyo mabigat yung flash image na ginamit for the post. hehehehe)

Saturday, September 7, 2013

Conjuring

If you're happy and you know it, Hide and Clap (clap clap)
If you're happy and you know it, Hide and Clap (clap clap)
If you're happy and you know it, then your face will surely show it
If you're happy and you know it, Hide and Clap. (clap clap)


I know.... i know.... it's kinda huli na for the review.... pero what can i do.... natambakan ng shitness and stuff. Pero donchawori.... may kasabihan nga.... better late than nevah!

For today, siguro naman knows na knows- heaven knows kung ano ang pamagat ng peliks na bibida sa review-reviewhan...... It's Conjuring (ˈkänjəriNG, sige, you make sleng-sleng and make pilipit your dila to pronounce it right)

Around last month pa tong peliks na ito na talk of the town ng mga tao so siguro naman di ko na kailangan maglagay ng warning about spoiler and stuff like that. 

Chucky, Annabelle, Tiffany, Chakadal

Magsisimula ang peliks tungkol sa manika named Annabelle (hindi rama ang apelyido) na pinsan sa mother side ni Chakadal at kinakapatid sa kumpil ni Chuckie at kumare ni Tiffany na bride of chuckie.

Agaw eksena much si Annabelle to make papampam sa girlies na kumopkop sa kanya ganyan... Epal kung epal lang tong manikang to para mapansin.

Pero wala naman gaanong kinalaman tong si Annabelle sa pinaka main story ng film.... Wala lungs.... kailangan lang ng spotlight sa kanya ganyan. 


Well, magsisimula ang wento talaga sa Perron family (Insert Don't cry for me Argentina song here, lols) na composed of mag-asawang may limang junakis na naglipat bahay somewhere in America. Ayos naman ang lipat bahay nila pero medyo nag-iinarte ang kanilang doggiedog na parang may nararamdamang ewan na aura sa bahay kaya ayaw pumasok.

After nun, deadbol ang aso tapos medyo nakakaranas na ng anik-anik na paranormal shenanigans sa bahay na nilipatan nila. Ang ilaw ng tahanan na mudrax ng 5 kiddos ay nagkakaroon ng pasa sa katawans. Tapos sa mga next days, medyo iba-ibang things ang nadadanasan ng mga chikitings.

Dahil sa mga di mapaliwanag na kababalaghan..... humingi ng tulong sa team ng VERUM EST Ghostbusters ang mag-asawang kilala sa pag-iimbestiga (excuse me po! *mike Enriquez peg) sa mga paranormal shindigs. Ito ay ang mag-asawang Ed and Lorraine Warren.


Tapos nalaman ng Perron Family na ang gumagambala sa kanilang fam ay isang babae named Bathsheba na inakusahang mangkuku (mangkukulam) na nag-attempt na isakripisyo sa demongyo ang sariling junakis. Pero sa kademongyohang-palad, nagpakamatay yung babae at make curse sa mga folks na kukuha or aangkin sa territoryo/lupa.

Then.... ang madre de pamilya ay nasaniban ng masamang ispirito at gonna make attempt na patayin ang sariling junakis tulad ng mga previous cases ng mga pagpatay ng mga mothers sa kanilang anaks.

At sa huli, may exorcism na naganap tapos the end.

-=-=-=-=-=-

Technically, nakakagulats naman ang peliks lalo na kung magugulatin ka at nerbyoso kaka-kape ganyan. Tapos kung medyo hindi ka sanay sa panggugulantang, siguro mapapa-wiwi ka sa salawal mo while watching or may isang kamay sa iyong mata tapos you gonna make takip while the other mata ay nanonood. 

Mas KAKABAKABA (teka, palabas to ah?) at OKATOKAT (show din to ah) panoorin ang film siguro kung sa moviehouse papanoorin tapos madilim, malamigs  at walang katao-tao.

Kung sa sinehan ko to nipanood, bibigyan ko na ng 9 to. Hide and clap! Hide and clap!!! 

Pero since sa loob lang ng bahay ako nanood, at kahit mag-isa at patay ng ilaw, di masyadong epektibs ang film for me.... So pede na ang score na (.987654321 x 27 / 3)......... hala, get the calculator......... ang kasagutan ay..... 8.88888889 ganyan. Saka kaya may bawas ang puntos ay dahil sa di ko masyarowng makonek talaga yung si Annabelle.

O sya, hanggang dito na lang muna. Abangan ang asian peliks sa susunod na post.

Take Care folks!

