Saturday, November 30, 2013

Fabulous Boys

Hey guys! Weekend nanaman! And i'm back sa bloghouse ko na medyo nagkakaagiw na. Bwahahaha. Imagine, november, mga 6 ata or 7 lungs ang post ko? Maygas... nikakalawang na ata ako at na-stuck ako sa kasabawan and stuff.

But heniway, atlist meron pa din naman update kesa wala diba? 

So for today, let me share something na minarathon ko last weekend. Eto ay isang series from Taiwan at ang pamagats nito ay 'Fabulous Boys'.

Nabasa ko lungs sa wiki na currently ay airing pala sya sa local tv network na GMA. Di ko alam kasi di ako nakakanood ng local shows kasi olats ang antenna ko sa bahay kaya madalas downloaded items or via dvd ang nipapanoods ko, malinaw at HD pa minsans.

Ang show na Fabulous Boys will be familiar na sa inyo kasi ito ay isang remake from a Korean series. Yep, import from another bansa ang wents at inadopt sa another bansa. galing sa series na 'You're Beautiful/ He's Beautiful'.


Oks, sa hindi pa nakakaalam ng plot ng storya, i'm gonna make wento sa inyo.... 

Ganito kasi....

May isang girlay na nasa kumbento at magmamadre. Tapos one time, may lumapit sa kanyang lalaki. Nope, di sya niligawan. hahaha. Humihingi ng tulong yung guy. Nope, hindi po namamalimos yung guy. Humihingi sya ng tulong kasi parang manager-ish siya ng twin brother ni girlay.

Ang siste, ang twin-bro ni girlay ay magiging member ng isang all-boys groupie named A-N-Jell. Kaso ang twin bro ay nagkaroon ng retoke issue kaya di pa pedeng humarap sa group. So kailangang magpanggap at magpretend ni girlay na maging boylet para maging super proxy for her bro.

Si sister nagdadasal for cute boys :p

So kailangan magtransformers si sister at maging part of the boys so she's ready for transformation. Handa na siyang maging guy at makilala ang taklong guy sa buhay sa kanyang band life.


Antanong, hanggang kailan kayang mailihim na may tahong si girl at hindi talong? anmanyayare kung ang mga kaband member ni girlay ay mainlababo sa kanya?

Kung curious kayo, try looking for it sa suking dvdhan or abangers sa tv. hahahaha.

Based from my observation, nag-stick ang taiwan sa original story flow ng korean kaya naman good series etong remake na ito. Hindi sya natulad sa mga masuklups na series na inadopt ng pinoy show na nalalayo at madaming alterations sa wento.

Btw, meron din palang Japanese version ito. Parang Yung Hana Kimi at Meteor Garden lungs... may iba-ibang versions. :D

O sya, hanggang dito na lungs muna!

Happy Bonifacio day pala! lols. TC!




Sunday, November 24, 2013

Hunger Games: Catching Fire

This girl is on faaaaayaaaaaaaaah!!!
This girl is on faaaaayaaaaaaaaah!!!
She's walking on faaaaayaaaaaaaaah!!!
This girl is on faaaaayaaaaaaaaah!!!

Kung kinanta mo yung lyrics sa itaas, aba, aba, aba, imfairview, may potential ka sa pagkanta. Bwahahaha. You're an excellent singer! lols.

Heniway, for today, review-reviewhan tayo ng isang peliks na hot na hot at naglalagablab na peliks this week. Eto ay ang pelikula tungkol sa girl on faaaayaaaah na si Katniss. Yep. Heto na ang 2nd peliks ng Laro ng mga tomjones.... Hunger Games: Catching Fire!


Hold it! Hold it!

Alam ko na may mga ayaw magbasa ng reviews na makakaspoil sa story kaya naman kung ayaw ninyong ma-spoil, better drop it like it's hot and close the page. Kasi di ko pipigilan ang wento tungkol sa peliks.










Are you reydey? Okay... lets go!
















Sure ka na??? Sige na nga.... eto na!


Remember si girlay katniss noong pers movie? Well, nakauwi na siya sa District 12. At doon ay nakikipag-fling at landian siya sa brother ni Thor. Tapos di niya alam, medyo asar-cesar na sa kanya ang president named Snow dahil sa pakulong love-love-forever-til-death-d-us-part-chenelyn with Peeta.


