Wednesday, November 6, 2013

Diary ng Panget 4


Hey mga ka-khants! Kamusta naman! Midweek na at konting tambling at cartwheel na lungs ay weekends na! Ilang tulog na lungs at panggabi na me.... hello na muli sa convenience stores like 711 at minstop for dinner kasi sarado na ang mga paspuds.

Heniway, for today, book review-reviewhan nanamans tayo. Eto na ang ika-apat na bahagi ng Diary ng Panget. Oo, umabot na sa 4th book at finally, heto na ang wakas ng wents.

Hokey, san ba nagtapos ang book 3? Eto yung nagtapat na ng saloobin ang bidang lalaki na si Cross sa chakaness-ugly-duckling-turned-silver-swan na si Eya. Tapos he makes tanong kung pwede ba syang mag-lugaw este manligaw.

So sa book 4, heto na nga ang date-momentum ng dalawa. So kailangan may mga moments na parang aso at pusa at asaran padin at okrayan at alaskahan at insultuhan.

Taps, sa book na ito, eenter pa ang taklong characters. Una ay ang nasnip or cousin ni Eya na girlaloo na para ding cupid-cupidan ang peg. Susunod ay kailangang may kontrabids na sa cliche-ish story kaya dapat may matapobs na lolo ang bidang lalaki na ayaw kay poorits girl. And lastly, kailangang may kontrabida girl na fiancee-fianceehan kasi ipinagkasundo (you know.... the richy thingy deal para sa mga magkakasosyo sa negosyo and everything).

And so, dapat gets nio na ang pwedeng mangyare sa wento... Yep! Hadlang si Lolo, andyan ang impaktang girlay na hadlang din. Pero may new ally din naman ang bidang girl sa katauhan ng kanyang insan. Ipaglalaban ang langit-lupa-impyerno-im-im-impyernong relasyones. 

Nope, wala pong dancing portion na naganap sa wento kasi hindi naman ito peliks kaya wala ding moments sa beach! Hey! Libro kaya ito! hahaha.

Score???? Since, tapos na ang book.... sige, bibigyan ko to ng 8.8. Sareeeeeee.... Gusto ko mang bigyan ng 9, e di ko kaya... predictable kasi much at calculated na ang kaganapan. Ang ending naman ay sakto lang.... Medyo nakutuban ko na din.

pero all in all, oks naman ang book. Naitawid naman.

Pero after reading all 4 books, ang over-all comment ko ay.....

Sana pinublish na lungs na isang bagsakan. Medyo-kinda lugi kasi kung iisipin kasi 150 petot per book. So all in all ay roughly 600 petot yung 4 books. Pero kung nipublish sya as one, malamang sa alamang ay nasa roughly 250 petot lang sya katulad ng ilang books na na-publish na mula sa wattpad.

Kung balak tong gawing movie, sana hindi 4 parts! Kaloks, patatagalin pa. nyahahah

Yun lungs!

O cia, hanggang dito na lang muna ako! Tekker!

4 comments:

  1. because of this review, i won't read this... hehehe

    ReplyDelete
  2. I want to know the ending of the story >.<

    ReplyDelete
  3. Relieved! Wewww! Salamat much sa review. I tot may season 4 talaga eh 3 seasons lng sa wattpad eh. Pero parehas lng pala. Hinati hati lng into 4 sections. I still love the wattpad one though di pa ako nakakabasa ng book version.hahaha. puro rinig2x lng. Pero sabi ni authour denny, less lang ang nabago sa book. I <3 dnp! :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???