Friday, September 6, 2013

The Mortal Instruments: City of Bones

Hello There! Hey hey hey! Friday na today at sisigaw na kayo ng tengkz god its praydei! Bukas ay araw nanaman ng pahinga ng mga tao. hahaha.

For today, mag movie review na tayo kasi medyo natatambakan na ako ng peliks na napanood na di man lang nabigyan ng rating-ratingan. So heto na at magkakaroon ng review-reviewhan ang isa sa film na aking napanood. For today, it's 'The Mortal Instruments: City of Bones'.


O, babala muna...... Sa mga ayaw ng na-iispoil sa wento... naku, maglagay ng spoilscreen para di tablan ng spoiler and everything...

O ready na ba kayo????? sure?????? handang-handa na??????

Magsisimula ang wento sa isang girly thingy na na maputi at maganda. Tapos si girlita ay nagkakaroon ng wierd thingy kasi suddenly napapadraw siya ng somekinda-symbol na di niya alam kung ano.


One day, isang araw, kasama ang geeky-geeky friend niya na slightly lampayatot peg, nagpunta sila sa bar at may nasaksihan si girl na patayang naganap. Pero ang wierd thing, siya lang ang nakakita.


Then, may umatake sa mudrax ni girlay, at nagpanic si girl and make hanap-hanap sa kanyang nawawalang magulang. Di niya mahanap sa lost and found ang mudrax at di rin siya makapagpaskil ng missing poster ganyan.

Then nalaman ni girlay na isa siyang 'SUBO' este 'SUGO'.... you know.... chosen one kinda thing. Nalaman niya na ang mudrax niya ay isa sa mga shadow hunter thingy. Kung saan sila ang pumapatay sa mga demonyo and the likes.



Sa tulong ng trio shadowhunters, at pagtatanong sa isang gay warlock, ineembestigan nila kung ano ang pakay ng dumukot sa mudrax ni girlay at napag-alaman nila na ang habol pala ay isang baso.... ang Mortal Cup.


Now, on the quest sila para mahanap ang mother-dearie ni girlay at hanain ang mortal cup at ilayo ito sa masamang kamay ng ex-shadowhunter turned evil na may name na Valentine.

At dito ko na tatapusin ang synopsis kuno ng wento. hahahaha.

Hmmm.... di ko po nabasa ang libro na pinagmulan ng wentong ito so wala akong ka-ide-ideaya kung sobrang book-alike ang wento or merong eksenang dagdag-bawas for the sake of creating a movie.

Masasabi ko na okay naman ang flow ng wento. Mabilis naman ma-pick up ng normal na tao ang story. Okay naman ang battle scenes. Sakto naman din ang kiligsena at selosena na naganap sa lovetrumatriangle ng bida with the boylets.

All in all, bibigyan ko ng 8.5 ang movie. Great but not super duper stunning for a 9. Lols. Opinyon ko lang to ha, so wag na kumontrapelo ang fan ng book. nyahahaha.

O siya, hanggang dito na lang muna, nektaym naman, yung KANJURING ganyan...

TC folks!

Wednesday, September 4, 2013

Solo Travel sa Cebu Day 3.5 and 4

Yellow folks! Zups? Hopefully ay oks kayo. Sana ay happy naman kayo sa buwan ng september. Heniway, sa araw na ito, tatapusin ko na ang wentong Cebu ko kasi alam ko na wala naman may care bear. hahahaha.

Matapos ng ang meet and greet with the butandings, medyo pahinga lang ako. Kumain lang ako ng isang pirasong mamon at gora na ako sa side trip sa Oslob.

From the Tam-awan, nag-habal-habal me para maglakwatsa sa isang falls sa may Oslob. Ito ay ang Tumalog Falls. Di ko alam kung nag-increase na ang travel fare ng habal-habal kasi based sa mga nabasa ko sa ibang blogs noon ay nasa 100 petot ang bayads. Pero pagkakasabi sa akin, 150. Ohwell papel.... keri na yan.




Anhirap sumelfie hahaha. Habang naka-angkas sa likod ng motorcycle ay ninanamnam ko ang sariwang hangin ng probinsya. Yung walang polusyon and stuff like that.

Pagdating sa may bukana papuntang falls, sinabihan ko si koya motordriver na sunduin ako after mga 2 hours. Syempre, kailangan ng time for self ganyans at dapat may oras to do selfies.



At syemps, dapat may selfie pagdating sa falls mismo. Kailangan makakuha naman ng pic ganyan.



Sakto lang yung falls pero di siya katulad ng falls sa Baler na pede kang magswimming overload. Mababaws lang kasi yung water-water na binabagsakan ng tubig kaya parang mas okay lang ang shower-ish thingy sa falls.