So may plano ang kupaloid president para sa star-crossed-lovah o ang tambalang Peeniss (Peeta at Katniss). For the 75th Hunger Games at considered 3rd quarter Quell, ang mga sasabak sa patayan game ay ang mga previous victors. At dahil sa District 12 ay taklo palang ang victors, malamang sa alamang ay pasok sa jar si Katniss at may chance matigoks.


Pero waley na sila magagawa. So they got to be in it to win it! Ando so sasabak nanaman si Katniss at si Peeta sa Hunger Games All-Survivors Edition. Pero bago ang pinaka moment ng patayan mode, kailangan mag fashion show muna ganyan.

Burning Charcoal Inspired Clothes by Cinna

After ng high fashion runway at interview ganyan, kelangan ni Katniss pumili ng pede niyang maging kakampi sa game temporary. Parang survivor lang ang peg, hahanap ng alliance.




Sa game, syempre kailangang magsurvive sa co-players/tributes. At dito ko na ihihinto ang wento ko dahil ayaw ko naman totally spoil ang peliks kasi gusto kong mapanoods niow. Hahahaha.

-=-=-

Di ko nabasa ang book kasi napakinggan ko ito via audio book. Yep, umo-audio book ang lolo niow. Well, slightly tamad ako magbasa ng story na naka-pdf kaya mas gusto kong via narration na lungs.

So if i-babase ko sa napakinggan ko ang somehow flow ng Catching Fire, masasabi ko na dead-on ang pagkakagawa sa peliks. Nabigyan ng hustisya at ng imahe ng peliks yung mga medyo void-ish details sa wento. pati na din sa medyo confused details sa mga characters. 

Imperview, mas maganda ang pagkakabanat at pagkakagawa sa peliks at dahil nadin siguro sa maganda ang story ng book 2 (para sa akin). Idagdag natin dito ang di na nakakahilo much na pagkuha ng action ng mga characters sa film during bakbakan scenes.

Puntos points yung eksenang suot ni Katniss yung white wedding gown dapat niya tapos umikot sya at naging ravena sya este mockingjay-peg (blackish gown na may pekpek este pakpak). Kasama din sa best part yung bow and arrow simulator exercise ni Katniss na talagang kamangha-mazing sa paggamit ng pana. At isama mo na ang elevator scene kung saan naghubad si Joanna Mason. :p Aliw din ako kay Effie at sa host/ interviewer.

Medyo may ilang misses nga lang pero di naman gaanong pansin yun for me. hehehehe. Di na isinama sa wento yung past ni Haymitch at ang kanyang 2nd Quarter Quell experience at di masyadong makadurog puso yung sacrifice ni Mags. Sa audio book kasi feel na feel mo yung moment sa poison fog tapos tumakbo si Mags at nagpakamatay sa fog kasi di kaya ni Finnick na bumuhat ng dalawang tao (mags and peeta).

Score, 9.3 for me kasi mas lamang to sa unang peliks na may score na 9!

O cia, hanggang dito na lang muna!

BTW, meron na sa suking dvdhan ang hunger games kaso iba padin kapag sa bigscreen at malinaw ang copy. WALA pa pong DVD copy sabi sa mga stalls sa quiaps. bwahahaha. 


Sunday, November 17, 2013

Mid-month Random


Hey! Howdy?! Musta? Okay naman ba ang inyong weekend? I hope ay okay sa olrayt kayo dahil mas magandang nakakapag-chillax kayo while weekend lalo na kung araw ng pahinga ninyo.

I know nawala na yung halos daily anik-anik post mula sa bloghouse na ito dahil sa mga ilang kaganapan at siguro ito ay ang sabaw quarter.

For today, tulad ng dati, random post na kahit ano-ano munang wentow. 

1. Work related muna. I'm back to night shift. I'm happy dahil iwas na sa amazing race/survivor mode sa pagpasok ng umaga. Di na kailangan mag-antay ng mga jenga-jeep na punyetakels na di naman nagsasakay.

2. Improving na din ang aking pagpasok. No more late at di na ako napipilitang mag-halfday dahil sa hirap sumakay papasok.

3. Though medyo okay ang pagpasok ng night shift, kabaliktaran naman minsan ang klase ng callers sa gabi. Kung sa umaga ay kadalasang mga aussies, sa gabi ay mga kanuto or americans na kadalasan ay shunga, irate at banas sa mga small reasons.

4. Kahit na nasa night shift me, medyo nakakatulong sya sa diet-dietan mode ko. 2x a day lang ako kumakain. Breakfast ko ay ang pagkain bago ang 9pm shift. Tapos next na kain ko ay around 12am or mga 2am or so depende sa calls. Tapos nun, wala na akong kinakain hangang next na parang umaga muli.

5. Talo yung school namin sa NCAA. Kaasar cesar na natalo ang Letran. Pero oks lang. Hahahah, di naman talaga me mahilig sa sports much so walang masyadong impact. Pero sayang lang yung slight bragging factor na manalo ang iskul mo.

6. Malapit na pala ang palabas na laro ng gutom.. lols... Hunger Games... Excited me ng slight kasi gusto ko yung kaganapan sa book 2 eh.

7. Nakaka-excite ang mga series na inaabangan ko like How I Met Your Mother, Survivor at Amazing Race.

8. May na meet din pala me na grupo ng mga folks. Umuwi kasi sa pinas ang isang blogger na nagwowork sa abroad at nag-invite sya for meet-up. Okay at masaya ang kaganapan. Dyahe lang kasi umariba nanaman ang mahiyain ko kaya di na me nakasama sa part2 ng kaganapans.

9. Lahat silang nandoon ay ibang level ang pagiging funny, witty and bubbly compared to me na isang patay na bata/dead kid na tahimik lang. hahaha. Andami kong nasabi.... hahahah

10. Last sa listahan, medyo sad ng konting news. May bukol kasi sa boobey ang mudrax ko at it turns out na malignant daw yun. So kailangan niyang magpa-chemo ng 3x first then magpa-opera para alisin yun at chemo ulit ng 3x. Medyo nakakakababa at nagpaparamdam ang possible gastos pero hopefully makaya namins. Dasal-dasal din at being strong.

O sya, hanggang dito na lang muna me. Di ko pa alam kung kelan ang next blog update ko, you know, medyo sabaw-sabaw padin.

Take Care folks! 

Sunday, November 10, 2013

Hentai Kamen

Hey there folks?! Kamusta? Hopefully ay maayos ang kalagayans nio kahit dumaan ang super bagyong si aling Yolanda. You knows, madaming naapektuhans na kababayans somewhere sa kabisayaan part ng pinas kaya kung may means para tumulong, go lang ng go folks.

Bukas, panggabi na me so balik zombie-zombiehan shift na so goodbye na me sa pag-drink ng milktea kasi tyaks ay sarads na ang medical by 9pm which is start ng shift kow.

Heniway hiway, today, movie post ang mababasa ninyo sa bloghouse.Ang peliks na ito ay una kong nakita samewhere sa pesbook as a trailer pero now ko lungs napanood.

Ang pamagat ng peliks ay Hentai Kamen....


Eto ay tungkol sa isang teenage japanese boy na anak ng isang bondage queen at ama na medyo saddista. So si boy ay kinda normal stud lang sa eskwelalumpur.


Then, sa iskulbukul, makikilala niya ang kras niya na bagong lipat na girlay named Aiko (nope, not melendez). 


Then one time, nasangkot sa holdapan si girlay at nahostage. To the rescue ang peg ni koyang para sa kanyang kras. So enter sya sa back door ng building at nagpanggap sana as one of the hostage taker kaso mali ang nadampot niyang mask... 


And thus magsisimula ang hamazing transformation ni boy into a pervish superhero named Hentai Kamen. lols. ang hero na halos hubad na with the pantyhose at white brief na nagiging mankini.

Ang original costume ni Hentai Kamen

Nagchachange panty din ang bida, from normal white panty, naging blue striped panty at lacey panty din.

 Blue-striped panty

Laced-panty in mankini

Syemps may kalabs din, mga evil doer and stuff. Pero ang pinaka kontrabids ng peliks ay ang fake Hentai-Kamen na may suot na red mankini.


Sa huling part, may extra boost of power ang bida dahil nasuot niya ang panty ni Aiko. Hahahahahaha.

may burdang pangalan ang panty :p

All in all, saktong pamuksa ng oras at pampatawa ang peliks na ito. Medyo pervish at di suited kung may mga bata-batuts na possible makinoods. Saka slightly scandalous ang mga moaning screeming thingy ng bida. nakakadyahe kung may ibang makakarinigs. hahaha

Bibigyan ko ng 9 ang film na ito dahil napatawa nia ako while watching it. Bagay much sa bida ang acting at clap-clap sa flawless ng wankata ni koya, walang stretchmarks and stuff. nyahahah.