Matapos sa falls, mga 20 minutes to 25 na ride papunta sa heritage ng oslob. Doon makikita ang isa ding lumang simbahans at structures saka ang tabing dagats.


After this, back to Tan-awan na ako at doon na ako naghanap ng ride pabalik kng Cebu City. Kahit medyo-wettish pa ng slight ay wapakels. hahahah. Aircon bus ang sinakyan ko at 5 petot or 10 petot lang ang difference ng pamasahe compared to ordinary bus. (damage: P155)

Around 1:30pm na ng makabalik ako sa city at kumain muna ako sa SM City Cebu at bumalik sa hotel at maligo at makapagpalit ng damit.

Then next stop, ay ang ilan pa sa di ko napuntahan sa listahan ko for day2. So ang sumunod na destination ko ay ang Taoist Temple.

You gonna make sakay sa jeep at dapat magpapababa ka sa tinatawag na Eskina Sudlon. Kung galing ng SM Cebu, ang jeep na may karatulang 04L ay pwede na. dadaan yun sa place. Tapos, pede kang magtaxi papuntang Taoist temple na siguro magiging around 40 to 40 ang bayad or kung kuripoching ka, habal-habal hanggang sa gate ng subdivision at make bayad lamang ng P20.

Sa loob ng temple, kailangan mag-adapt ka sa kapaligiran kasi bawal maingay, tapos ang suot ay di vulgar-ish, so sa mga gerlz, bawal po ang peykpeyk shorts. sa boys ay bawal at betlog shorts... bawal maiikling damit na baka lumuwa ang mga kinakatagong dyamante ganyan. Tahimik din dapat. At bawal picturan ang altar sa loob ng praying room ng temple. Baka paalisin ka ng bantays.





Pupunta pa sana ako ng Tops, kaso medyo naghesitate ako kasi solo lang ako. Saka gabi, mahirap na. hahahaha. So balik SM na lang ako at nag-internet nanaman for the game na kinaaadikan ko.

-=-=-=

Day4 ang final day ko sa cebu at ang day na wala akong gaanong pics. Eto pala yung day na mineet ko ang Blogger friend na si Tabian na malaki ang naitulong sa aking hindi pagkaligaw sa pagbyahe. hehehe.

Since 9am ang tapos ng shift niya, tinext niya ang jeep na sasakyan ko at saan ako bababa para puntahan ang kanilang owpis. Doon ako nag-antay sa kanya.

After that, sinamahans niya me kung saan makakabili ng pampasalubs na anik-anik like the Otap thingy at mga keychains for my owpismets. Bibilan ko sana ng shirt ang sisteret ko kaso aside sa walang size na avail sa request niyang color black na shirt, di ko feel ang designs kaya hahahah, wala sya pasalubong. lols.

After mamili, pinakain ako ni Tabian sa isang lechonan somewhere... di ko matandaan ang place pero ang name ng establishment ay Rico's lechon (something like that, di ko totally maalala name eh, saree).

Masaraps ang lechon nila dits kasi may dalawang klaseng... may regular at merong spicy. Syemps tinikmans ko pareho at masaraps both at malutowngs. Kahit masira ng one day ang diet, keri lungs.

Wala nanaman kaming pic ni Tabian during our pagkikita (same din ng mineet ko sya dito sa manila last year, hahaha, sume-semi-anonymous naman sya eh, hehehe).

After noon, nagpalipas na lang ako ng oras sa mall ulit at nagdecide manood ng sine... yung Mortal Instruments (which is magkakaroon ng review-reviewhan sa aking bloghouse).

What? Tapos na bakasyoneskow? #sad

Mga 8pm ang flight ko pabalik pero maaga akong pumunta sa airport. Pero anyare ay delayed daw ang flight at mga around 11pm na daw. So keri lang. Kahit drained na ang phone ko, at pocket wifi. go lang.

na-stranded me sa airport kasi nadelay ng nadelay ang flight. Tapos maginaw pa naman sa airport.wala akong jacket. huhu. Buti na lang may pakonswelong Jollibee. lols may relief goods. hahah



Kahit na irate-iratan na ang mga co-pasahero ko sa delayed flight, ako, keri lang, GV dahil na-enjoy ko yung solo travel ko sa Cebu. hahahaha.

O cia, hanggang dito na lang at eto na ang last post for my cebu thingy. Abangans ang sunod-sunod-sunod na mga peliks review na naipon during my tamad days last week. hahahaah.

Take Care folks!