Heto ang trailer sa ibaba :p



O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care.

Wednesday, November 6, 2013

Diary ng Panget 4


Hey mga ka-khants! Kamusta naman! Midweek na at konting tambling at cartwheel na lungs ay weekends na! Ilang tulog na lungs at panggabi na me.... hello na muli sa convenience stores like 711 at minstop for dinner kasi sarado na ang mga paspuds.

Heniway, for today, book review-reviewhan nanamans tayo. Eto na ang ika-apat na bahagi ng Diary ng Panget. Oo, umabot na sa 4th book at finally, heto na ang wakas ng wents.

Hokey, san ba nagtapos ang book 3? Eto yung nagtapat na ng saloobin ang bidang lalaki na si Cross sa chakaness-ugly-duckling-turned-silver-swan na si Eya. Tapos he makes tanong kung pwede ba syang mag-lugaw este manligaw.

So sa book 4, heto na nga ang date-momentum ng dalawa. So kailangan may mga moments na parang aso at pusa at asaran padin at okrayan at alaskahan at insultuhan.

Taps, sa book na ito, eenter pa ang taklong characters. Una ay ang nasnip or cousin ni Eya na girlaloo na para ding cupid-cupidan ang peg. Susunod ay kailangang may kontrabids na sa cliche-ish story kaya dapat may matapobs na lolo ang bidang lalaki na ayaw kay poorits girl. And lastly, kailangang may kontrabida girl na fiancee-fianceehan kasi ipinagkasundo (you know.... the richy thingy deal para sa mga magkakasosyo sa negosyo and everything).

And so, dapat gets nio na ang pwedeng mangyare sa wento... Yep! Hadlang si Lolo, andyan ang impaktang girlay na hadlang din. Pero may new ally din naman ang bidang girl sa katauhan ng kanyang insan. Ipaglalaban ang langit-lupa-impyerno-im-im-impyernong relasyones. 

Nope, wala pong dancing portion na naganap sa wento kasi hindi naman ito peliks kaya wala ding moments sa beach! Hey! Libro kaya ito! hahaha.

Score???? Since, tapos na ang book.... sige, bibigyan ko to ng 8.8. Sareeeeeee.... Gusto ko mang bigyan ng 9, e di ko kaya... predictable kasi much at calculated na ang kaganapan. Ang ending naman ay sakto lang.... Medyo nakutuban ko na din.

pero all in all, oks naman ang book. Naitawid naman.

Pero after reading all 4 books, ang over-all comment ko ay.....

Sana pinublish na lungs na isang bagsakan. Medyo-kinda lugi kasi kung iisipin kasi 150 petot per book. So all in all ay roughly 600 petot yung 4 books. Pero kung nipublish sya as one, malamang sa alamang ay nasa roughly 250 petot lang sya katulad ng ilang books na na-publish na mula sa wattpad.

Kung balak tong gawing movie, sana hindi 4 parts! Kaloks, patatagalin pa. nyahahah

Yun lungs!

O cia, hanggang dito na lang muna ako! Tekker!

Monday, November 4, 2013

Thor 2: The Dark World


Hello! Happy Monday sa inyongs lahats! As mentioned ko sa aking random-randoman post kagabs, heto na at agad-agad na dapat may post sa peliks na napanood last month (oo, last month kasi Oct. 31 ko sya napanoods).

Warning! Cigarette smoking is dangerous to your health ganyan! Este Spoilerssss ahead! Kung di pa napapanood at ayaw mong makabasa ng detalye ng peliks, nakupow, close the window na lungs and come back anaderdei! hahahaha.

Sure ka na ba?











Sure na sure na???







Okay, sige, sinabi mo eh... let's go with the details na ng peliks named 'Thor 2: The Dark World'




Mag start ang wento sa isang place kung saan may someone na lord ng mga dark elves (nope, hindi kamag-anakan ng mga dwende at nuno sa punso). Nagkaroon ng gyerabels sa pagitan ng mga Asgardians (kaninu-ninuan nila Thor) laban sa  lahi ng mga Dark Elves. Nanalo ang Asgardians pero di nila alam na may nakaligtas at survivors.

Mga milyong kembot ang nakalipas, ang jowawits ni Thor sa unang peliks na dating si Queen Amidala ay nakatuklas ng tila portal-portalan at napadpad somewhere kung saan andun ang powers ng Dark Elf leader. Ayun, slightly napossess or humalo sa katawan ni girlay yung something na yun. Si girlay ay dinala sa mundo nila Thor. 

Tapos nagising na ang mga survivors ng Dark Elves at sumugod-sugod-laban-maskumansila to get the something na dumadaloy sa wankata ni girlay.

Syemps, di papayag ang Papa Thor ni girlay at ayaw sumuko. So ang ginawa niya ay he make tulong-tulong-saklolo sa kanyang bro na si Loki. 

May drama-ramang slight tapos konting komedy, tapos ay bakbakan ni Thor laban sa kalabs with the help of some human intervention and the other realms is saved..... end

*-*-*-*-*-*

So ano ang husga? Pwede! Keri naman! Naitawid! Wala  namang dull moment na aantukins ka. Sakto naman ang score na around 8.9.

Oks ang fighting scene. May mga nakakatwang scenes naman. Kulang sa mga body exposures at sexy scenes kaya hindi umabot ng 9. nyahahahah.

Good film naman. Medyo nagmahal nga lang nanaman ang bayad sa peliks house ah.... naging 221 petot na! Grabecious! Baka nek taym pumalo na ng 300 petot! Kapag ganun, sa suking pirats na ako aasa or sa downloads....

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Sunday, November 3, 2013

Novemberandom post


Hey! Wazzap folks! Kamusta naman ang inyong long weekend dahil sa undas plus weekend combo? Dumalaw ba kayo sa inyong mga namayapang fam members or kayo ang dinalaw? 

Ako? Umuwi me ng probinsya! Imagine??? Di ko inakala na uuwi ako sa probinsya namin kasi sa schedule ng work ko, bihira talaga magkaroon ng chance na mabibigyan ako ng magandang restday schedule.... 

Heniway, ang post na ito ay kinda random thing with a combo ng rants and stuff at anik-anik.

1. Bago umuwi ng probinsya, nanood pala me ng Thor! Lols, nagawa ko pang manood ng peliks bago mag-undas. Jampakan kasi ang bus terminal kaya naman nag-decide ako na byumahe ng Nov. 1 mismo.

2. Nakabili din pala me ng 4th book ng 'Diary ng Panget'. abangan ang review sa susunod na days.

3. Medyo mahirap din magbyahe ng may event like undas, medyo matao. Nung byumahe nga me, nasa dulong seat na ako, dun sa may pang 5 persons sa dulo, jumpseats.

4. Andami na din nagbago sa probinsya namin. may mga new establishments at yung mga dating mga lumang landmarks at palatandaan na nakikita ko sa daan, waley na.

5. Andaming tao pala na pumupuntang sementeryo sa probinsya, jampulan ang mga folks. 

6. Compared sa manila, medyo mas nakakagawian na yung tirik-tirik kandila sa bahay kapag gabi.

7. Mahiraps sa probinsya, walang signal ang mga telecoms, walang signal ang globe at sun... di makapag-wifi.

8. Anhirap ng 2 days na di makapag-online... Eeffort ka talaga kung di ka makakatiis kasi pupunta ka pa sa bayan mismo para makapag-net.

9. Yung feeling na para akong dayuhan sa sariling baranggay. Di ko na kilala yung mga tao dun sa probinsya. Yung mga familiar things noong kabataan ko, halos wala na. 

10. Yung nakakagulantang na news.... Yung inaanak ko sa binyag, aba, may anak na. Yung kamag-anak namin na dati 4 lang ang anak, aba 11 na pala ang junanaks! Maygas!

11. Last year, noong umalis kami sa dating bahay, yung collection ko ng one piece na mini figures ay pinadala ko sa probinsya kasi doon ko ididisplay..... ahuhuuhu, missing in action yung box na pinaglalagyan ng mga yun. Pucha, kinakabatutan ako sa inipon kong toys/collections.

12. Ang good thing naman sa pag-uwi ko sa probinsya, aba, pahinga mode ang katawan ko. Sariwang hangin tapos ang tulog, wagas..... 

13. Di lang yown, 3x a day pa ako nakakakain doon tapos may time makanood ng local shows (walang antenna dito sa tinutuluyan ko sa manila, puro dvd)

14. Ngapala, magiging zombie mode na muli ako by 2nd week ng november up to december kasi balik na ako sa night shift. Di ko man lang naramdaman ang midshift na mga 2pm or 3pm ng hapon ang pasok. 

15. Hanggang dito na lang muna, abangan ang review-review thingy ng Thor At Diary ng Panget 4! Promise!